Author's Note: Hi everyone! So yeah eto na chapter 2 sorry kung medyo nalate pero sana magustuhan niyo. Kung may typos wrong spellings or grammars comment nalang kayo.
---
*BLAG BLAG*
Biglang nagising si Drey sa lakas ng kalampog ng pinto niya. Tinignan nya ang alarm clock niya sa may bedside table. 11pm na. Halos dalawang oras palang ang lumilipas mula nung nakatulog siya.
"Drey magusap tayo." mariing sabi ng daddy niya.
Base palang sa tono ng pagsasalita nito halatang masesermunan nanaman siya ng wala sa oras. Tumayo na sya sa kama at binuksan ang pinto. Kalmado lang ang mukha nito pero alam niyang nagtitimpi lang ito.
"Sumunod ka sakin sa baba dun tayo maguusap."
Hindi na nagsalita si Drey at sinundan nalang niya ito. Pag baba nila, nakita niya ang stepmom niya at ang 5yrs old niyang kapatid na si Lorraine na kumakain. Masama ang tingin sakanya ng stepmom niya. Naiinis lang siya kaya umiwas na sya ng tingin.
Pag dating nila sa sala, umupo na ang daddy niya sa sofa. Umupo siya sa tapat ng sofa.
"Anak , di ba binilinan ka namin kanina na maglinis ka ng bahay at alagaan mo si Lorraine? Tignan mo gabing gabi na hindi pa kumakain at nakakapaghilamos ang kaptid mo!"
"Dad sorry po nakatulog po ako."
"Yan nalang palagi mong dahilan! Wala ka talagang kwenta! Kahit kelan wala ka nang ginawang tama!"
"Oo na dad palagi naman eh! Wala na kong ginawang tama para sayo! May naggawa lang akong kunting pagkakamali kung anu ano na pinagssabe niyo saken!"
Hindi na niya hinintay ang sasabihin ng daddy niya at tuluy tuloy na siyang umakyat papunta sa kwarto niya kahit na paulit ulit niyang naririnig na tinatawag siya ng daddy niya.
Naiinis na siya. Tuwing nasa bahay siya kadalasan ganto ang nangyayari kaya madalas naglalakwatsa siya dahil nagsasawa na din siya sa ganun. Puro nalang problema . Nagsasawa na talaga siya. Problema niya din si Jhana. Puro nalang pagffangirl ginagawa nito at hindi na sya binibigyan ng time.
Kinuha niya ang cellphone niya at inopen ang facebook niya. May ilang notifications siya pero hindi na niya ito pinansin dahil tinatamad siya. Tinignan nya ang messages niya. Nakita niyang nagreply na si Jhana. Madali nyang tinignan ito ngunit dapat pala hindi na nya tinignan kasi nasaktan lang siya sa sinabi nito.
"Bago pa kita makilala ginagawa ko na to kaya wag kang magreklamo." yan ang reply ni Jhana sakanya.
Nireplyan nya ito. "Sige bahala ka na hindi na kita papakielamanan."
In-off na nya ang phone nya. Mahal niya si Jhana pero syempre masakit din yung sinabi nito kahit na ba nangliligaw palang siya.
Natulog na lang siya ulit para kahit papano makalimutan nya ang mga problema niya.
----
Author's Note:
Sorry sa lame at maikling update wala kasi sa mood eh. Pero promise babawi nalang ako :) Comment na lang kayo. Thanks!