CHAPTER - 19

2.1K 119 3
                                    

Xander's POV

Magkasama kami ngayon ni Kinzou dito sa data room busing busy siya ni hindi niya man lang ako pinagtutuunan ng pansin. Wooh nakakaselos tuloy pero joke lang yon no. Ano ako bakla? Hindi ako napatol sa kanya no? Iisang babae lang ang mahal ko at walang iba kundi si —

"SDH" - Kin

Tinawag niya akong SDH codename ko 'yon eh pinaiksi lang kasi nga Sweet Dangerous Hunter. Kaya may sweet d'yan kasi nga yon na yon intindihin niyo nalang. Sweet kasi ako lalo na kapag girl nilalandi ko haha syempre para di makapag focus.

"Ano yon?" - Me

"May nanghahamon sa atin"-Kinzou napatayo naman ako sa kinauupuan ko.

"Seriously Kin? Woah, exciting yan." Matagal na rin nong huli kaming napalaban sa arena.

"Yeah. Later 12:00 am 'yong laban sa underground." - Kin

"Paano kong patibong lang yan? Same sa nangyari dati?" - Me

"Malay ko ba 'yong rank #2 'yong gustong makalaban tayo" - Kin

"Okay sabihin ko lang kila Zeke, para mailampaso na sila." - Me

Tumayo na ako para lumabas hindi ko nga pala nasasabi sa inyo na kami 'yong rank#1 sa underground. Ngayon nalang ulit kami makakalaban dahil wala talagang nagtatangka na lumalaban sa amin. Kapag wala naman kami sa underground syempre may mission din kami no pinapagawa nila mom.

At alam n'yo ba kong sino yong ultimate rank yong Color Coded Gangster lang naman at hindi lang sila basta gangster mga killer din sila lalo na kapag wala sila sa underground nagiging killer sila. Wala pang nakakatalo sa kanila kaya wala pang pumapalit sa puwesto nila bilang ultimate rank. Isa na rin sila sa mga legend gangster. Sana all diba?

Kaya maraming humanap sa Color Coded Gangster kaso hindi nila malaman kong sino syempre masiyadong tago 'yong identity. At kami mismo na Hunter hindi namin nalaman na sila lang pala ang Color Coded Gangster.

Teka masyado na ba akong madaldal?

Nakita ko 'yong tatlo kumakain nga naman. Mga patay gutom talaga 'to? Pero mga payat padin haha ako lang 'yong hot dito, tsaka may abs.

"Hey, later may laban tayo sa underground."
Napatigil naman sila sa pagsubo.

"Paano?" - Zack

"Hinahamon tayo ng rank#2- Me

"Woooh! Exciting ngayon naman tayo ulit makakalaban" - Blake para talagang bata pero parang lang 'yon ah. Baka mabatukan ako n'yan. Pero isip bata talaga 'yan at may pagka siraulo.

"Tss okay." - Zeke

Ito namang isa na 'to parang ano? Parang ano ba? Always bad mood, e naalala ko na naman tuloy 'yong tawag sa kan'ya ni Katana. Pinigilan ko tumawa dahil baka ma badtrip sa akin si Zeke.

"Ang saya kaya non namiss ko na- Blake

Yong dalawa naman seryoso mag kapatid nga talaga. Si Blake naman tuwang tuwa pinsan ba talaga nila yan?

****

Sky's POV

Nasa room lang ako ngayon tahimik na nakikinig sa professor namin. Pero walang pumapasok sa utak ko nandito lang ako sa may gilid ng bintana ng room maganda kasi dito kita 'yong buong field nasa 3rd floor kasi 'tong room namin.

Angel Demon Gangster | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon