Sina Lolo at Lola

59 0 0
                                    

Sina Lolo at Lola

Ako ay may pamilya
Kung saan kami ay masaya
Nandito si Papa at si Mama
Pati narin si Ate at si Kuya

Pero kilala mo ba kung sino ang paborito ko sakanila?
Ito ay sina Lolo At Si Lola na aming kinikilala
Ang balat nina Lolo at ni Lola ay kulukulubot na
Pero kahit ganun nakikita ko parin ang tunay na ligaya

Sila yung nagbabahagi ng mga lumang kuwento
Pati narin ang mga kantahing bayan kung saan kinakanta namin palagi ito
Nakakatuwa lang dahil kahit anong aking gawin
Silang dalawa ang nag tuturo ng mga mabubuting aralin

Sinasabi namin sainyo to
Dahil masaya kami pag kasama sina Lola at Lolo
Ngayong narinig niyo ito,Inyong napagtanto
Na kanilang ibinigay ang mga alaala na dinadala mo

Nagpapasalamat ako kayna Lolo at Lola
Dahil sila ang gumagabay sakin hanggang sa ako ay malaki na
Yakap, pagmamahal at Kalinga ang ibinigay nila
Kaya kuntento na akong mabuhay kasama sila

Poems ni AuthorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon