Chapter 1: One Shot

22 1 0
                                    

Chapter 1: Slave

Ana's Pov

"Ana, pakikuha nga ng bag ko sa locker."

"Ana, pagawa ng assignment ko."

"Pabili ako ng pagkain, Ana."

"Ako rin. Tubig lang nauuhaw ako eh."

Utos doon, utos dito, utos roon, utos rito. Shet! Rhyme HAHAHAHA. Lagi na lang ganto! Kung baga slave nila ako. Wala rin naman ako magagawa, this is my job. Isang scholar lang naman ako! Kapag di ko sinunod sa isa sa utos nila mawawalan ako ng scholar. Sa isang linggo paiba iba ang amo ko, tuwing friday at saturday lang ang pahinga ako. Hindi na ako magrereklamo sa pahinga ko buti pa nga dalawa eh.

"Ito na po yung bag niyo."

"Nagawa ko na po yung assignment niyo. Napasa ko na rin po sa prof niyo."

"Ito po yung favorite sandwich niyo."

"Nasa tabi niyo po yung tubig. Kanina ko po yan nilagay sa tabi niyo."

"Ah. Sige! Layas ka na. Tapos na kami!"

Thanks God. Natapos na ang isang linggo! So it means tapos na ako sa kanila.

"Okay ka lang?"

Napalingon ako sa nagsalita. Bestfriend ko si Daisy! Ayieee, boyfriend niya si Lay isang heartthrob dito. Yes yes, sa simula pa lang alam ko na yung secret admirer niya. Sinabi sakin Lay HAHAHA kaya tinulungan ko siya.

Ngumiti ako "Oo naman."

Bigla siyang napasimangot. Alam niya talaga na nagsisinungaling ako!

"Anong okay? Namumutla ka na. Tapos yung mga labi mo nanginginig! Tapos ang payat na payat ka na. Sa lahat ng scholar ikaw lang giniginyan nila. Sinabi ko na sa principal natin ibahin yung trabaho na ibigay sayo. Susumbong ko sa may ari ng school."

Aalis na siya dapat pero pinigilan ko siya "Wag na, Daisy. Sanay naman ako! Wag mo nang isumbong." Ngumiti ako sa kanya para mawala yung init ng ulo niya

Natatakot ako baka anong gawin nung apat sa kanya. Kasi isa sa kanila anak ng principal, baka baka pati siya madamay imbes na ako lang.

"Hi babe." ohmygeerd nandito na si Lay. Maglalandian na naman sila sa harapan ko.

"Hi." sabay halik sa kanya ni Lay sa lips pero smack lang

"Ewwww." kumento ko pero deep inside kinikilig ako.

"Ana?" gulat na gulat na sabi sakin ni Lay, pusta ngayon lang ako nitong unicorn nato. "Shet, ana anong nagyayari sayo?"

"ANA!"

Di ko alam kung anong nangyari, basta ang alam ko na lang na sumigaw si Daisy at naramdaman kong nasambot ako ni Lay.

_________

Napamulat ako dahil sa ingay. Alam nilang natutulog ako eh!

"Bakit di pa gumigising si Ana?"

"Easy, Daisy. Sabi ng doctor dahil sa pagod kaya siya nahimatay."

Doctor? Ha? Sinong nahimatay? Kaboses nila Lay at Daisy yun ha? Pumikit ulit ako dahil inaantok pa ako. Bahala sila Mama jan. Aga aga, nagbubulabog sila. Lalong umingay dahil may pumasok.

"Broooooo."

"Nandito pala girlfriend mo eh."

"Ayieeee. Kaya pala inlove na inlove ka kasi ang ganda ng girlfriend mo!"

Book 2: EXO One shotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon