Taguan ng Feelings

1.6K 60 2
                                    


Isang panibagong araw ,tanghaling tapat.

"1,2,3,4 " bumubulong bulong si Cha habang
isa isang pinipindot ang button ng blender
papahina ,papalakas, umiikot ang blade ng blender

"anak ano ba? hindi marinig ang pinapanood ko."
kasalukuyan kasing mag de date ang bida ng tambay serye

"Anak alam kong namimis..."

"MA! pwede ba wag po muna nating pag usapan?

tsaka hindi sya ang iniisip ko .yung isa kasing caller kanina..." napabunton hinga

"anong sabi nung caller?"

"may problema daw sa love life nya"

"namimiss nya yung girlfriend nya?" inanunahan na sya ng nanay nya.

napatingin naman si Cha na parang nakukulitan sa nanay nya.

"Anak pakisabi dyan sa caller na yan hubarin
nya yung mga suot nya ng hindi nya mamiss yung girlfriend nya"

sabay talikod.sabay harap ulit "ayy tsaka pakisabi wag maingay kasi magkikita na si
mr. dimple at si yaya."

lalong sumimangot si Cha

"Oh bakit kanino ba yang bear slipper na suot mo? " sabay turo sa slipper sa paa ni Cha

agad na hinubad ni cha

"Eh yan brown pajama na.." di pa tapos magsalita ay
dali daling hinubad ni cha ang suot na pajama dahil may suot naman itong short short.

"oh ayan Nay"

"eh yung t shirt mo nak,kanino rin yan? tapos may nakasulat pa" tumagilid ang ulo ni Aling choleng para basahin ang nakasulat sa shirt. "For Keeps! oh anak di ba galing yan sa fans nila ng ka LT nya? para sayo ba yang FOR KEEPS na yan?"

iritang iritang hinubad ni cha ang shirt.

"Yan pa yung suot mong sando hindi ba't..."

"ma, pwede ba ayokong maghubad dito sa sala.baka hindi nyo rin po magustohan ang makikita nyo"

"Anak dun ka sa kusina " itinulak ng mahina si Cha .pang aasar pa nito.

"huh?" takang taka si Cha

"Hubarin mo din yang panty at bra na suot mo kinuha mo yan sa sampayan di ba? kay RHIAN RAMOS din yan " sa wakas natapos din nya ang sentence nya.

"ma akala ko inorder nyo ko sa Avon" pagtataka nito

"aba ! wala ka naman sinabing umorder ako kay Dading"

'shocks suot ko pala under garments ni Denise ay ni Rhian pala' bulong sa sarli

agad na pumasok Cha sa kwarto nya.napa upo na lang ito sa kama nya

'ano ba Cha!bakit di ka makapag function ng maayos.tingin ko namimis ko nga sya. ano ba tong mga suot ko pakiramadam ko tuloy yakap niya ang buong katawan ko hindi lang katawan parang tumatagos sa puso' na awkward si cha pero may halong comfort at kilig ang nadama niya

Ang dami na palang nagbago simula ng dumating si Rhian sa buhay ni Cha.

Ang kwarto nyang makalat ngayong ay maayos na

Nakatiklop ng maayos ang mga damit nya.

May mga tamang lugar na ang gamit nya at may mga organizers pa.

'pano ba to cha' bulong sa sarili

Lumabas sya ng kwarto dahil parang nasisikipan ang dibidb nya at di sya makahinga.

kinapa nya ang dibdib nya. naisip nya na kay Rhian iyong dibdib dahil nga sa suot niya

'ano ba tong iniisip ko kadira ka Cha'

Napahawak sya sa labi nya naalala nya na kaya pala sya nahihirapang humanga ay dahil magkaiba sila ng cup size ni Rhian. 'AYyy shocks kaya pala mejo masikip din tong underwear magkaiba din pala kami ng waistline .'

Iginala ni Cha ang paningin nya sa sala nila na halos karugtong din ng kusina dahil maliit lang ang bahay nila.

Nakita na may blender na sila dating wala naman dahil wala syang hilig mag shake

at ang dating sachet ng milo ay napalitan ng malaking garapon ng Ovomaltine.

Ang basket sa mesa naroon pa ang tatlong avocado.

may mga malalaki ding lata ng Protein at fat-burning supplements na iniiinom ni rhian para sa m Ab-ab challenge nya.

napayuko na lang si Cha.


Swag and the BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon