Author's Note: Hi guys! So yeah nirevise ko na tong chapter 1. 3rd person pov na muna sya titignan ko kung maganda kalalabasan neto. I'm always open for suggestions so feel free to comment. Ciao~
--
"Sabi ko magback ka na! Ang bobo mo puta! Wala kang kwentang kakampi!"
Halos sumabog na ang mga litid sa leeg ni Drey kakasigaw sa kakampi niya. Kulang na nga lang patayin na nya ito sa sobrang galit at inis na nararamdaman niya. Konti nalang kasi matatalo nanaman sila ng kalaban nila.
"Puta masasayang nanaman 500 ko dito! Wala na tong patutunguhan. Mabuti pang ibigay ko nalang yung pusta natin." tumayo na si Drey mula sa kinanaupuan niya at pinuntahan niya ang kalaban nila at binigay na ang pusta niya.
Padabog na lumabas ito sa computer shop. Patuloy siyang tinatawag ng kaibigan nya ngunit hindi niya ito pinapansin. Sinusubukan nitong habulin siya ngunit napakabilis niya maglakad.
"Pre saglit naman hintayin mo ko!"
"Tangina ano ba kailangan mo saken?! Wala na talo na tayo dahil sa kabobohan mo! Puta magbigti ka na lang dumadagdag ka lang sa init at palamunin ng bansa natin!"
"Teka tangina kumalma ka! May sasabihin akong importante!"
"Ano? Puta siguraduhin mong maayos yan dahil sinasabe ko sayo bubugbugin na kita!"
"Nanalo tayo sa laban kanina!"
"Ogag ka ba? Kung pinatuloy ko pa paglalaro siguradong talo na tayo!"
"Ulul! Nahuli kong dinadaya nila tayo kaya nakipagrematch ako dun sa sinasabi nilang magaling na kakampi nila. Puta wala pang 10 minuto natalo na siya."
"Ha pano nangyari yun?
"Wala naman palang alam yung kupal na yun! Nagpapatulong siya sa iba nilang katabi dun na magaling tlga para matalo tayo." sabay pinakita ni Aaron yung perang napalunan nila dun sa dota.
"May silbi ka din naman pala eh hahahaha!"
Dumiresto silang magkaibigan papunta sa bahay ni Drey upang doon sila tumambay.
Maya-maya, may kumatok sa pinto nila kaya agad na tumakbo ito upang buksan yung pinto. Tumambad kay Drey ang kanyang ama na madalas niyang makasunod at madalas niyang makaaway. Kasama nito ang stepmother nya nakakasundo naman pero kinaiinisan nya din.
"Oh saan ka nanaman galing?"
"Galing kami ni Aaron sa computer shop."
"Ah. Hoy nakapagsaing ka na ba?"
"Oo meron dyan bahala na kayong kumuha."
Umalis na din si Aaron makalipas ng ilang minuto. Pagkaalis nito, dumiretso na ulit si Drey sa kanyang kwarto upang magcomputer at manuod ng tv.
Kinuha niya ang phone niya at nag-gm siya upang hindi masayang ang kanyang load. Makalipas lang ang ilang minuto nagreply sakanya ang isa sa mga kaibigan niyang babae na si Jenica.
<Bat badtrip ka ata?> reply nito sakanya.
<muntik lang.> reply ni drey.
<bakit naman?>
<basta. magkatext ba kayo ni Jhana?>
<hindi eh. kayo ba?>
<hindi din.>
Dahil medyo nahihirapan sa pagttype sa phone nya, napagdesisyunan nalang nya na tawagan ang kaibigan niyang si Jenica.
Matapos nilang mag-usap, napag-isipan niyang itext si Jhana. Hinintay niya ang text nito ngunit nakatulog na din siya.
to be continued~