CHAPTER - 9

2.8K 129 1
                                    

Katana's POV

Nandito na ako ngayon sa bar. Late na ako ng almost 30 minutes nakakainis naman kasi talaga si Greyn. 11:00 pm na ngayon.

Pagpasok ko pa lang sa loob ng bar nakita ko kaagad 'yong lima.

"Hey you, why are you late?" Tanong agad sa akin ni Jerwin pag lapit ko pa lang sa kanila.

Para sa akin si Jerwin 'yong pogi sa kanila. Gwapo rin naman silang lahat pero siya yong pinaka gwapo talaga.

"May ginawa lang ako baby kaya na late." Sagot ko sa kanya bago nag wink. Umupo ako sa isang bakante na upuan.

"You're so cute my love." Sabi naman ni Jayvee.

Si Jayvee naman siya 'yong ma appeal sa kanilang lima.

"I know right love." Hinalikan ko isa-isa ang mga pisnge nila.

Napatingin ako sa mga bagong dating na nandito.

"Bakit nandito sila?"

"May sinasabi ka ba babe?" Umiling naman ako sa kanya. Si Jerico naman 'yong pinaka maingay sa kanila at lahat 'ata ng kalokohan alam nito. Classmate ko silang lima when I was junior high school. We are friends. Sadyang kapag nakita ko lang sila ganito kami sa isat-isa.

Napatingin ulit ako don sa mga bagong dating. It's Zeke and Xander. Bakit ba nandito sila? Sabagay okay na rin dahil kasama n'ya si Xander pero si Zeke? Nope, I don't like it.

Naiinis na talaga ako kapag nakikita ko si Zeke lalo na kapag naaalala ko 'yong ginawa n'ya sa akin. Pero may feeling ako na nakita ko na siya somewhere. Hindi ko lang alam matandaan kong saan at kailan.

****

Zeke's POV

Pagpasok ko pa lang ng bar gusto ko na agad umalis. Hindi ako sanay sa ganito. Lalo na sa maingay. Ayoko sa lahat 'yong maingay. Kong bakit ba kasi pumayag pa akong sumama dito.

Plus nakadagdag inis pa sa akin 'yong mga taong nandito. Hindi ba nila alam ang salitang privacy? Puro mga naglalandian kasi ang mga nandito. Hindi ako bitter pero dapat ilugar naman nila.

Napatingin ako sa may gilid. Nakita ko si Katana na isa-isang hinalikan sa pisnge 'yong limang lalake.

Ganito ba siyang babae? Pero wala naman akong paki pa doon.

Hindi na namin kasama si Xander.Kasama niya na 'yong mga babaeng lumapit sa kanya. Isa rin 'yong malandi, e. Kaya hindi naka tanggi nang may lumapit sa kanya. Iniwan pa kami dahil don.

Araw-araw nagpapalit ng girlfriend. Sa loob ng isang taon ganon din siya magpalit sa isang taon. 365 days, pero pinakamalala naman si Blake kaysa sa kanya. Kay Blake kasi lahat ng babae nya kinakama nya hindi katulad kay Xander na tamang landi lang talaga. Pansin n'yo bang ang daldal ko? Oo madaldal talaga ako sa isipan ko pero tamad akong mag salita.

"Zeke punta tayong dance floor." Napatingin ako sa dance floor and they are all wild.

"Ulol! Di ako sumasayaw! Lalo na sa ganitong lugar! Dapat si Blake 'yong sinama n'yo dito!" Sagot ko kay Kin.

Ayaw ko din uminom. Nag ikot-ikot nalang ako. Kailangan mahanap ko 'yong Color Coded. Sabi sa'kin ni Kinz base sa information niyang nakita mahilig mag bar si Red Eyed Demon. Pagkakataon ko na 'to. Baka sakaling nandito siya.

Pumunta ako sa madilim na part ng bar.

"Shit!" Wrong move 'ata ako.

Hindi ko alam kong bakit bigla akong nainis nong nakita ko siya.

Angel Demon Gangster | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon