II- Twenty-Three

30.4K 229 14
                                    

A/N: Another update. Handa ng tissue please T^T hahaha. Comment kayo ha? Go read. Pakinggan nyo yung mga kantang mababanggit especially yung huli :)

 

GAIL'S Pov

Maya-maya pa din ang tingin ko sa audience. Malapit ng matapos ang nagpeperform at kami na ang sunod. Kaso wala pa din sya. Kanina ko pa din sya tinetext di sya sumasagot.

 

Ano na bang nangyayari sayo Sieg? Ano na bang nangyayari saten? :|

 

"Hey. Cheer up. Kayo na ang sunod.." Napatingin ako sa likod ko at nandun nga si Lance.

 

Nagsmile lang ako.

 

"Woah! Ibalik mo nga si Gail Yu! Yung maingay na makulit.." Natawa na lang ako. Kaya din palang maging makulit nitong si Lance eh.

 

"Ewan sayo.." Sabi ko na lang sabay tingin ulit sa audience.

 

"Wag kang pipiyok mamaya ha? Epic fail yun pag nagkataon.."

 

"Umasa ka naman.." Nagsmile lang ako.

 

"And now let's call for our 8th contestant, The K-Mania!"

 

Naghiyawan naman yung mga tao. Particularly yung barkada.

 

"Tara na.." Pag-aaya ni Florence. I just nodded then sumunod na din.

 

Grabe! Kinakabahan ako :/

 

"Goodevening everyone.." sabay tilian ng mga girls.

 

Sige na! Si Charles na pogi at hinihiyawan ng kababaihan >.>

 

Nagsimula silang tumugtog in the tune of price tag. Yung rock version. Kinanta ko yung chorus then nagswitch sa no one. Same tune. After ng chorus ng no one, nagsalita ulit si Charles.

 

"Sound check lamang po.." Marami namang natawa. Pakulo talaga ng mga to. Sunod namang kinanta namin eh yung jetlagged.

 

Mukhang ok naman lahat.

 

"And now for our final song, sabayan nyo kaming lahat for california king bed.." Syempre ako yan. Tumingin muna ako sa audience habang nagaadjust ng instrument sina Melvin.

 

Wala pa din sya. Napatingin ako sa barkada. Lahat sila nagchicheer. Nagthumbs up pa si Lance.

 

Hinga ng malalim Gail. Darating yun. Tiwala lang.

 

Nagsimula ng magintro si Melvin.

 

"Chest to chest, nose to nose

Palm to palm, we were always just that close.."

 

Tumingin ulit ako sa audience. wala pa din sya. Hays. 

 

"Wrist to wrist, toe to toe

Lips that felt just like the inside of a rose.."

 

Tumingin ulit ako sa audience at para akong nasinagan ng araw. I saw him. Nandito sya. Nanunuod sya. Pumunta sya. Napasmile ako bigla na mukhang ikinagulat ng barkada. Nagtaka sila eh.

 

 

"So how come when I reach out my finger.." Napapikit ako. Nanunuod sya. I need to give my best dito. Dahil nanunuod ang mahal ko :]]

 

"It feels like more than distance between us?.." Naghiyawan yung mga tao. Minulat ko din mata ko. Masaya kasi makita reaksyon ng mga tao sa mga ganitong panahon kaso wrong move ata yung pagmulat ng mata ko.

 

Sobrang wrong move. Bakit? Bakit tinapos nya agad yung kaligayahang naramdaman ko kanina? At bakit kelangan sa harap ko pa? Sinubukan kong ipikit ulit yung mga mata ko. Baka sakaling nanaginip lang ako.

 

 

 

LANCE'S POV

 

Nakita namin syang nagsmile while singing the refrain part of the song.

 

Nakakagulat? hell yeah! Buong maghapon syang tulala at patingin-tingin sa cellphone nya. Kanina naman sa audience.

 

Sinubukan kong hanapin yung dahilan ng pagngiti nya at hindi nga ako nagkamali. Nandito sya. Pero may dapat bang ikangiti sa sitwasyong to? He's kissing another girl! Goddammit!

 

Alam ba nya ginagawa nya? Napatingin ako kay Gail.

 

"In this California king bed

We're ten thousand miles apart

I've been California wishing on these stars

For your heart on me, my California king.." Nakapikit sya habang kinakanta nya yan pero may tumutulong luha sa mga mata nya.

 

Sh*t! Umiiyak na naman sya. Napatingin ako kay Siegfred at kung di naman talaga makapal ang mukha ng lalaking to. Magkayakap sila nung babae. Dito pa talaga?

 

"Hey Lance. Stop that!" Napatingin ako sa kamay ko at... it's bleeding.

 

Nayupi ko na yung coke in can na hawak ko.

 

"Eye to eye, cheek to cheek

Side by side, you were sleeping next to me.." Nagtataka na tong mga katabi ko kung anung nangyayari pero wala akong paki.

 

Tumingin ulit ako kay Gail. Nakatitig lang sya kay Sieg. She was hurt. Alam ko kasi kita yun sa mata nya. Yung pain. Yung sadness. Yung pangungulila nya kay Siegfred na isa't kalahating g*go na akala nya mapupunan ngayon pero kabaligtaran ang nangyari.

 

 

"Arm in arm, dusk to dawn with the curtains drawn

And a little last night on these sheets.." Tuloy tuloy pa din ang agos ng luha nya.

 

Sh*t Gail! Wag kang umiyak please.

 

"Ah Sh*T! Sasapakin ko yang lalaking yan mamaya!" Napatingin ako kay Mark.

 

"Calm down boys! Nasa concert pa din tayo.." Sabi ni Cathy.

 

So nakita na din nila?

 

"So how come when I reach out my fingers

It seems like more than distance between us?.." Nakita kong umiiling pa si Gail. Mahirap. Mahirap sa sitwasyon nya ngayon ang tanggapin ang mga nangyayari.

 

Please Gail. Be strong. wag kang umiyak. Atleast not infront of him.

 

 

FLORENCE'S POV

 

Our band manage na hindi magkamali dahil tuloy-tuloy pa din si Gail sa kanta at tuloy-tuloy pa din ang contest.

 

Kanina ko pa gustong bumaba ng stage na to at manapak. Pero sh*t lang kasi! Si Gail.. Umiiyak na naman sya.

 

Aish!

 

"In this California king bed

We're ten thousand miles apart

I've been California wishing on these stars

For your heart on me, my California king.."

 

Hindi ko alam kung paano namin nagawa pero nakapaginstrumental pa din kami. Patuloy pa din sa pag-iyak si Gail sa gitna ng stage na mukhang pinagtataka naman ng mga audience.Konting tiis na lang Gail.

 

Nagulat na lang kami ng biglang bumaba sa stage si Gail.

 

GAIL'S POV

 

How can I manage to sing infront of many people in situation like these?  I don't know. I want cry my heart out. Gusto kong magwala. Gusto kong paniwalain ang sarili ko na joke lang to ni Siegfred. Na joke lang yung pakikipaghalikan nya kanina at yakapan sa ibang babae sa harap ko habang kumakanta ako.

 

Masakit? Hindi masakit. Sobrang sakit lang. Sa sobrang sakit wala na kong ibang maramdaman kundi yung unti-unting pagkawarak ng puso ko. Bakit Sieg? Bakit? Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pang sobrang mahal na kita? :"(

 

After ng pangalawang chorus, wow! Kaya ko pa palang lumakad? Ha!Ha! Bumaba ako ng stage. Ewan ko. Gusto kong marinig ang paliwanag ni Sieg. Alam kong may paliwanag sya. Mahal ako nyan eh. Sabi nya mahal nya ako :'|

 

"Just when I felt like giving up on us

You turned around and gave me one last touch.." Habang kinakanta ko yung bridge part, naglakad ako palapit sa kanya. at ewan sa mga tao at nagigive way.

 

Sieg please. Sabihin mo lang na isa sa babae mo yan at pampalipas oras mo lang dahil naging busy ako. Ok lang. Tatanggapin ko. sabihin mo lang na ako pa din :"(

 

"That made everything feel better

And even then my eyes got wetter.."

 

Konting hakbang na lang nasa harap ko na sya. still, nakakapit sa braso nya ang babaeng yon. Ang sakit. Ang sakit pala makita ang ganitong scene. Tinitigan ko ang mata nya. Yung mata nyang parang may eclipse na ako lang ang tinitingnan noon. I saw pain... Bukod doon? Nakakita din ako ng awa. Sieg please..

 

Maya-maya lang nasa harap ko na sya. Alam kong nagulat yung babaeng kasama nya but I don't care. alam ko din na nagtataka na yung ibang tao. we're making a scene already. Huminga ako ng malalim ang manage to smile. atleast I'm smiling inspite of the pain I'm feeling right now.

 

 

"So confused wanna ask you if you love me.." Dinuro ko ang dibdib nya.

 

"But I don't wanna seem so weak

Maybe I've been California dreaming...Yeah! Yeah!"

 

*SLAP!*

 

"WOAH?!"

 

Parang nagslow mo yung paligid sa ginawa ko. Nag echo yung sampal ko dahil na rin siguro sa hawak kong mic na nabitawan ko din agad. at naghiyawan din ang mga tao.

 

Tumingin ako sa kanya ng diretso sa mata nya. Naging emotionless na to. Sieg, say sorry please. Say sorry.

 

"OH MY GEE! Bakit mo ginawa yun ha? Sino ka ba? Bitch! Wala pang sumasampal sa--"

 

"Speak and I'll break your face.."

 

Di na natuloy nung babae ang sasabihin nya nung bigla syang hinarang nila Lean.

 

Tumingin ako ay sieg.

 

"Kelan..pa..to.?" I manage to ask between my sobs.

 

"1 month ago.." automatic na napalingon ako sa ibang direksyon habang tuloy-tuloy pa din ang iyak ko

 

Hindi lang dahil sa cold nyang boses o sa sinagot nya sakin. Yun yung dahil sa fact na isang buwan na nya kong niloloko. Pinapaasa. Akala ako yung may mali sa loob ng isang buwan nyang pagiging cold sakin pero hindi pala.

 

At ang sakit. Ang sakit sakit.

 

Tiningnan ko ulit sya. Hoping na bawiin nya yung sinabi at joke lang ang lahat tapos yayakap sya sakin at sasabihing 'ang galing mo mam.

 

Pero wala. Nakayuko na sya ngayon.

 

This is too much!

 

Pinunasan ko ang luha ko at tumalikod na. Hindi ko inaasahan to. Pagtalikod ko, sakto namang bumuhos ang ulan. Pati langit, nakikisama sakin.

 

Dahan-dahan ako naglakad palayo.. again, hoping nahabulin nya ako pero wala..

 

Walang Siegfred na humabol.

 

Walang Siegfred na nagsorry.

 

Walang Siegfred na yumakap sakin.

 

at ang sakit.

 

'1 month ago..'

 

Ang sakit. Ang sakit sakit na :'((

 

"Gail san ka pupunta?"

 

Sinubukan nila ako habulin pero tumakbo na ko. ayoko na. Tama na please :'(

 

 

 

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon