Chapter 3: Mr. Pambara is inlove with Ms. Pilosopo
Dedicated to: Rinaalleia_12
**
Alleia Kim's Point of View"Nakakainis naman eh." Sigaw ko dito sa garden namin dito sa school. Tumingin sa akin si Lei at binalik niya mula ang tingin niya sa librong binabasa niya.
Samantalang si Lea ay tawa ng tawa sa akin. Hype talaga tong si Lea at hindi gayahin yung kakambal niya.
"Ano bang nangyari sayo, Alleia?" Malumay na tanong ni Lei sa akin. Nagbuntong hininga ako. Magkekwento na nasa ako kaso biglang tumawa si Lea at nagsalita.
"Si Kyungsoo kasi." Natatawang sambit ni Lea. "Binara siya sa harap ng prof namin kanina."
"Ay wow. Ikaw na pala si Alleia." Singhal ko kay Lea. Napailing na lang si Lei. Tumayo siya at umalis na lang.
"Ay umalis." Inosenteng sabi ni Lea. Binatukan ko siya.
"Hindi siya umalis. Nandito nga siya eh." Pilosopong sabi ko kay Lea. Sinamaan niya ako ng tingin. Niyaya niya akong kumain.
Saktong gutom naman na ako kaya sumama na lang ako sa kanya. Pagrating namin sa cafeteria. Grupo nila Kyungsoo ang pinaka maingay.
Napatingin siya sa gawi ko. Inirapan ko lamang siya. Pumila na kami ni Lea para makakain kami.
"Tsk. Gandang lalaki nga, sama naman ng ugali." Bulong ko kay Lea. Nanlaki ang mata niya at siniko ako. Nakatingin siya sa likod ko kaya tumingin ako.
"Thank you." Sabi ni Kyungsoo sa akin at sabay kindat sa akin. Bigla akong kinalibutan.
"Liit mo." Inis kong sabi sa kanya. Tumingin siya sa akin ng masama.
"Kung maliit ako, anong tawag sayo? Kinder?" Oo na, ako na maliit. Hayop na lalaki 'to.
Susugurin ko sana siya kaso bigla akong hinila kung sino man. Sisigawin ko sana yung humila sa akin.
"Nag-aaway na naman kayo." Sabi ni Lei. Tumingin sa akin si Lei. "Pumunta ka na kay Lea."
Bago man ako pumunta kay Lea ay tumingin ako kay Kyungsoo.
"Wag mong pinapatamaan sarili mo pre." Sabi ko. At biglang tumawa ang mga tropa niya.
"Basag."
"Kung ako sayo, sinusutok ko na yan."
Napangiti na lang si Lei sa sinabi ko. Lumapit na ako kay Lea at kumain na ako.
--
"Valentine's napala bukas." Sabi ko sa kanila. "Sana naman may kadate ako bukas."
Napa-ubo si Lea samantalang nasamid naman si Lei. Tumingin ako na nagtataka sa kanila.
Umubo si Lei. "May event bukas."
Napatango na lang ako. Ibang klase talaga. Iba talaga kapag president ng whole campus.
"Pwedeng di pumunta?" Sabi ko sa kanila.
"WAG! IDAD--" Biglang tinakpan ni Lei ang bibig ni Lea. Ang weird nila ngayon.
"Kailangan mong pumunta." Seryosong sabi ni Lei. Hays, imbes na matulog na lang ko sa bahay.
"Anong itura yan?" Sabi ko kay Lea dahil nakasimangot siya.
"Ako din sana."
"Anong ako din sana?" Sabi ko sa kanya.
"Wala. Sabi ko, maganda ako."