Chapter 2: Nerd and Bully
Dedicate to: @joaneverth
**
Joan's Pov
Ako si Joan Everth Relojas. Isa akong nerd. Wala akong kaibigan. Lagi nila akong binubully. Jan sila masaya kaya pinababayaan ko na lang.
"Hoy Nerd." Sigaw ng isa kong kaklase sa akin. "Pagawa ng assignment."
Kinuha ko na lang yung book niya. Ayokong magkagulo. Lagi na lang ako ginaganto. Pero sanay naman ako. Binigay ko ulit sa kaklase ko yung libro niya pagtapos kong gawin yun. Imbes na salamat yung sinabi niya.
"Layas."
Ganyan kalupit ang mga tao dito. Sanay naman ako pero tao din naman ako nasasaktan. Lunch na. Wala naman akong kasama.
Naglalakad ako sa hallway. Kapag dumadaan ako lagi nila akong pinagbubulungan tapos tatawa. Pagkarating ko sa canteen. Ang ingay na. Pumala na ako. Bumili ako ng kanin at ulam. Naghanap ako ng mauupuan ko. Minamalas naman sa mga grupo pa nila Kai ang may bakante.
Umupo ako dun. Nagkatinginan silang mag kakaibigan. Tapos nakiupo si Kai sa akin sa harapan ko. Ngumunguya siya ng bubble gum.
"A-anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. Kasi for sure pag uusapan na naman kami nito.
"Wala naman. Ito lang naman kailangan ko." Kinuha niya yung bubble gum sa bibig niya at nilagay sa ulam ko. "Mas masarap yan."
Hindi ko mapigilan umiyak. Pinahid ko yung luha ko. At umalis na lang dun. Tawa lang narinig ko sa kanila.
"Kai, sumusobra ka na sa kanya." Sabi nung isang babae. Hindi ko siya kilala kasi kakatransfer ko lang naman dito. "Baka mawalan ka ng bayag jan."
"Gusto mong makita?"
"Ewwww. Baka maforest makita ko jan."
"Oo eh." Sabay tawa nila.
Ilang araw lumipas na mangyari yun. Lagi pa rin niya ako binubully. Binubuhusan ng maruming tubig o dikaya binabato ng chalk. Hindi ako nagsusumbong kasi alam kong isa sa mga kaibigan niya ang anak ng may ari dito.
Kasalukuyang nandito kami sa bus. Dahil may field trip kami ngayon. Wala akong katabi lagi naman. Nasa likod ang mga barkada ni Kai at kasama dun. Sila lagi ang maingay.
"Oo. Natatawa talaga ako." Tawa niyang sabi. "Mukha siyang espasol dahil ang daming chalk na binato ko sa kanya."
"Kung ikaw kaya buhusan ko ng chalk." Sabi ni Suho sa kanya.
"Wag mong inaapi yang idol ko, Leader." Sabi ni Chanyeol.
"Walang sayo Chanyeol." Sabi ni DO
"Mga bakla talaga kayo." Sabi ni Luhan
"Nagsalita ang mukhang babae." Sabi ni Chen.
"Nagsalita ang mukhang Camel." Sabi ni Sehun.
"Xiumin hyung pahingi ng candy." Sabi ni Baekhyun.
"Ito oh. Anong gagawin mo jan?" Tanong ni Xiumin.
"Darna." Sabi ni Baekhyun. Nagpose pa ng darna. "Ay. Bakit hindi ako naging darna?"
"Saan nga ulit yung bahay ng lola mo Baekhyun?" Sabi ni Lay.
"Save me save me. May ipis." Sabi ni Tao.
"Ano ba yan Tao? Mukha kang bakla jan." Sabi ng Kris. Sabay tawa nila.
"Kai, tigil tigilan mo na yan ha? Baka mainlove ka sa kanya." Sabi nung isang babae.
Napatigil si Kai sa katatawa niya. "Never ako maiinlove sa kanya."
May part sa aking nasaktan sa sinabi niya. Hindi ba niya ako naalala? Kababata niya ako. Umandar na yung bus. Pupunta kami sa jeju island. Pagkarating namin dun. Gumala lang kami dun. Sana hindi na lang ako sumama.
Naglakad lang ako mag-isa. Nagmuni muni dito. Hindi ko inaasahan na napalayo pala ako. Natakot ako bigla dahil hindi ko naman masyadong kabisado. Kung siya lang ang dating Kai siguro ililigtas niya ako. Alam kong hinahanap na ako. Naiiyak na ako.
Naglakad ulit ako pabalik kahit hindi ko alam kung saan ako dumaan. Nanlalabo na panangin ko dahil sa pag-iyak ko. Biglang may nabunggo ako at napahiga kami. Nahulog salamin ko kaya di ko masyadong makita yung nabunggo ko.
"Joan?"
Napatingin ako sa lalaking nakadagan sa akin. Si Kai. Nagkatinginan lang kaming dalawa. Bigla siyang tumayo.
"Tara. Kanina ka pa nila hinahanap."
Nila? It means sila lang ang naghahanap sa akin. Nasasaktan na ako sa sinasabi niya. Nakapunta agad kami sa bus. Tinanong agad ako ng mga teacher kung okay lang ba ako. Oo lang ako ng oo.
Pagtapos ng field trip. Hindi ko na nakikita si Kai sa school. Lagin nagtatanong sa akin yung mga kaibigan niya kung anong nangyari sa amin. Baka daw yun ang dahilan. Umiling lang ako bilang sagot.
"Hoy nerd." Sabi nung isang babae sa akin ubod ng make up sa mukha. "Bakit ang panget panget mo?" Napayuko na lang ako.
May biglang umakbay sa akin. "Ikaw? Maganda ka? Wag ka muna manlait kung hindi mo pa nakikita ang sarili mo sa salamin."
Tumingin ako sa lalaking umakbay sa akin. "Kai, bakit mo sa akin ginagawa?"
"JOOOOOOOOAN! HALIKA DITO." Sigaw sa akin nung isang babae na kabarkada niya. Pero siya naman ang lumapit. "Sumama ka sa amin."
"A-anong gagawin niyo sa akin?" Tanong ko sa kanya. Hinila lang niya ako at nilagyan ng praning sa mata.
Tanong ako ng tanong sa kanya. Pero di niya sinasagot tanong ko. Tawa lang ang sagot niya. Hindi ko alam kung ilang beses siya nakasinghot.
"Nandito na tayo. Wag mong tatanggalin yan."
"Hindi ko alam kung saan ako magsisimula." Kilala ko yung boses niya. "Pero mahal kita Joan. Mahal na mahal kita. Nung nakita palang kita. Bumilis agad tibok ng puso ko sayo. Isang tao lang nagpapabilis sa puso ko at yun ang kababata ko. Kaya kita binubully para mapansin mo ko pero wala lang sayo. Nung nasa field trip tayo sobra akong nag alala sayo. Hinanap ka namin. Nung nabangga kita nung nakita ko yung mga mata mo. Ikaw. Ikaw at yung kababata ko ay iisa. Ikaw yung taong dati ko pang mahal."
Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Dati pa pala niya ako mahal. Tinaggal ko yung pagkapraning ko.
"Mahal din kita." Sabi ko. Napahiyaw siya sa sagot ko. Lumapit siya sa akin.
"Tayo na." Umiling ako.
"Ligaw ka muna." Napasimangot siya pero gwapo pa din naman.
"Sige. Araw arawin kitang papaligayahin." Pinalo ko siya dahil doble meaning yung sinabi niya. Na patawa siya sa ginawa ko. "Green nito."
"I love you, Bully boy."
"I love you too, Nerdy girl."
**