Chapter 5- Meet My Nanay
Pagkagising ko , Uy wow ! Nasa Maynila na nga talaga ako !!! Totoo nga yung mga nasa sulat ng nanay ko , marami ngang tao dito , Ang daming bilihan , Ang gaganda ng mga bahay , ng mga buildings , maiinit ... Malapit na ko sa babaan . Nandoon na daw si nanay susunduin ako . Napangiti ako ng maisip kong simula na to ng pagtupad sa mga pangarap ko .
"Oh buendia ! Buendia !!! Mga buendia dyan oh baba na oh !!! "
This is it !! Pagbaba ko , nakita ko agad ang nanay ko , pumute sya.. Grabe ang laki ng ginanda ni nanay .. Siguro sa aircon ng opisina nila .. Call Center Agent kase sya ...
"Nay !! Ikaw ba yan ?!!" Gulat sya ! ..
Tuwang tuwa syang lumapit sakin at niyakap ako at pinang-gigilan nya ko .
"Anak ! ikaw na ba yan ?? Ang laki laki mo na talaga at ang pangit mo . Bat ganyan na itsura mo ?? ginagawa kang manang nila nanay , tingnan mo yang damit mo mukang basahan , muka tuloy kitang julalay !" Nakangiti pa rin sya nyan .
"Wow nay ah , salamat sa papuri mo ah . nabuhayan po ko dun ah ." Sarcastic ba ?
"Tara ililibre kita sa jollibee .."
"Ano po yung jollibee ?" Ano nga ba ???
"anu ba yan nak ! panget ka na nga mang mang ka pa , Muka ka na ngang basahan , di mo pa kilala si Jollibee . Daig ka pa ng mga bata dito ."
"Sikat po ba yung Jollibee na yun ?" Sino nga ba talaga yun ??
"OO sikat yun !! " Naiinis na yata si nanay eh.
"Nay kilala nyo poba si Peter Zachary ?" Seg way lang .
"Oh Kilala mo yun ?? Sikat din yun ! Ang laki ng naitulong nung pinadala kong T.V nuh "
Natuwa pa sya ... Hindi nga magamit yang T.V mo .
"Nay alam mo naging magkaibigan po kame dati ni Peter . Hindi pa sya sikat nun eh ."
"WEH !!! ?? Wag mo nga akong kinikembot ! "
"Ano pong Kembot ??" Napakamot ako ng Ulo .
Hinila na lang ako ni Nanay !
"Gutom na Ko !" Inis na si nanay eh .
* * *
Meet The Warfreaks
Tuwing Gabi , Ako lang mag isa dito sa bahay dahil pang gabi si Nanay .. Ano pa nga ba ?? Kaya ayun sa umaga na lang naririndi ang tenga ko sa bunga nga ni nanay . At Dahil sa Morning ngayon.
"Nak dalian mo dyan ! Gogora na tayo sa Villmoure today At magpaparegister na teyis at makapag exam ka nasa Scholars ."
Bigla akong kinabahan .
"Exam ?!! "
"Oo naman ! Anu ka ba nak . Keri mo yen .., Ikaw pa ?? Validictorian ka nga 2x eh " Sbay subo ng kanin .
Pagkatapos kumain , inayos ko na lahat ng requirements , Bat ganun ? magpaparegister pa lang kami kinakabahan na ako ?? Excited ?!!
Mahaba ang pila sa registral nung dumating kami . Naghihintay pa kame . Si nanay kung sinu sinung kinakausap para hindi na maboring .
"Nak C-C.R lang ako Ah ."
Pagtayo nya hindi nya yata nakita yung paparating kaya natapakan nya yung babae na may kasamang mga kasing tanda ko lang .
"Ay Sorry Miss ! Sorry !.." Sabi ni nanay .
"What ?!! Sorry ? You Idiot ! Haharang harang ka kase sa daan ." Sabi nung Babae .. Ha ?? Anu Daw ?
Sumabat pa Yung kasama nung babae ..
"Yeah Mom ... She's pakalat kalat like Basura .." Pinaiikot nya pa yung buhok nya .
Napatayo na ko nun at pinagtitinginan na kame dito .
"Excuse Me ?! What Did you just say ?!! Me ? Idiot ? For your information hindi ako paharang harang , talagang maliit lang talaga ang daan para sa katawan mo ." Pataray na sambat ni nanay ..
Ano ka ngayon ? Ginusto mo yan ha ?!
"Excuse me den ! Sexy ako ! Alam mo ikaw pulubi ka lumayas layas ka nga sa University na to .. This campus has no place for those BASURA !" Huwaw !!
"Ah Talaga ? Kelan ka sexy ngayon ba o noon ? YUNG TOTOO ?!" Nakangiti pa si nanay nun . Go Nay !!!
HAbang nagbabangayan sila napatingin ako sa likod ko .. OOPPSS ! MAy paparating na Proctor ..
"Nay Tama na po .." Bulong ko kay Nanay .
Pero Hindi sya papatinag talaga ..
"Mga MRS. ? What is Going on here ?"
Tumingin yung kaaway ni Nnay sa Dumating na proctor .. At Ngumiti ?
"Estrella .. Its me , Mrs. Renales ? Remember ?" With Smiles .
"Mrs. Renales ? Ano po bang Nangyayare Dito ?"
Bago Pa makapagsalita si Nanay ..
"Estrella , Kase itong Babaeng to , Pinush nya ko .. Then imbis na mag sorry , she told me that i'm Not Sexy and paharang harang daw ako sa daan ."
Ngumiti yung kasama nyang kasing edad ko lang ..... Sinungaling !
"WOW ! ... Hoy Babae ! WAg kang gumawa ng kwento ! .. Nagsorry ako dahil hindi ko sinasadya ! Natapakan ka lang kala mo buong pagkatao mo nasira ! HOY ! Babae ... Hindi porket mahirap lang ako Hindi nako pwedeng lumaban ! " Pasigaw ni Nanay , Namumula na sya sa sobrang galet ...
"Mrs. Renales ?" Tanong nung proctor .
"Estrella . You know me ? Hindi ako ganyang klase ng tao ... May Class Ako , Hindi ako pumapatol sa mga ganyang klase ng tao ."
Hah ! Grabe ang kapal ng Mukha nya ! Hindi lang mukha pati Bil Bil ang kapal ! Gawin bang masama nanay ko ...
"Mrs. , Pasensya na po ? , Mag sorry na lang po kayo para maayos na lang po ."
WHAT ?!!
"Ah ! Talaga ?!! Maaayos kaya ?!" Sigaw ng Nanay ko .
"Mrs. Wag naman po kayong mag eskandalo ?" Sbi nung proctor . "Pag hindi pa po kayo tumigil tatawag po kami ng gwardiya .. "
"Aba ! Tinakot mo pa ko Ma'am . Mawalang galang na po .. Kaya na po naming umalis dito sa bulo nyong campus ng hindi na kinakaladkad ng mga gwadiya .. " Humarap sakin si Nanay ..
"TAra na anak ! " Galit na hinatak ni nanay yung kamay ko .
ARAY ARAY ARAY ! ... Nung makarating kami sa Gate binitawan nya ren ako .