You're my Savior

62 6 0
                                    

Chapter 2

TAMARA.

"Nay, handa na po ang..."

Napahinto ako at nagbuntong hininga. Sumandal ako sa pinto. Bahagya akong napangiti sa nakikita ko. Mahimbing na natutulog ngayon si Inay sa aming higaan na yari sa kahoy. Ngunit ang ngiti na 'yon ay unti unting nawala.

Kalalabas lamang niya ng ospital kahapon. May benda pa rin ang ulo niya na may kaunting bakas pa ng dugo. May kung anong kumikirot sa puso ko. Ang ayaw ko sa lahat ay ang masaktan ang mga taong mahal ko sa buhay, ang aking pamilya. Pinunasan ko 'yong mga luhang bumagsak mula sa aking mga mata.

Naaksidente si Inay,nasagasaan siya ng isang kotse. Patungo siya noon sa lugar kung saan nagtatrabaho si Itay upang maghatid sana ng pagkain, ngunit naganap ang isang hindi inaasahang pangyayari. Maraming nawalang dugo kay Inay na dumating sa puntong kailangan niyang masalinan. Sobrang nalungkot noon si Itay. Sinisi niya ang kanyang sarili.

Nagdesisiyon siyang magdonate ng dugo para kay Inay dahil pareho sila ng uri ng dugo. Kinailangan din ni Inay ma CT scan para madetect kung nagkaroon siya ng Skull damage. Para akong nabunutan ng tinik ng sabihin ng doktor na wala naman daw naging problema. Mild damage lang daw ang natamo ni Inay sa ulo kaya't hindi naapektuhan ang kanyang utak. Tumama lamang si Inay sa isang matalim na bagay na naging dahilan para mawalan siya ng maraming dugo.

Akala ko ayos na ang lahat. Sa sobrang pagaalala namin kay Inay, hindi na namin naisip ang tungkol sa bayarin sa ospital.

Kinailangan naming magbayad ng apat napu't limang libong piso. Halos panghinaan ako ng loob ng sabihin 'yon ng nurse. Hindi ko alam kung saan kukuha ng ganoong kalaking pera. Mahirap lamang kami.

Nakapangutang si Itay sa amo niya ng dalawampung libong piso, ngunit hindi iyon sapat. Sinubukan namin ni Kuya Maliro na hanapin 'yong may ari ng kotseng nakasagasa kay Inay. Ngunit kasamaang palad, binawian na siya ng buhay sa nangyaring aksidente ring iyon. Sinubukan ko ring mangutang sa amo ko sa pinagtatarabahuhan kong Cafe ngunit hindi nila ko pinahiram ng pera dahil isa pa lamang akong baguhan.

Nung mga oras na iyon, isa na lamang ang naisip kong paraan. Ang ipon ko. Sa pitong taon kong pagtatrabaho, nakapag ipon ako ng dalawa pung libong piso. Inipon ko iyon para sa pangarap kong makarating ng Korea. Nagdalawang isip pa ako kung gagamitin ko ang perang matagal kong pinaghirapan, ngunit inisip kong para iyon kay Inay. Nagbigay rin si Kuya Maliro ng Limang libo mula sa allowance na ibinibigay sa kanya dahil sa kanyang pagiging scholar. Sobra akong nabuhayan ng dugo ng makumpleto namin ang pangbayad sa ospital kaya't kinabukasan ay nailabas na namin si Inay. Ayaw rin daw niya kasi sa amoy ng ospital.

"Tammy? Nagising mona ba si tita? " Napalingon ako sa likod ng biglang magsalita si Jin. Sumenyas ako na huwag siyang maingay. Dahan dahan kong sinarado ang pinto at lumapit sa kanya.

"Tulog pa siya. Maya na lang siguro. " nagkamot siya ng ulo.

"Lalamig 'yong niluto natin. Paano na yan? " nginitian ko siya at inakbayan.

"Edi tayong dalawa nalang ang kakain. Iiinit ko nalang siguro kapag nagising na si Inay. " tumango tango siya.

"Sige. Sabi mo eh. Teka? Nasaan nga pala si Tito at Kuya Maliro? "

"Nandyaan lang 'yon sa labas. Tawagin mo, para makakain na tayo. " utos ko.

"Sige, sandali. "  mabilis siyang umalis sa pagkaka akbay ko at lumabas ng bahay. Dumiretsyo ako sa kusina kung saan nandoon 'yong maliit rin naming lamesa. Nakahanda na pala 'yong mga pinggan. Hinanda na siguro kanina ni Jin. Nagsandok na lang ako ng kanin. Maya maya pumasok na rin sa loob si Jin kasama si Itay at Kuya Maliro.

Trouble's BridgeМесто, где живут истории. Откройте их для себя