Confusing Message

60 6 1
                                    


Chapter 3

"Dale..." seryosong banggit ng mag amang sina Maliro at Marco sa pangalawang pangalan ng binatang si Jin.

Napalunok ng tatlong beses si Jin at humakbang paatras. Gusto niyang bawiin ang sinabi niya ngunit hindi nito alam kung papaano. Napakamot nalang siya ng ulo. Alam niyang sa mga oras na ito ay seryoso ang ama ni Tammy na si Marco dahil sa pagtawag nito sa pangalawang pangalan niya.

Tila nanlamig at nanigas ang buo niyang katawan nang akbayan siya ni Marco. Napa sign of the cross nalang siya sa kanyang isip.

Ano ba 'tong pinasok ko? Sa isip isip pa nito.

"Dale...Sigurado kaba sa sinasabi mo? " wala sa sarili'y mabilis na tumango si Jin.

"Bata...Alam mong parang anak na ang turing ko sa'yo, sa apat na taon nating pagkakakilala. Mabait ka, magalang, mapagmahal, may itsura kapa. " napangiti ng palihim si Jin. 'Yon pala ang tingin nito sa kanya.

"Pero, nag aalala lang naman ako para sa kinabukasan mo. Tignan mong mabuti si Mara. " pilit na iniharap ni Marco ang batang si Jin kay Tamara na nagdulot ng pagkailang sa dalawa.

"Magulong buhok, losyang kung manamit, isa pa mukhang minsan lang maligo. Iyan ba ang tipo mo sa isang babae? "

Sa kabilang dako ng lamesa, kung saan nakaupo si Tamara ay napatulala na lamang sa ama. Hindi niya alam kung maiinis o matutuwa siya sa inaasal nito. Ikaw ba naman kasing laitin ng sarili mong kadugo?

Katabi naman ni Tamara ang kakambal na si Maliro na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Nginisihan pa niya ang kakambal. Ang yabang talaga.

"W-wala po akong pakialam sa kung ano ang panlabas na anyo niya. A-ang t-totoo po, isa po iyon sa mga nagustuhan ko sa kanya. "

Napamangha naman si Marco sa matapang na sagot ng binata. Napatango tango ito. Si Tamara naman ay tila nanigas sa kinauupuan dahil sa narinig niyang ibinulalas ng matalik na kaibigan. Hindi niya kailan man naisip na ganoon pala ang nararamdaman nito para sa kanya. Napahawak siya sa kanyang pisngi ng maramdaman niya ang pagiinit nito.

"Seryoso kaba sa nararamdaman mo Dale sa kapatid ko? " seryosong tanong ni Maliro.

"O-oo k-kuya. Seryoso ako. " matapang na sagot ni Jin.

"Sige. Kung totoo ang nararamdaman mo sa anak ko, tanungin mo siya kung bibigyan ka ba niya ng permiso kung maaari kang manligaw. " napalunok naman si Jin dahil sa narinig.

"Itay! " saway ng anak nitong si Tamara ngunit hindi siya nito binigyang pansin. Hindi man lang siya nito tinanong kung katulad rin ba ng nararamdaman ni Jin para sa kanya ang nararamdaman niya para rito. Sa isip isip niya'y, ibibigay naman niya ang matamis niyang Oo.

"N-ngayon na poba? " kinakabahang tanong ni Dale.

"Aba, sa malamang. Ano gusto mo, sa undas pa? Bilisan mo na, baka magbago pa isip ko. "

"E-eto na nga po! " mabilis na sagot ni Jin. Pakiramdam niya'y may isang daang boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa katawan niya sa bawat hakbang na ginagawa niya papalapit sa dalaga. Umiwas ng tingin si Tamara upang maitago ang pamumula ng mukha. Ngunit mukhang hindi naging maganda ang dating kay Jin ang inasal ng dalaga.

Juice colored! Bakit yumuko si Tammy Babes? Ayaw ba niya sa akin?

Kahit nabawasan ang lakas ng loob ay matapang pa rin niyang binanggit ang mga katagang matagal na niyang nais itanong sa dalaga. Wala ng atrasan to. Huminga siya ng malalim.

Trouble's BridgeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora