Zeke's POV"Finally makakabalik na rin tayo sa Pilipinas." Ang tagal kong hinintay na dumating 'to, 'di naman din kami ganun katagal dito sa Japan pero na mis ko talaga ang Pilipinas.
"Ito na po ang mga gamit n'yo sir." Tumango lang naman siya. Pilipino rin ang ibang mga kasambahay namin dito kaya marunong sila mag tagalog.
"Let's go baka mahuli tayo sa flight." Sumunod lang ako sa kan'ya.
Habang nasa sasakyan kami may na isip ako.
"Hahanapin mo ba siya?"
"Oo naman lalo na kapatid ko siya Zeke." Tumango lang ako sa kan'ya bilang sagot.
"Ikaw hahanapin mo ba siya?" Balik na tanong n'ya sa akin.
Hindi muna ako sumagot sa tanong n'ya.
"Ofcourse I will." After ilang seconds sumagot na ako. Napangiti naman si Kinzou sa kan'ya.
"Sana buhay pa sila at makita natin sila." Sana nga, hindi na ako sumagot pa kay Kinzou at tahimik na lamang.
****
Kinzou's POV
Ano na kayang itsura ng mga yun? Nagbago kaya sila or mga siraulo pa rin. Si Blake napaka siraulo ng isang 'yon at babaero.
Grade 8 kasi kami nong umalis kami sa Pilipinas. Mas minabuti na muna naming umalis kaysa mag stay sa Pilipinas. Kapag nandon kasi kami maraming mga memories na bumabalik. Minsan nga naiisip ko kong tama bang bumalik na kami? Kong aasa pa ba kaming buhay pa sila.
Hanggang ngayon 'di ko pa rin talaga kayang isipin kahit na ang tagal na nawala sila.
"By the way Zeke saan ka mag stay?" Si Zack kasi sa condo lang nakatira ganon din si Blake. Wala kasi 'yong parents nila sa Pilipinas.
"I want to solo." I expected.
After 5 hours dumating na rin kami sa Pilipinas. Maraming nag bago at hinihintay na lamang namin dito yong susundo sa amin.
Kaso kalahating oras na 'ata kaming naghihintay dito wala pa rin sundo namin.
Mainitin pati ulo ng kasama ko dahil sa loob ng limang taon na mag kasama kami ang daming nagbago sa kanya. Madali siyang mainis kala mo babae may PMS 'ata hahaha.
Iniintindi ko na lang siya baka kasi epekto lang talaga ng mga nangyari sa pamilya namin. Kahit naman siguro siya alam n'yang malaki ang nagbago sa kanya simula ng nawala 'yong dalawang taong importante sa amin.
"Wala pa ba sila? Ilang hours pa ba tayong maghihintay?" Sabi na e magrereklamo na 'to. Bakit ba kasi napakatagal nong susundo sa amin?
"Hintay lang darating din 'yon baka na traffic or baka may iba pang ginawa." Hindi din kasi kami makaalis baka maligaw lang kami kong kaming dalawa.
Tsaka ang sabi din kasi nila hintayin namin sila dahil sila ang susundo sa amin.
****
Xander's POV
"Hoy Xander buksan mo na 'tong pinto! Bakit mo ba 'to sa amin ginagawa? Ka palit-palit ba kami? Ganon mo na ba kami itinatakwil?" Hindi ko alam kong matatawa ba ako or maaawa kay Blake. Alam ko namang nag pa-paawa lang ang isang 'yan pero wala na silang magagawa buo na desisyon ko na mamaya ko na sila papalabasin.
Patay talaga ako nito late na ako masyado. Nakakainis kasi 'tong dalawa masyadong panggulo.
"Wew, napaka pogi ko talaga." Sabi ko sa sarili ko habang naka tingin sa salamin.
"Xander maawa ka naman sa amin ni Blake. Ilang years kong 'di na kita ang kambal ko tapos ipagkakait mo sa akin 'yon? Ganyan ka na ba ka walang puso?" Napailing naman ako sa pinagsasabi ni Zack. Nag sama talaga silang dalawa sa trip nila.
Pero takte paniguradong lagot talaga ako nito.
"Xander buksan mo na 'to. Buksan mo na ang puso mong nababalot ng sama ng loob." Tang-ina talaga kahit kailan 'tong si Blake.
Bahala nga sila. Kasalanan naman nila kong bakit nasa ganitong kalagayan sila. Kong hindi sana sila nagpa kulit sa school hindi nila mararanasan 'yan. Lahat kasi kami talaga susundo kaso nga lang 'yong ginawa nila sa school punishment ko yan sa kanila.
"Alis na ako, bahala na kayo kong makalabas kayo."
"Hoy Xander sisirain namin 'to kapag 'di mo kami pinalabas." Sigaw pa ni Zack.
"Edi gawin n'yo kong kaya n'yo. Naghihintay na don ang dalawa baka mapag-initan ako ng kambal mo Zack." Tumakbo na ako palabas papunta sa parking area.
****
Blake's POV
"Bakit napakasama sa atin ng tadhana Zack?" Napahagulhol na ako dahil 'di ko na talaga kaya.
"Tama ka! Bakit tayo pinaparusahan ng ganito?" Bago napahagulhol na kaming dalawa at nagkatinginan.
"Tang-ina ano 'tong ginagawa natin?" Sabay kaming dalawa na tumayo at natawa.
"Para tayong sira, mag-isip na nga lang tayo kong paano tayo makakalabas." Napansin ko yong bintana.
"Basagin kaya natin 'yang salamin." Salamin kasi 'yong bintana.
"Ah buti gumana na 'yang utak mo Blake." Bwesit na Zack 'to amp.
"Syempre ngayon lang siya gumana kaysa sayo 'di talaga gumana." Sinamaan n'ya naman ako ng tingin.
Pero totoo naman talaga na 'di gumana ang utak ni Zack. Napaka talino ko talaga kahit kailan.
"Hoy, tama ng day dream mo tara na!" Nabasag n'ya na pala hindi ko man lang na pansin.
"Alam mo ba kong saan sila didiritso?" Hindi ko kasi alam kong saan sila pupunta.
"Baka kila Kin." Sagot sa akin ni Zack.
"Oh right," tumalon na ako sa bintana.
Makikita ko na rin ang mga panget kong kaibigan. Ako talaga pinaka gwapo sa lahat walang makakatalo sa kagwapuhan ko sa aming lima.
"Hoy ano ba 'yan Blake iiwan na ba kita?" Agad akong sumakay sa kotse.
"Blake umamin ka nga." Nangunot naman ang noo ko.
"Anong aaminin ko?"
"Aminin mong siraulo ko."
"Syempre siraulo talaga ako mana ako sayo, e." Sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Angel Demon Gangster | ✔
AçãoWe don't have mercy Trust is so hard for us to give Our identities are always a secret And enemies will always be our enemy We commit mistakes but we don't regret every single thing We killed using our own bare hands We maybe a sinner but we still k...