Andito na kami sa bahay nila, Grabe ang ganda at ang laki ng ng bahay nila may swimingpool din at may garden at ngayon nasa pool kaming dalawa ni Alex, nakilala ko narin yung mommy and daddy nya at yung mga kuya nya na kanina pa syang inaasar.
FLASHBCK
"Bro! Binata kana nga talaga kalain mo yun kasama mo na yung babaeng kinababaliwan mo sa fb, Bro, ikaw na talaga saludo ako sayo" kuya Albert, ang panganay nyang kuya, nagtawanan naman sila at ganun narin ako.
"Anak sya na palayun? Grabe ang ganda nya sa personal, bat hindi ka mag artista iha? sayang ang ganda mo" Mommy nya at hinawakan yung buhok ko.
"Salamat po"
"C'mon Bro! Iba kana talaga, Wagkanang pabagal bagal baka maagawan ka haha" kakarating nyang kuya si kuya Ken ang pangalawa sakanila.
nagpa tuloy lang sila sa pangangasar kay Alex,at hbang kami ng mommy nya ay tumatawa lang.
END OF THE FLASHBACK
kumakain kami ngayon ni Alex dito habang nakababad yung mga paa namin sa pool.
"Happy BirthDay nga pala, nakalimutan kitang batiin sorry" sabi ko napatingin naman sya sakin at ngumiti.
"Thank you, kain ka lang huh marami pa dyan" sabi nya nag nod naman ako at ngumiti.
-------
ALVIN'S POV
Andito nako sa bahay at hinihintay nalang ang asawa ko, asan na kaya si Lian? Umalis na sya agad kanina ng kasama yung Alex nayun at yun yung isa sa mga tinuturuan ko sa klase ang crush ng mga babae dun sa klase ko.
9:40pm na ng gabi at ang uwian lang naman nya ay 6:40pm at 3hours na syang wala pa, san kaya sila pumunta at kanina nya lang naman nakilala yung lalaking yun ay agad na silang umaals ng dalawa lang sila?!
Di kaya... Sh**t wag naman! Ayaw kong mag isip ng mga ganung bagay! kinuha ko nalang yung phone ko at tinawagan sya kaso wala i mean nakapatay yung phone nya, di nya ba inisip na may naghihintay sakanya?! di nya ba naisip na may nag aalala sakanya?! di nya ba alam kung anong oras na?!
Di kaya nagselos sya kanina samin ni Jenny? di ko naman talaga gusto yun eh nahihiya lang akong tanggihan sya kasi ang kulit nya, saka yung kaninang umaga di ako nakapag luto dahil tinawagan ako ng prinsipal dahil may kailangan daw syang ipagawa at kasama ko si Jenny sa pag aayos ng mga papel ng mga studyante yung mga papel para maka pag aral o makapasok sa ibang school.
***
12:30am na at wala parin si Lian, kinakabahan na ko at naiinis dahil bakit di parin sya umuuwi, tumayo nako at kinuha yung susi ng kotse ko at lalabas na sana ako ng pinto ng may marinig akong kotse na pumarada sa tapat ng bahay at bumukas naman na yung pinto at si Lian na ang lumabas dun at lumabas din.. si Alex naka ngiti lang sila sa isat isa!
Nagseselos ako? OO! ang saya nila habang ako eto nag aalala sakanya! bwisit! pumasok naman na sya at ikinagulat naman nya yun nung makita nya ko, pero.. tumingin lang sya at biglang pumunta sa kwarto nya.
Agad ko naman syang sinundan paakyat at isasara na sana nya yung pinto ng agad ko to tinulak.
"Bakit ngayon kalang?! Di mo ba inisip na may nag aalala sayo?! Uwi ba ng babae yan?! Tama bang umuwi ka ng gantong oras at kasama mo lalaki?! Lian! ano ba! Sagutin mo ko BAT. NGAYON. KALANG.?!" galit at inis kong tanong sakanya
tinignan nya lang ako at tinalikuran and agad itong pumasok sa banyo, Sh**t! Galit ba sya sakin or what?! Nagalit kaya sya dahil kanina? Di naman kailangan pagselosan yun eh Diba?