II- Twenty-Five

29.1K 223 4
                                    

A/N: Hindi pa po tapos tong CL XD mahaba-habang kwentuhan pa to ^_^ Sana magustuhan nyo mga susunod na chaps though, medyo drama na naman sya. Tanong, bakit nakipagbreak si Sieg? Tingin nyo bakit? XD Again, support my new on-going story Guys. salamat.

 

 

CATHY'S POV

 

After that night sa concert, parang naging mahirap saming magbabarkada ang ngumiti. especially si Gail.

 

Lagi syang nakakulong sa kwarto nya. Minsan, hindi pa kumakain. Mas matindi pa to sa break up nila ni Marion. Atleast dun, nakamove on sya agad dahil dumating si Siegfred.

 

Si Siegfred na syang dahilan ngayon ng pag-iyak ni Gail.

 

Hindi kami nagcelebrate ng Christmas at New Year. Paano ba naman kami magsasaya di ba kung malungkot si Gail? ilang beses naming sinubukan na pasayahin sya kaso sa tuwing tumatawa na sya, may marinig lang syang isang bagay na connected sa kanila ni sieg ay nawawala na ang sigla nya.

 

Ultimo yung word na sisig. Isang beses kasi pinagluto namin sya ng sisig tapos dinala sa kwarto nya kaso nung nalaman nyang sisig ang pangalan ng putahe na yon, di nya kinain -_-

 

Hindi ko naman sya masisi dahil alam ko din ang pakiramdam ng masaktan. Siguro kung hindi lang din dumating ang boyfriend ko ngayon na si Florence. oo. Boyfriend ko na sya >///> Eh baka pareho kami ng kalagayan. ( Basahin nyo yung I kissed Her Goodbye ko ^^V Continuation yun ng story nila Florence at Cathy)

 

"Hay! Pasukan na sa susunod na araw pero ganito pa din tayo.."pagpuputol ni JC sa katahimikan.

 

"Hindi pa din ba makontak sina Jonathan at Ryan?" Tanong ng katabi kong naka poker face na naman. Ano bang meron sa poker face na yan at favorite ni Florence? -_- Nahahawa tuloy ako >.<

 

"Hindi pa eh. Umiiwas din yung dalawang lokong yun eh.." Sabi naman ni Mark.

 

"Tingin nyo ba may alam yun?" Sabi naman ni Clifford na nagkakape. Tanghaling tapat nagkakape?

 

Maya-maya napatingin kami sa kakabukas palang na pinto. Si Lance lang pala.

 

"Kumain na sya?" wow naman. Wala man lang 'hi' o 'hello' man lang. Talaga tong si Lance.

 

"Hindi pa nga eh. Kaw na kaya ang kumausap. Mas nakikinig yun sayo ngayon eh.." Sabi naman ni Marion na halatang nag-aalala din. Knowing na back sila sa pagiging magbestfriend ni Gail. Daming bestfriend ni bes >.<

 

Nagnod lang nun si Lance tapos umakyat na sa second floor.

 

"Akyat din muna kami ha?" Paalam naman ni Charles na may kasama na namang babae.

 

Kadiri talaga yung lalaking yun. Kaasar.

 

Napailing na lang ang barkada. at again, namayani na naman ang katahimikan. Lagi na kaming ganito simula ng gabing yun.

 

Hay Gail. Ano pa bang dapat naming gawin?

 

 

***

 

LANCE'S POV

 

"Pero Gail kelangan mong pumasok!" Yan ang naririnig ko nung papasok palang ako ng kwarto ni Gail. Date check? January na ngayon at back to classes na ang lahat.

 

"Ayokong pumasok.." matamlay na tugon ni Gail.

 

Pumasok na ako at tama nga. Nandun nga ang buong barkada ni Gail Yu at pinipilit syang pumasok.

 

Napatingin naman sila lahat sakin sa pagpasok ko at umiling. Ibig sabihin ayaw na naman sumunod ni Gail. She looks pale right now. Siguro dahil na din sa hindi nya pagkain minsan at iyak pa sya ng iyak. Tsk.

 

"Ako ng bahala.." Sabi ko na nakatingin kay Florence na halatang nafufrustrate na din. We all know na parang kapatid nya na si Gail at masakit din para sa kanya ang makita si Gail sa ganitong kalagayan. Lumabas na din sila ng kwarto nun.

 

"Gail.."

 

Nakita ko na naman ang mga luha nyang nagbabadyang pumatak. Aish! This girl. Napakacry baby -_-

 

"Kelangan mong pumasok.." Sabi ko sa kanya habang inaayos ang gamit nya.

 

"Ayoko.."

 

Minsan nakakapikon din tong si Yu eh. Sarap ipukpok ang ulo >.> Napakatigas kasi ng ulo. sa halip na magmove on, lalo pang pinapahirapan ang sarili. Aish!

 

"Bakit?" Naupo ako sa tabi ng kama nya.

 

"Ayoko syang makita.." This time, humahagulgol na sya. Tss.

 

"Kahit naman hindi mo sya makita, nasasaktan ka pa din naman.." Napatingin sya sakin.

 

"Tama ako di ba?" Dugtong ko pa. Hindi naman sya umimik nun.

 

"Alam mo ba kung nasaang sitwasyon ka Gail?"

 

Pinunasan nya ang luha nya at tumingin sakin.

 

"Tell me.. saan?"

 

"Nandun ka sa sitwasyon kung saan akala mo takot ka sa dilim pero ang totoo, ang kinatatakutan mo eh ang mga bagay na pwedeng lumabas sa kadiliman na yun.."

 

Napatingin naman sya sakin na puno ng pagtataka. sabi ko nga. May pagkaslow din pala to =_= Naturingang honor student eh. Psh!

 

"Hindi ka takot harapin si Siegfred. Takot ka lang na makita syang masaya ng wala ka.. at ngayon? Panahon na para harapin ang takot na yun Gail. Pumasok na tayo.."

 

Tiningnan ko sya ng may halong sinseridad. Binigyan ko din sya ng encouraging smile. This time, kaibigan na hindi napapagod ang kelangan nya.

 

"Pumasok na tayo Lance.."

 

Sabi sabay punas ng luha nya. Gail Yu.. Hindi mo alam kung gaano ka kalakas. Maswerte ako kasi alam ko yon :)

Complicated LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon