Chappy One

40 2 0
                                    

"HAMPASLUPA! Tanga ka ba? Sabi ko, I WANT PANCAKES FOR BREAKFAST! Anong kagagahan ito at nagdala ka ng kawali at cake?! Are you stupid or are you stupid?! GUSTO MO BANG INGUDNGOD KO YANG NAPAKAPANGET MONG MUKHA DITO SA PWET NG KAWALI, HA?" sabi ko saka pa binato ng kawali sa pader at saka ibinusal sa bibig niya ang chocolate cake.

"M-ma'am s-sorry po. D-di na po mauulit" nauutal niyang sabi habang pinipigilang umiyak.

"Talagang di na mauulit dahil you're fired!" nakangiti kong sabi.

"Pero m-ma'am..--"

Di ko na siya pinatapos pa at saka sinigawan. "ANONG P-PERO?! GET OUT!" at saka pa siya tumakbo habang umiiyak.

Kawawang mga dukha. Palibhasa di nakakapag-aral kaya puro mga bobo! walang alam! mang mang!

"BOOOOOOOOYYYYYSSSS" tawag ko sa 20 kong butler at sabay sabay silang pumasok ng nakapila sa room ko.

"Yes ma'am?" sabay sabay nilang sabi.

"ANONG YES MA'AM?! BAKIT DI PA NAKAHANDA ANG RED CARPET KO?! MGA INUTIL!"

"Ma'am may sinabi po kayo?" sabi ni Domeng, yung pinakabata.

"WALA! Wala akong sinabi kaya nga naghahanap ako ngayon di ba? WALA NA BANG IBOBOBO PA?! MAGSILAYAS NGA KAYO!" saka na sila nagmarch palabas.

Walang mga silbi. Dapat sa mga yan kinukulong sa kural kasama ang mababahong mga baboy puro inutil!

"ASSHOLESSSSSS! URGHHHH" sigaw ko sa inis.

"Ma'am eto na po." sabi ng katulong kong mataba at sobrang itim. NAPAKAPANGIT. NI DALHIN TO KAY BELO WALA NG SOLUSYON EH!

"Ano yan?!" Sabi ko saka pa itinaas ang napakaganda at napakataray kong kilay.

"Yung sapatos niyong pong asul. Asul po kasi yung sinigaw niyo eh. Eto na po" sabi niya ng nakangiti.

Naipahid ko nalang ang palad ko sa mukha ko at saka huminga ng malalim."ALAM MO BANG IKAW ANG PINAKAPANGET NA TAONG NAKITA KO?!" sigaw ko sa kanya at bigla namang nanggilid ang luha niya sa takot.

"NAGKAMALI AKO! KASI DI LANG PALA IKAW ANG PINAKAPANGET, IKAW PA ANG PINAKABINGI, PINAKATANGA AT PINAKABOBONG TAONG NAG-APPLY SA PAMAMAHAY KO PARA MAGING HAMPASLUPA! TANGGAL KA NA! ALIS!"

"W-wag p-po ma'am. M-may lima po a-akong a-anak" sabi niya at saka pa tuluyang umiyak at tumulo pa ang uhog niya. Mga walang class! Salot sa lipunan.

"Alam mo," at saka ko pa siya hinawakan sa balikat at saka pa ako lumevel para lumapit sa tenga niya at isinigaw na "WALANG KWENTA! EH ANO NGAYON KUNG MAY LIMA KANG ANAK?! BOBO. KUNG DI KA NAG-ANAK AT HIGIT SA LAHAT NAG-ISIP KA, DI KA MAHIHIRAPAN NGAYON! KASALANAN KO BA KUNG BAKIT UBOD NG HALIPAROT MO?! LUMAYAS KA NGA DITO."

Tumataas ang dugo ko! First day of school pa naman. Grabe! Ang aga ko yatang magkakawrinkles nito, paano ba naman walang ibang may utak sa mansyon kong ito. Puro inutil! Mga perwisyo.

Bumaba na ako para kumain ng breakfast. Mga leshe plano ko pa naman ngayon ang breakfast in bed. Tss.

"Brianna!" narinig kong tawag ng isa sa mga inutil na hampaslupang naninirahan dito sa mansyon ko.

Tiningnan ko lang siya at saka umupo na sa upuan ko para kumain.

"Brianna! Kinakausap kita!"

Perfect OppositesWhere stories live. Discover now