♥ 7

454 16 0
                                    

Humiga na lang ako sa kama. Nakakalungkot talaga. Marami akong crush sa Manila pero iba 'tong may Tristan eh.

*crreeeekkkk*

Ano bang ingay yun? Naalala ko tuloy yung pananakot ni kuya Ethan bago ako pumunta rito.

Bigla na namang may tumunog. Katulad nung narinig ko kanina.Gusto kong sumigaw pero parang paralyzed na yung bibig ko. Hindi ko mabuka. WAAAHHH! Sa isip na lang ako sumisigaw.

Paos na yung isip ko kasisigaw. Mahihimatay ata ako. Umiikot yung paningin ko.

"Kits!" 

Biglang nawala yung hilo ko nang marinig ko yung boses ni Tristan. Tumingin ako sa pintuan. Wala naman. Hala? Hallucination ba 'to?

Nakarinig ako ng lundag. Napatingin ako sa bintana. Dun pala siya nanggaling. 

"Oh. Tristan. B-bakit sa bintana ka dumaan?"

Paano siya nakaakyat sa bintana ko? Ay oo nga pala! Magkatabi yung kwarto namin kaya madali siyang nakapunta sa bintana.

"Nakalock yung pinto mo eh"

Na-lock ko pala?

"Edi dapat kumatok ko na lang. Mamaya nalaglag ka pa diyan sa bintana eh"

"Baka kasi hindi mo buksan. Kits, okay ka lang ba? Bakit hindi mo inubos yung pagkain mo?"

"Busog na kasi ako saka kalangan kong magdiet. Magpapasukan na kaya."

Mukhang naniniwala naman siya sa sinabi ko.

"Bukas ka na talaga uuwi?"

"Oo eh~" Nasabihan ko na rin pala si Mommy na sunduin ako bukas. Agad agad para makauwi na.

"Bakit hindi mo sinabi kaagad? Hindi na ba yun ma-e-extend? Hindi ka ba masaya?"

Sunud-sunod yung tanong niya. Paano ko yun sasagutin?

"Isa-isa lang. Mahina ang kalaban"

"Bakit bukas na?"

Baka kasi lalo lang kitang mamiss sa Manila kung makakasalamuha pa kita rito nang matagal. 

"Ah--- k-kasi namimiss ko na kasi yung pusa namin."

Eh? Namali ako ng sabi. Maniwala ka na lang Tristan. Crossed fingers.  

"Hindi ka ba Masaya rito?" buti naniwala. Pwew~

Masaya ako sobra, gusto ko nga magstay muna ng ilang buwan dito para makasama pa kita eh.

"Ah--- masaya ako. Kaso ganun talaga ang buhay. May hangganan lahat ng kasiyahan" hala? Mga pinagsasabi ko. Napaghahalataang may pinaghuhugutan.

"Hindi na ba yun maeextend?"

Kung pipigilan mo ba ako eh---? Ay? Erase erase. No one can stop me.

"Hindi na kasi marami pa akong aasikasuhin sa Manila." Gusto ko lang talagang umuwi na agad para hindi na humaba pa yung pagsasama namin ni Tristan. Ang drama ko lang.

"Salamat sa pag-alaga sa akin nung may sakit ako. Salamat sa lahat ng pinagsamahan natin. Sa maiksing panahon na nakasama kita--- naging masaya ako. Salamat Kits."

Ang init ng pisngi ko. Namumula na ata ako.

"Salamat din sa lahat. Mamimiss kita" 

"Hindi kita mamimiss"

Boom. Ito yung pinakamasakit na part. Mamimiss mo siya pero hindi ka niya mamimiss. 

"Okay~ Sige matulog ka na. Tsk. Goodnight! Pumunta ka na sa kwarto mo. Mag-aayos pa ako ng gamit."

Sa Bahay ni Mamita [ Short ROM-COM Story ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon