LIAN'S POV
Andito na kami sa probinsya namin, bakit ganto kanina excited ako bat ngayon kinakabahan ako? para bang may mangyayaring di maganda.
"Lian ok ka lang ba? Malapit na tayo sainyo sabi ni manong" Alex, tumingin ako sakanya at umiling.
"Ewan ko ba Alex iba yung nararamdaman ko para kasing may masamang mangyayari o di kaya may nangyari " sabi ko at bigla lang naman nya ko niyakap.
"sshh.. Wag kang mag isip ng ganyan" sabi nya.
maya maya ay andito na kami sa bahay, teka bat ang daming tao? saka bakit may mga ilaw na puti dito? saka bakit ako naiiyak? Mali ba kami ng napunt...
"Ate lian?" agad akong napatingin ng makita ko si Tristan na parang paiyak na lumapit sakin at bigla akong niyakap.
"Ate, Ate patawarin mo ko... Patawarin mo ko kung hindi ko na sabi sayo na patay na si mama" ng pagkasabi nya yun ay bigla akong nahagulgul ng iyak at niyakap ng mahigpit ang kapatid ko.
"Bakit di mo sinabi sakin?!" sabi ko habang umiiyak parin
"Ate yun ang sabi ni mama bago sya mawala ayaw nyang malaman mo dahil masasaktan ka daw ate diba may sakit ka sa puso kaya ayaw nyang ipaalam yun sayo" Tristan.
napatingin ako kay Alex na nakatingin sakin na may halong gulat, oo may sakit ako pero magaling nayun, pero ang sakit!! ang sakit na makikita mo na nga ulit yung mama mo sa kabaong pa!! Ang sakit sakit talaga! naiyak lang ako ng naiyak habang si Alex ay pinapakalma na ko.
----
"Ate wala kabang balak tumingin sa loob?" Tristan.
"Di ko pa kaya Tristan siguro mamaya nalang" sabi ko at nag nod lang naman sya at bumalik sa loob.
"Lian, gusto mo bang kumain? di kapa kasi kumakain kanina pa" Alex
"Di ako nagugutom Alex, salamat nalang"sabi ko
"Wagka mag alala andito lang ako, ako na ngayon ang poprotekta at mag aalaga sainyo magkapatid" Alex, napangiti naman ako at niyakap sya.
"Salamat Alex"
---
"Tristan uuwi muna ko para kumuha ng gamit huh, bantayan mo muna si mama babalik din ako" sabi ko.
"Ate kasama mo ba yung asawa mo pagpunta dito?" Tristan.
"Hindi, sige na alis na ko" paalam ko.
"Hindi mo ba ipapaalam kay ser to?" Alex ng makasakay na kami sa kotse
"Ewan ko lang Alex, bala na." sabi ko at nag nod nalang sya and niyakap ako at ganun din ako.
----
andito na kami sa bahay at lumabas naman na ko at ganun din sya.
"Pupuntahan nalang kita dito mamaya kaya hintayin mo ko huh, sasamahan ko kayo ng kapatid mo kukuha narin ako ng gamit" Alex.
"Salamat talaga Alex" sabi ko at niyakap sya ulit at niyakap nya rin ako, umalis na sya at pumasok naman na ko.
Ng makapasok na ko ng bigla akong napa hinto ng makita ko si Alvin na may kasamang BABAE! at... at..--- , Ang hirap sabihin pero ang BASTOS! alam nyo na kung ano ang tinutukoy ko diba? Ang sakit! ang sakit! ganto ba sya? ang bilis nyang sumuko at ang pinaka mas MASAKIT dun ay si Mam Jenny pa!!. bigla naman napatigil si Alvin ng makita nya ko at gulat na gulat ito!
"Lian?" gulat na tanong nya na halos ako eto! Iyak na ng iyak! bigla syang napatayo at bigla akong tumakbo paakyat at agad pumasok ng kwarto, Ano ng gagawin ko? Pano kung nabuntis si mam jenny? Bakit ba nya nagawa to?!
"Lian, please.. magpapaliwanag ako" Alvin, di ko nalang sya pinansin at nag ayos na ko ng gamit dinamihan ko lahat ng dadalhin ko para dina ko umuwi dito o matagalan akong umuwi dito.
"Lian naman parang awa m-- Babe, bat ka ba umiiyak dyan at di mo naman sinabi na may kapatid ka at si Riana pa"
ng matapos akong mag ayos at nagtext narin si Alex na nasalbas na sya ay agad kong binuksan yung pinto at ikinagulat naman ni Alvin yun.
"Lian a..ano to?! lalayasan mo ko? iiwan mo na ko? pano na ko lian? Lian mababaliw ako kapag umalis ka at iiwan mo k--"
"Ano ba sinasabi mo Babe? Riana ano ba sinasabi ng kuya mo?" Ms. Jenny, kuya?! Tsk! Fine!
"Nako mam di korin po alam, ganyan po kasi ka OA si KUYA kapag umaalis ako, Ahm.. nga pala ituloy nyo na kanina yung ginagawa nyo sorry kung nabitin ka! sige po pala aalis na ko naghihintay na kasi si ALEX sa baba" sbi ko at agad bumaba kaso sumunod lang naman si Alvin at bigla akong nilingon sakanya.
"Sanba kayo pupunta? Ano? Iiwan mo nba ko? Lian di ko kakayanin, mamamatay ako kapag iniwan mo ko, Lian please patawarin mo na ko" Alvin, nasa taas nga pala si mam jenny kaya di nya naririnig.
"Patawarin? Alvin! Kung pwede lang kita patawarin agad eh! Pero ang sakit! ang sakit sakit! TAMA NA! MAGHIWALAY NA TAYO!" sigaw ko sakanya at aals na sana ako ng ilingon uli nya ko at bigla nya kong hinalikan ng ikinagulat ko iyon.
Agad ko naman syang nilayo at agad syang sinampal ng malakas.
"Pwede ba! Hinding hindi mo na ko mahahalikan ulit Alvin! At pwede ba! Kitang hinalikan mo si mam tapos hahalikan mo ko! KADIRI! KADIRI KAYO!!" sigaw ko at nahagulgul na ng iyak at agad narin akong lumabas at nakita ko na si Alex at agad ko syang niyakap ng mahigpit.
--
"Bakit Anna? Bat ka umiiyak?" tanong nya ng makapasok kami sa kotse.
"Alex, si Alvin... at si mam jenn--" hinto ko ng maiyak nanaman ulit ako at niyakap nya nalang ako.
"Tama na yan Anna" Alex at himas sa likod ko.
---
ALVIN'S POV
Ano nang gagawin ko? hihiwalayan na nya ko! Di ko kakayaning mawala sya sakin! Ano ba kasi nangyari sakin?! bat ko kasama si Jenny dito sa bahay saka bakit ko sya ginalaw?! ang alam ko lang kasama ko sila Christian wala akong maalalang andun si Jenny!
"Alvi--"
"Pwede ba! Sh**t! ano nang gagawin ko kapag hiniwalayan nya na talaga ako?! Di ko kakayanin! Bat ba kasi andito ka pano may nangyari satin! Huh?!" sigaw ko sakanya pero sya nakatulala at halatang gulat sa mga sinabi ko.
"Hiwalayan? Alvin.. Magkaano ano ba kayo ni Riana?" parang walang tanong ni jenny.
"Mag asawa kami! at mahal ko sya mahal na mahal di ko kakayanin pag iniwan nya ko, Jenny bakit ba ngyari to?!" sabi ko pero wala manlang syang imik so ginusto nya tong nangyari samin?!
"Sh*t! umalis kana Jenny! ayaw na ktang makita!" sigaw ko at agad syang hinawakan at hinila palabas at agad sinara yung pinto.
Ano ng gagawin ko saka bakit ganun nalang?! bakit ang dali nya kong hiwalayan?! bakit! mas mahal naba nya si Alex kesa sakin?! namimiss ko na sya sobrang miss na miss kaso..
-----