Chapter 4

2.2K 32 0
                                    

Chapter 4

Bea's POV.

Naglalakad ako papunta sa room ko, malapit na kasing mag-start ang klase namin. Pagkapasok ko sa room ko ay bigla kong nakita sila Jhoanna at Marck Espejo, si Marck na niligawan ako before pero nung sasagutin ko na siya, dun ko lang nalaman na sumuko na siya. At hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya, kasi halos 1 year niya akong niligawan, at sa buong taon na yun, mas naging close kami sa isa't isa at nahulog na ako sa kanya.

Tumingin sa akin si Marck nung papasok na ako, sinuklian ko lang siya ng walang ka feeling feeling na tingin.

Bigla akong tinawag ng professor namin at sinabing "Ms. De Leon, diyan ka na lang umupo sa tabi ni Mr. Espejo dahil wala ng upuan."

"Pero sir,"-- naputol ang aking sinasabi dahil sa sinabi ni Marck.

"Umupo ka na dito Bea, you have no choice".

Napasimangot na lang ako at walang imik buong klase. At nung palabas na ako para mag lunch ay nakita ko na naman silang dalawa. Ang sweet nila. Yun lang ang made-describe ko nung nakita ko sila habang kumakain.

Nagulat ako nang bigla akong tawagin ni Jho.

"Beaaaaa! Dito ka na upo. Sabay na tayo ni Marck!"

"Hindi na, busog na kasi ako, no thanks" cold kong pagkasabi.

"Okay. Sure ka ba?" Dagdag ni Jho.

"Oo."
At umalis na ako, umupo na lang ako sa isang bench sa school, na walang masyadong tao. Hindi ko mapigilan ang iyak ko. Hanggang sa tumulo na Ito.

"Naiinis na nagseselos ako. Lahat na lang talaga Jhoanna! Lahat na lang! Lalo lang lumalim lang galit ko sayo Jhoanna!" I sobbed.

Nagulat ako nang may makitang panyo sa gilid ko. Di sya pamilyar sa akin.

"Oh eto panyo."

"Hindi okay lang ako."

"Sige na, tanggapin mo na." Sabi nung guy.

"Thank you" cold kong sabi.

"Ano ba problema mo? Bakit ka umiiyak."

Hindi ako nakasagot.

"Ah, sorry, sige. Kung ano man yang problema mo, kaya mo yan! Sige see you around.." Sabi niya.


A/N: Sorry guys for slow updates cause we're schooling, right? So, I hope you guys understand me. Thank you ! So much love!

Those were the Days (JhoBea Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon