♥ 1

1.5K 29 2
                                    

Sa bahay ni Mamita [ Short ROM-COM Story ]

ROMANCE, TEEN FICTION, SHORT STORY, HUMOR [PG-13]

© May 2013 MissHaYoung ALL RIGHTS RESERVED

=====

"Ayos na ba gamit mo, Kits? Ihahatid na kita sa bahay ng Mamita mo."

"Opo, pero bakit ako lang po pupunta dun?" ayokong mag-isa. Baka kasi may multo pero sabi ni mommy wala raw kasi dun siya lumaki.

Mamita ang tawag sa lola ko sa side ni Mommy. Baduy daw kasi kapag lola ang tawag. Medyo bagets slash fashionista si Mamita kaya yun ang gusto niyang itawag namin sa kanya. Cool grandma, right?

"May trabaho pa kami ng daddy mo kaya hindi na kami makakasama. Miss ka na ng Mamita mo kaya gusto ka niyang makita"

"Oo nga Kits! Mas magandang makalanghap ka naman na ng sariwang hangin, hindi yung puro aircon lang." pang-aasar ni kuya. 

"Edi isama niyo na rin po si kuya Ethan!"

"Hindi pwede ang kuya mo kasi may summer classes pa siya." binelatan pa ako ni kuya pagkasabi nun ni mommy.

Anong gagawin ko sa probinsiya? May internet ba dun? Modern na rin naman ang mundo kaya meron na rin siguro doon.

After ng ilang minutong pagpilit ko kay mommy na 'wag nang pumunta dun--- Bandang huli, nakarating din ako sa bahay nila Mamita nung gabi ring 'yun. Wala na talagang atrasan.

"Kitlay apo! Naaalala mo pa ba ang Mamita mo?" sabay yakap sa akin. Nakakatuwa naman. I’ve been longing for this hug.

"Naaalala ko po kayo Mamita"

Ilang taon na rin pala nung huling bumisita ako rito. Dati maputik at baku-bako pa ang daan papunta sa bahay ni Mamita, ngayon nasementuhan na kaya nabawasan na yung pagkahilo ko. Hindi ko na rin pala nagamit yung plastic na hawak ko para sa emergency kung sakaling lumabas sa katawan ko nang biglaan yung kinain ko kanina sa bahay. 

"Lumaki kang napakaganda. Manang mana sa kanyang Mamita."

Tumawa ng napakaelegante si Mamita matapos sabihin iyon. Alam niyo yung tawang pangmayaman? Ganun tumawa si Mamita. 

Tumingin-tingin ako sa paligid pagkapasok sa bahay. Kaming dalawa lang ata maliban sa kasambahay ang nakatira rito. Wala ba akong ka-age man lang dito? Mukhang pusa lang ata ang makaka-usap ko ah.

Hindi uso ang salitang 'internet connection', 'wifi' at 'cable' dito sa bahay kahit pwedeng-pwedeng magpakabit anytime. Wala naman daw kasing gagamit.

Anong gagawin ko sa laptop na dinala ko? Maglalaro ng pinball? Nakipagbakbakan pa naman ako ng salita kay kuya para payagan akong dalhin yung laptop namin. Matinding pambabara pa ang inabot ko sa kanya pero mawawalan rin pala ‘yun ng saysay.

Tinuro na sa akin ni Mamita yung magiging kwarto ko para makapagpahinga na dahil may travel hangover pa raw ako. Naaalala ko tuloy yung sinabi ni kuya na kapag hindi raw ako lumabas ng kwarto, may susundo raw sa akin na multo. As if naman na matatakot ako.

Nakarinig ako ng kaluskos. 

Hala ano yun?

Nagtataasan yung balahibo ko. Tumingin ako sa paligid pero wala naman akong nakikita kundi pader lang. Napadako ang tingin ko sa bintana.

Woosh. Hangin lang pala. Akala ko kung ano na. Wala ngang multo rito. 

Bago matulog, may mga ritual muna akong ginawa sa mukha ko. Naghilamos ako para mawala yung mga natirang usok sa pores ng mukha ko nung nasa city pa ako. Para naman sa finishing touch--- naglagay ako ng face mask sa mukha. Ganyan talaga kapag nagdadalaga, self-conscious na.

Bigla na lang ako nakaramdam ng uhaw. Bawal akong lumabas na ganito ang itsura ko. Baka hindi na ako sinakatan ng araw bukas kapag may nakakakita sa mukha ko ngayon.

11pm na rin naman pala. Malamang tulog na sila. Wala namang silang mapagkaka-abalahang gawin eh. Hindi uso dito ang palakihan ng eyebags na patuk-patok naman sa lungsod dahil may mapagpupuyatan talaga katulad na lang pag-i-internet at pagmu-movie marathon.

Sumilip muna ako sa labas para masiguradong wala ngang tao. Wala naman kaya nagmadali na akong pumunta sa kusina.

Nasaan ba yung mga baso?  

Natagalan pa ako sa kusina dahil sa paghahanap lang nun. Ang dilim kasi kaya nahirapan akong maghagilap. Hindi ko naman alam kung nasaan yung switch ng ilaw kaya isang matinding kapaan ang ginawa ko. Muntik pa akong makabasag. After ng ilang minutong pagkapa sa dilim eh nakakuha na rin naman ako ng baso. Buti na lang may kaunting liwanag mula sa ref kaya hindi ako nahirapan magsalin ng tubig. Kailangan ko palang mag-ingat sa pag-inom kasi may nakalagay sa mukha ko. Tunggain ko na lang kaya itong pitsel? Wag. May iinom pa rito. Dadahan-dahanin ko na lang yung pag-inom.

Wooo~ refreshing~ ang sarap uminom sa tapat ng ref. Ang lamig. Pwede na akong matulog dito

"Excuse me"

Paglingon ko para tingan yung nagpapatabi sa akin, may nakita akong lalaki. Ka-age ko lang ata siya. Mukhang gumising lang para uminom kasi nagkukuskos pa siya ng mata.

Bigla siya dumilat---

Oh no~ 

Nakalimutan ko na may face mask pala ako sa mukha at idagdag mo pa na nakaputi akong pajamas. Katapusan ko na. 

"WAAAAAAHHHH!!! Multo!!!" sa gulat ko dahil sa sigaw niya, nabuga ko sa mukha niya yung iniinom kong tubig. Napaupo na siya sa sahig sa sobrang takot sa akin. Napakaganda ko namang multo?

Teka? Bakit may lalaki sa bahay? Akala ko ba kami lang ni Mamita ang nandito? 

 

"WAAAAHHHH!!! MAGNANAKAW!!!"

Sa Bahay ni Mamita [ Short ROM-COM Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon