II- Twenty-Four

27.9K 212 7
                                    

GAIL'S POV

 

To run away. Yan lang ang naiisipan kong paraan para takasan ang lahat ng nangyayari ngayon.

 

"GAIL!" Kanina pa din nila ako hinahabol but I don't care. Masakit. alam ba nila yun?

 

Patuloy lang ako sa pag-iyak habang tumatakbo sa ilalim ng ulan. Ilang beses na din akong nasisigawan dahil marami na kong nababangga.

 

"Gail wait.."Napatigil ako sa pagtakbo ng marinig ko ang boses nya. Tama. Boses nya yon.

 

Lumingon ako sa likod ko. Nandun sya. Nakatayo sya. Hinabol nya ko. Nandito ba sya para magsabi ng sorry? Nandito ba sya para sabihin na wala lang yung babaeng yun kanina? Na guni-guni ko lang na nakipaghalikan sya dun at nakipagyakapan? Na yung one month na sinasabi nya ay joke lang?

 

"Gail please.." Dahan-dahan syang lumalapit sakin.

 

"Wag.. kang.. lalapit.." Hirap na din ako magsalita kakaiyak. Kahit anong gawin kong punas sa luha ko walang nangyayari :(( Bakit ang sakit?

 

"Wag mo naman akong pahirapan ng ganito.." Sabay lumuhod sya.

 

Hah! Ako pa pala ang nagpapahirap sa kanya. Bakit? Dahil ako ang kasama at hindi yung babaeng yun? Hinihingi na ba nya ang kalayaan nya?

 

Tinitigan ko lang sya. Basang-basa na din sya ng ulan. Nakaluhod pa din sya at umiiyak sya.

 

"Bakit..ka..umiiyak? HINDI BA DAPAT AKO LANG ANG UMIIYAK!? Ako ang nasaktan Siegfred! Dapat ako ang umiiyak!"

 

Ayokong makita syang umiiyak. Nagkakaroon ako ng false hope na nasasaktan din sya sa nangyayari dahil hindi nya ginusto. Ang sakit Syete!

 

Hindi sya kumikibo dun.

 

"Masakit Sieg.. Sobrang sakit.." After kong sabihin yun tumalikod na ko.

 

Ayoko syang makita. Ang sakit.

 

"Gail wait! Pakinggan mo naman ako.." Nung maramdaman kong hinahabol nya ko, tumakbo na ulit ako. Pero kapalaran nga naman, nadapa pa ko.

 

Syete talaga! Ako na nasasaktan ako pa nadapa? :'((

 

"Gail!" Agad naman syang tumakbo para alalayan ako.

 

"Bitawan mo ko!" Inalis ko ang kamay nyang nakahawak sakin.

 

Inalis naman nya kaso lumuhod na naman sya sa harap ko at umiyak. Syet lang!

 

"Bakit Sieg? Bakit?" Puno ng hinanakit ang boses ko. All this time akala ko ako lang. Akala ko kami na talaga. Sabi nya di nya ko sasaktan.

 

"Wag mo ng alamin please.. Lalo ka lang masasaktan.."

 

Natawa naman daw ako.

 

"Masasaktan? Mukha ba kong natutuwa sa nararamdaman ko ngayon Sieg? Nasasaktan na ko! Sobrang nasasaktan na ko. Ano pa bang kulang ha?"

 

Again. Yumuko lang sya dun. Nakakatawa talaga. Dahan-dahan akong tumayo. I hate this! Nung kinaya kong tumayo, tumingin lang ako sa kanya. Nakayuko pa din sya.

 

"Pinagbigyan kita kasi akala ko di mo ko sasaktan.."

 

This time napatingin sya sakin.

 

"Sinayang mo lang.." Pagkasabi ko nun tuluyan na kong tumalikod.

 

Masyado ng masakit. Pagtalikod ko, lalong lumakas ang ulan. Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit. Kung kelan masaya na ko, Kung kelan ok na lahat.. Tsaka nangyari to.

 

Para akong isang pasyente na nag-aagaw buhay. At ang naririnig ko ngayon? Hindi yung tibok ng puso.. kundi yung tunog na nagsasabing wala na.. Tapos na..

 

 

 

 

 

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon