Chappy Two

31 1 0
                                    

Nakakainis! Urghhhh! Ano bang meron sa araw na ito? Bakit lahat nalang ng taong makakasalubong ko sinisira ang araw ko.

Isang beses pa lang kami nagtatapat ng dagang yun pero pinainit niya na agad ang dugo ko.

*flashback*

"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! WHAT THE HELL! NAKITA MO TO? AAAAAAAH! DI MO BA ALAM NA MAS MAHAL PA ANG BLOUSE NA ITO SA BUHAY MO! AND BAKIT KA SUMAKAY SA ELEVATOR KO. SINO KA BA HA?"

"Sis, Ahmmm. SIya yun." Bulong saakin ni Courtney.

"Sinong sya?! Pwede ba di ako manghuhula! Bobita!"

"Yung bagong mouse sa kaharian mo..." sabi naman ni Lavinia.

 “Ahmm. Excuse me lang miss ha, nagmamadali ako eh. Sige” sabi ng dagang scholar at saka pa ako nilagpasan.

*end of flashback*

Nakakahighblood yung dagang yun! Ni isang sorry wala akong natanggap! Ano ganun nalang? Bastusan? Palibhasa mga dukha, ano pa bang aasahan? Edi syempre, puro sila mangmang. Hindi ko talaga alam kung bakit napapasok yan dito bilang ischolar eh. Good values nga, wala siya talino pa kaya? Ughhh.

Dali dali akong sumugod sa office ni lolo, kinakalaban ako ng dagang yun ah. Tingnan lang natin.

“LOLOOOOOOOOOOOOOOOO”

“Ms. Brianna? Wala po si Sir Lucas ngayon, may meeting po kasi siya kasama ang board.” Sabi saakin ng secretary ni lolo.

“Hanggang anong oras?”

“Siguro po mga 20 minutes na lang, kanina pa po kasi yun.”

“Ah ok. Tutal, wala ka namang ginagawa at paupo upo ka lang diyan, ikuha mo ako ng damit na pamalit para naman worth it yung pinapasweldo namin sayo”

“Si-sige po. Ms. Brianna.”

“Good.” Saka ko pa siya tinapik sa balikat.

Naupo ako sa upuan ni lolo at inilibot ko ang mga mata ko. Napako ito sa cabinet na may label na “Senior File” biglang napangiti ako ng malapad at tumayo ako papunta sa cabinet ng mga files na yun.

Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang file na may picture ni daga.

“You know, mouse.” At saka ko pa kinuha ang file niya. “I can play better.”

Narinig ko ang boses ni lolo sa labas kausap ang secretary niya na sinasabing nasa loob ako. Agad kong tinago ang file ni daga sa bag ko.

Pumasok si lolo at nginitian ko siya.

“Brianna. Ano na namang reklamo mo? CR? Teachers? Students?” bungad ni lolo saakin

“I want you to expel the mouse in my school.” Sabi ko habang diretsong nakatingin sa kanya.

“Mouse? You mean Alfred?” Oh. Alfred, pangalan pa lang pangdukha na talaga eh.

“Yes, lolo. Immediately.”

“And why should I?” matapang na sabi ni lolo habang nakatingin sa laptop niya.

“Lolo, can’t you see this? Yung daga lang naman na yun ang gumawa saakin nito.”

“Brianna, apo. Napakababaw naman yata na dahilan yan para tanggalin ko siya dito. Besides, napakarami mong damit hija.”

“Lolo, that’s not only my point. Alam mo bang ni di siya nagsorry sa ginawa niya. Walang ethics, halatang mahirap.”

Perfect OppositesWhere stories live. Discover now