Chapter 3

13 0 0
                                    

Author's Note:

So hello there! Yeah i know ilang months na lumipas after kong magupdate and I'm really sorry guys :( Anyways,thank you po sa mga nagtyagaan basahin to and I'm really sorry kung yung first two chapters eh madrama kasi karamihan po ng scene dito eh based on true stories may ilang scene lang akong binago pati name nung characters. So ayun lang thanks! :)

--------------

-Drey-

Saktong 6:30 ng umaga nang magising ang binata, ngunit sa totoo lang hindi naman talaga siya nakatulog eh siguro dala na rin na marami siyang iniisip. at syempre una na dun si Jhana.

Sa totoo lang hindi niya inexpect na aabot sila sa gantong point, kasi nga halos aso't pusa sila kung mag-away minsan up to the point na nagkakasakitan na sila physically and verbally. but despite everything, Drey was very thankful that he had met Jhana because atleast somehow there was now a light shining in his dark, cold and sad world.

Pinalipas muna ni Drey ang ilang minuto bago nya napagdesisyunang bumangon na dahil kahit magtumbling pa ata siya sa kama eh hindi na talaga sya dadalawin ng antok.

"Kung pwede lang sana habang buhay na lang ako matulog." mahinang sabi ng binata sa kanyang sarili. Nakita nya ang phone nya sa may bedside table kaya napagdesisyunan nyang buksan ito. Makalipas lang ang ilang minutong pagiintay, sunud-sunod agad ang text na nareceive nya at karamihan dun ay galing sa bestfriend nya pati kay Jhana.

"On second thought, mas okay na din sigurong nagigising ako kase ngayon kahit papano nahanap ko na ang dahilan ko para magising." Sabi nya habang nakangiting binabasa ang nga text nila Jhana.

After gawin ni Drey ang mga daily rituals nya, napagdesisyunan na nyang bumababa dahil nakakaramdam na sya ng gutom. Pero as expected ni Drey wala nanaman silang tinira para sakanya kaya nagluto nalang sya ng makakaen. After nyang makapagluto at makakaen, bigla nyang naisipang yayain si Jhana at yung dalawang nyang kaibigan tutal parang bonding na din yun.

-Jhana's POV-

Naranasan ko na ang maligawan ng iilang lalake pero karamihan naman sakanila ilang araw lang ay binabasted ko na. Bakit? Kasi halata naman sa mga itsura nila na hindi sila seryoso sa akin at yun ang isang bagay na pinakaayaw ko tsaka hello?! Wala akong time sa ganun dahil may iba akong mahal, at wala nang iba pa kundi si.... GREYSON CHANCE!

Yep isa po akong die hard fan ni Greyson! Nyahaha. Pero dahil din sa kanya kaya nakilala ko ang isang lalake, si Drey. Paano? At dahil nagsipag si author magfflashback ako.

*flashback*

2nd Quarter na ng 3rd year ko sa highschool at masasabi ko naman na masaya na ko dahil close na kami nung iba kong classmate kasi yung iba naman dito di ko masyadong makausap dahil wala ewan ko haha. Sa ngayon inaayos kami ng pinakamamahal naming adviser dahil may bagong seating arrangement kuno nanaman.

"Ok class gusto ko na lumabas muna kayo sa room dahil aayusin muna namin yung mga upuan. President and secretary pati na din yung cleaners ngayon maiwan dito para magayos. Yung ibang officers bantayan niyo mga classmates niyo."

Sa kasamaang palad cleaners ako ngayon kaya kailangan maiwan din ako sa loob ng classroom pero ok na din siguro to tutal malamig naman dito eh hahaha.

"Jhana ayusin nyo upuan dyan sa last row." Maawtoridad pero nakangiting sabi ni Jennica. Btw tropa ko yan pero dahil na rin siguro matalino sya kaya ginawa syang class president.

"Sige. Kaasar naman bat binago nanaman seating arrangement eh ok na naman yung nauna." malungkot kong sabi sakanya.

"Nga eh, ewan ko ba dyan kay mam eh kahit anong ayos ng upuan magulo pa din naman tayo." naiinis na sabi niya kaya natawa nalang ako.

After ilang minutes naayos na din namin yung classroom kaya isa isa na namin tinawag yung mga kaklase namin tas tinuro namin kung saan sila dapat nakaupo. Nang matapos na, pumunta na ko sa upuan ko which sa pinakaunahan pero dun ako sa banda dulo.

Nagstart na ang klase namen pero ang tahimik talaga dun sa lugar ko, ewan ko ba di ko talaga kaclose tong mga kasama ko dito haha. Maya maya pa nagulat nalang nalang ako nung may kumakanta ng kanta ni Greyson kaya hinanap ko kung sino yung kumakanta hanggang napatingin ako sa likod only to find that tall guy singing while smiling playfully at me.

"Omg! Fan ka din ba ni Greyson?!" excited kong tanong sakanya.

"Now why would I be a fan of GAYson?" he replied still smiling playfully at me.

"Kapal ng mukha mo hindi siya bakla nu! baka ikaw!" pasigaw kong sabi.

*end of flashback*

Dyan nagsimula lahat, asaran kami palagi, minsan away hanggang umabot sa point na inaasar na kami ng mga kaibigan namin sa isat isa.

Actually, nung una ayaw ko pa aminin sa sarili ko na nagkakagusto na ko kay Drey pero dahil na din sa tanong saken nun ni Jennica kaya natanggap ko na.

Ayun umamin na din si Drey saken 2days after nung JS Prom dahil nung mismong araw na yun nya lang narealize na matagal na siyang may gusto saken. Sa lahat ata ng manliligaw ko sya lang yun hindi ko agad binasted kase iba sya eh.

Ayun naging sweet kami pero maraming times na nag-aaway kami. Weird nu? Di pa kami pero ang tindi na namin mag-away.

Tulad nalang kagabi, nag-away kami dahil mas madami pa kong atensyon kay Greyson kesa sakanya. Dahil na din sa sobrang galit ko kaya hindi ko sinasadyang masabihan sya ng masakit na salita. syempre naguilty ako ng bongga.

Kahit na sobrang nahihiya ako eh naglakas loob na kong itext sya.

'Drey, sorry about dun sa nasabi ko sayo kagabi, ily' nangingid pa ko nung sinend ko yan. ilang mins ang lumipas ng magvibrate yung cp ko na siyang ikinagulat ko naman.

'Ily? Magbabati lang tayo pag sinabe mo saken meaning nyan >:)' tignan mo to! hayy sige na pagbigyan na. lol.

'Arte neto, im sorry and yeah iloveyou' wala pang isang minuto eh nagreply sya agad.

'Hahaha iloveyoutoo. btw punta kayo nila jennica dito mamaya mga 2pm.'

'Sige, basta bigay mo din saken album ni Greyson ah.'

'Greyson nanaman hay, sigesige wait lang ah text kita mamaya :)'

Matapos ko kiligin, naisipan ko nang bumangon at kumain. Naeexcite na ko para mamaya! Hahaha.

Author's Note:

Nyaaa sabaw na update. Sorry talaga! pero thanks po sa mga nagtyagang basahin to :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon