Dalawapung Bahagi

11 0 0
                                    

Wala na kaming enrollment, kasi last year naman na daw namin kaya no need na.

Walang nadagdag o nabawas samin kaya masaya. Haha! Yung iba kong kaklase nag uusap na tungkol sa mga universities, kelan sila mag eexam etcetera.

Sa totoo lang ayaw kong umalis ng high school. Kasi naman, halos tatlo? Dalawa? Taon na kami magkakasama. Para na kaming isang pamilya kaya ang hirap humiwalay, pero wala eh. Ganyan daw talaga ang buhay, may aalis may dadating.

Nang bwan ng August, naglabas ng application form ang UP.

Syempre ako, kahit ayaw kong magtapos agad ng high school may gusto din naman akong future para sakin. Kaya isa din ako sa nag apply sa UP.

May 3 weeks pa kami para makapagreview sa dadating na examination. Ang daya nga eh, kasi ako lang naiibang place. Ako sa Imus lang mag eexam which is malapit lang samin tapos yung iba kong classmate na magtetake din ng exam eh sa Manila sila naidestined.

Kaya ako lang mag isa sa mga classmate ko ang mag eexam sa Imus.

Sa loob ng 3 weeks. Panay review kaming mag eexam. Yung iba kasi mga bandang BerMonth pa, depende sa university na papasukan nila.

Ay! Si crush nga pala mag eexam din sa UP kaya lang sa Manila siya kasama nung iba. Hindi ko alam kung bakit ganon, tinadhana ba talagang hindi kami magkasama? Haha! Orayt! Tigil na muna ako sa kahibangan magrereview muna ako.

ILGITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon