Prologue~

160 11 0
                                    

For money, you'll take all the risk.

Taking all chances to fullfil your wish.

Many years of sacrifices.

But in just a day,

That sacrifices will vanish.

An accident that ruined one's dream.

Will you begin again?

A new begin,

A start,

With...

The Trouble Maker?

----------

Kaya mo bang isakripisyo ang Love for your dream?

At kaya mo bang gamitin ang Love for that dream?

Sabi nila ang pamilya ang ating tahanan. Ang tahanan na maaari mong uwian sa tuwing ika'y may kailangan. Isang tahanan na tumatayong silungan. Ngunit paano kung ang tahanan na 'yan ang sisira ng lahat ng iyong pinaghirapan?

May iba't ibang estado ang tao sa lipunan.

May mahihirap.

May mayayaman.

Ngunit paano kung isa ka sa mga mahihirap na limitado ang kakayahan? Makakaya mo kayang suportahan ang sariling pangangailangan? O uunahin mo ang pangangailangan ng 'iyong mga mahal sa buhay?

Isang mapagmahal na anak sa magulang.

Ngunit dahil sa pagmamahal,

Ang pangarap na matagal na pinaghirapan, ay masisira dahil sa isang aksidente.

Ang aksidenteng magiging simula ng panibagong mundo.

Kakayanin mo bang isakripisyo ang pagmamahal para lang masustentohan ang sariling kagustuhan?

Isang katuwaan.

May masasaktan.

Maniniwala kapa kaya sa Happy ending?

Ganito nagsimula ang unang kabanata.

----

Mahigpit niyang hinawakan ang lalagyan. Ang lalagyan ng kanyang mga pinaghirapan. Pumapatak ang kanyang mga luha. May kung anong kumikirot sa kanyang puso. Nagaatubili siya sa kanyang gagawin. Ngunit para iyon sa kanyang inay. Nararamdaman niya ang paghaplos ng mainit na kamay ng kaibigan sa kanyang likod. Napapikit siya ng mariin.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo Tammy? " nag aalalang tanong ng kaibigan. Napahinto ang dalaga dahil sa sinambit ng binatang ngayon ay nasa kanyang harapan. Napaisip siya.

Sigurado na nga ba ako?

Huminga siya ng malalim. Hindi lubos akalain ng dalaga na hahantong siya sa ganoong sitwasyon. Isa lamang siyang mahirap, ngunit ang isang maliit na kasiyahan ay ipinagkakait pa rin sa kanya.

Pinahid niya ang mga luha mula sa kanyang mga nagniningning na mata.

"Sigurado na ako Jin. Mahal ko si Inay, hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sa kanya. Isa pa, hindi sapat ang pera ni Itay. Ito nalang ang natitirang pag asa. " nanlulumong sambit ng dalaga. Niyakap siya ng kanyang kaibigan habang hinahaplos ang buhok ng dalaga. Naisip niyang sa ganoong paraan man lang ay makakatulong siya. Isa lamang din siyang binatang nagmula sa mahirap na angkan. Kaya't kahit gusto niyang matulungan ang dalaga ay wala siyang magawa. Kay lupit naman kasi ng kanilang kapalaran.

"Tammy, iniisip ko lang naman ang mga sakripisyo mo para maipon 'yang pera na 'yan. Paano na ang pag alis mo papuntang Korea? " napahagulgol ang dalaga dahil sa tanong ng binata. Bumalik ang mga ala ala ng mga paghihirap niya sa loob ng pitong taon. Naiyukom niya ang kanyang kamao. Ayaw niyang sisihin ang kanyang magulang. Hindi naman nila kagustuhan ang mga pangyayari.

Bakit ba ang lupit ng tadhana sa akin? Hindi na siya naawa. Sa isip isip niya.

Nagbuntong hininga ang dalaga.

"Hindi ko alam Jin. Naguguluhan ako. " muling tumulo ang mga krystal na tubig mula sa kanyang mga mata. Hinawakan ng binata ang dalaga sa balikat at ihinarap sa kanya. Kitang kita niya ang mga mugtong mata nito dahil sa sobrang pag iyak. May kung anong kumirot sa puso ng binata.
Tila nagulat ang dalaga dahil sa sumunod na ginawa ng kaibigan. Tinuturo nito ang parte ng dibdib niya kung nasaan ang kanyang puso.

"Sundin mo ang sinasabi ng puso mo. Pakinggan mo ang idinikta niyan.Tandaan mo, andito lang ako palagi sa tabi mo. " napangiti ang dalaga dahil sa sinambit ng binata. Napaka swerte niya sa kanyang kaibigan. Apat na taon na rin niya itong kasama. Laging karamay sa kanyang mga problema, kahit sa gulo at kalokohan. Napakabuti nitong tao. 

Dahil sa katuwaan ay niyakap ng dalaga ang kaibigan.

"Ang swerte swerte ko talaga dahil naging kaibigan kita, Jinrei Dale Agustin. " napangiti ang binata sa sinambit ng dalaga. Niyakap niya ito.

"At ang swerte swerte ko dahil naging tropa ko ang isang Tamara Martinez na sobrang ganda...pangit nga lang---ARAY!! " napahawak ang binata sa kanyang batok dahil sa pagbatok sa kanya ng dalaga.

"Bwisit ka! " inis na sambit niya..

"Joke lang! Tara na nga, bumalik na tayo sa ospital. Baka namimiss na ako ni Tita. " may tono ng pagmamayabang na sambit binata na siyang nakapagpataas ng kilay ni Tamara.

"Kapal mo talaga. " nginitian lang siya ni Jin. Isang ngiting nakakaloko.

"Mahal mo naman. " pagbibiro pa nito.

"Tse! " nag krus ang dalawang braso ni Tamara sabay irap kay Jin na ngayon ay tumatawa.

"Taray! " sambit ni Jin sabay nguso.

"Magta tricycle ako. Maglakad ka. " nilagpasan ni Tamara si Jin at marahan itong tinunggo.

"Pikon ka talaga kahit kailan. Haha. " inakbayan ni Jin ang dalaga habang tumatawa ng pagkalakas. Pilit na tinatanggal ni Tamara ang braso ni Jin sa kanyang balikat ngunit mas lalo lang nitong binibigatan ang kanyang pagkaka akbay. Napailing ang dalaga dahil doon. Napangiti nalang ito ng palihim.

Mahal ko talaga siya. Sa isip isip pa niya.

Trouble's BridgeWhere stories live. Discover now