Pagsisisi

39 2 0
                                    

Pagsisisi.

Bakit? Bakit pa ba ako lumabas doon?
Sa mundong kinalalagyan ko noon.
Bakit ko mas piniling magliwaliw?
Kaysa manatili na lang sa mundong aking kinaaaliw.

Dahil ba sa takot na ako'y sabihang naiiba?
Kaya napiling sumali sa kabila dahil sa kaba.
Ngayon ako'y nagsisisi na ng sobra.
Na inakalang ang sarili ay doon may maiuubra.

Doon ako nababagay, sa luma kong mundo.
Mas nahahasa, mas nagiging pulido.
Hindi tulad sa pagsali ko sa bagong lugar.
Na walang naidulot sa akin kundi puro asar.

Sana nanatili na lang ako, kung ano at sino talaga ako.
Nanatili sa kung saan ako masaya.
Sa mundong tinalikuran na nasa kabilang dako.
Hindi sana ako naudyok at nagpabaya.

Ngunit, makakabalik pa kaya itong naligaw na?
Sana ay mayroon pang pagasa.
Sapagkat ako'y talagang nawawala na.
Pagbabalik ay mas lalong ninanasa.

Namimiss ko na ang buhay ko na aking dapat na kinalalagyan.
Simple lang, kahit iilan lang ang kaibigan.
Totoo naman at hinding-hindi ako tatalikuran.
Hindi 'yung lalapitan lang ako kapag may kailangan.

Sana ay may natitira pang pagkakataon.
Upang ako'y muling makabangon.
At makabalik sa aking pinanggalingan.
Kung saan nandoon ang mga tunay na kaibigan.

---
Just damned with regrets that don't matter now. *smirks*

Random Short Stories And PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon