His POV

14 1 0
                                    

Chapter 8

[ATTENTION!!!! Itong chapter na 'to ay all about sa Pov ni Ken habang naka POV si Tamara last Chapter. So, wag na pong umasang may magaganap na panibagong seen here. Bear with me. :* I'm sorry for the late UD. Dedicated po ito kay Mhichiii dahil na-appreciate ko siya. Well, enjoy reading]

KEN.

Bzzzt! Bzzzt!

Napamulat ako ng maramdaman 'ko 'yong pag vibrate ng cellphone ko sa uluhan ko. Tekla naman! Nakalimutan ko na naman ilagay sa ibabaw ng drawer. Masama pa naman daw na itinatabi sa pagtulog ang cellphone dahil may dala 'yong radiation. Hay, nahahawaan na ata ako ng pagiging maka-Einstein ni Kuya Kim, ah?

Kinapa kapa ko sa ulunan ko 'yong cellphone dahil tinatamad pa 'kong tumayo. Pinilit 'kong idilat ng mabuti 'yong mata ko pero takte, ang sakit! Napuyat kasi ako sa babaeng 'yon, eh. I forgot her name. She's just a certain girl I used to make out with, so there's no use of memorizing their f*cking names.

I frowned when I already red who's the sender. It's Anaestasia. Umagang umaga nababadtrip ako. She used to messaged me every morning about my appointments. The heck with her. I boredly open the message. Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa nabasa ko.

'Hey! Kiddo. It's your first day. Get up, now. And by the way, come home earlier we were going to do the hiring for your P.A '

Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan 'yong sinabi niya. Paulit ulit lang naman, eh. At lalong hindi ako tanga para hindi mintindihan 'yong about sa P. A na sinasabi niya. She's searching for my Personal assistant. As if I need that. Andami niya talagang arte sa buhay. Binasa ko ulit 'yong message ni Anaestasia at halos mahulog ako sa higaan ng may realize ako.

'It's your first day. '

Napatingin ako sa orasan. Nakahinga ako ng maluwag ng makita 'kong ala sais palang. Mamayang 7:30 pa naman 'yong pasok ko. Kahit tinatamad pa 'ko pumasok na ako sa banyo to do my morning rituals. Siguro nagtataka kayo kung bakit parang takot na takot akong malate, no? Well, hindi naman sa pagmamayabang pero isa akong topnotcher sa room namin since elementary. Yeah, sa room lang hindi sa school. Atlease, top, eh kayo ba? PangTOP-pon! HAHAHA! Babaero lang ako pero babaero talaga. Saka para rin naman kay Keilly to, eh. Higit sa lahat, para na rin may maipagmalaki ako kay tanda even wala naman talaga siyang pakielam sa'kin. -_____-

Nadatnan ko si Mang Chi sa kusina. Hindi ko mapigilang hindi siya pagmasdan. Ang taba niya lang talaga! *0*Kitang kita ko nga 'yong rice terraces sa tummy niya eh.

"Manang Chi, kailan ang ani? "

Pinigilan kong matawa dahil alam kong mababatukan na naman ako pag nagkataon. Buti nalng nakatalikod siya sa'kin. Wag kayo, kahit namumuro na 'yang si manang sa pambabatok sa'kin kahit kailan 'di ko nagawang magalit sa kanya. Iniisip ko kasi minsan, tuwing nababatukan niya ko parang 'yon na rin ang parusa ko sa mga katarantaduhan ko sa buhay. Wengya, drama ko lang dre!

Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Apr 28, 2016 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Trouble's BridgeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang