Maagang gumising si Rhian
Walang inaksayang panahon
uminom ng bullet proof coffee
bilang paghahanda.
Isang uri ng kape na malakas ang tama
pero less acid.
Nakipaglaban sa oras para makarating sa destinasyon.
.
Natatarantang nagtungo naman si Cha sa Chinese General Hospital.
Papasok na sya sa ward ni Aling CHoleng
Nakasalubong nya ang isang lalaking naka White Coat
Mahaba ang buhok at nakasalamin
Agad itong nagpakilala
"Doc Tado" bigkas ng Lalaking naka white coat "ahmmmm yung Mama mo wag ka mabibigla ahhh....Kasi 3 months na lang sya
stage 4 Cancer sa Ovary.Wala ng pag asa kahit i-chemo"
Nabigla si Cha at tinatanaw si Aling CHoleng na ngumangata pa ng Chicharon ni Mang Juan.Chill na CHill sa buhay habang naka dekwatro at nanonood ng KrisTv.
Kumaway si Aling Choleng at ngumiti sa Anak.Naluha si Cha
dahil si ALing Choleng na lang ang nagiisa sa buhay nya mukhang mawawala pa.
Mahal ni CHa ang kanyang ina higit pa sa sarili.
Dahan dahan lumapit si Cha hindi alam kung paano pepekein ang ngiti.
"Nak, pasensya kana sa appendicitis ko pero
Nak,sinong kausap mo sa pasilyo?"
napatingin si Cha sa katabing kama ni Aling Cholengisang lalaking mahaba ang buhok ang Tinakpan na ng kumot ng mga Nars
"sayang 39 pa lang nawala na"
.
'Loko yun ahhh..aalis na lang ng good time pa'
sabay tingin kay Aling Choleng
"tsssssssssssk kakalunok nyo yan ng buto ng lansones eh"
"eh anak alam mo namang wala akong bisyo kung di kumain nun
tsaka ang pait kasi ng buto
mas bitter pa sayo kaya di ko manguya."
"bakit hindi nyo iluwa?"
"iluwa?kagaya ni Rhian? mas gugustuhin ko ng lunukin kahit magkasakit akokaysa mapunta sa iba sayang naman anak laman tiyan din yung buto"
"Ma,puro kayo hugot!""Ikaw masaydo kang seryoso.
Maedad na ko
Nak, ayokong mawala ng may kasama ka pero hindi naman si Rhian
minsan lang tayo magmamahal
minsan lang mabubuhay
bakit hindi mo pa sundin
kung ano yung laman ng puso mo?
Tandaan mo ang kaligayahan ng tao
nag mumula sa puso
hindi sa isip
'wag ka magisip ng dahilan para di mo magawa
mag isip ka ng paraan para magawa mo.
'Wag mong hayaan na lumipas ang panahon.
BINABASA MO ANG
Swag and the Beauty
FanfictionA Fan turned Basher turned Lubber. Halina't mag chill sa Breezy story ng magkasintahang "PssstEbribadeh". Sabay sabay tayong makinig sa Lubb Radio 2.0 at pakinggan ang tibok ng kanilang mga puso -Rastro For Keeps-