Maaga akong gumising para puntahan si James sa dorm niya. Isang Law student si James, he is 24 years old, yes he's too old for me, but I really really really love him. Sa school ni James, puro lalaki, wala masyadong babaeng student kasi dito, kaya ang mga mata ng mga student dito ay....
\(*Q*)/-----à ganito nang makita ako.
"Hi Zaren." Bati sa akin ni Mike.
"Hello? Si James?" Tanong ko agad.
"Ahhh....baka nasa dorm pa niya." Sagot niya.
"Saan ang dorm niya?" Tanong ko ulit. Itinuro niya sa akin ang isang blue na apartment type na bahay. Ang ganda naman ng dorm niya.
"Thanks." Sabi ko at tinakbo ko na agad ang dorm ni James. Hindi naman nakalock ang pinto kaya pumasok na ako agad.
"James?" Tawag ko pero walang sumasagot. Umakyat ako sa second floor baka nandoon siya.
"James?" Tawag ko ulit. Biglang may lumabas sa banyo at nakita ko si James na nakaboxer lang.
"Hi sexy." Sabi ko sa kanya. Namula naman siya nang makita niya ako.
"What are doing here!!" he look so very startled.
"Sinusundo kita," I said with my seducing voice. Lumapit ako sa kanya.
"....o may gusto ka pang gawin bago tayo umalis." Then I winked at him. He closed his eyes and.....
"ZAREN MELLOR!! STOP SEDUCING ME!!" He shouted at me.
"I'm already engaged, remember?" Ouch! Pinaalala na naman niya.
"Engaged lang kayo, hindi pa kayo kasal!!" Bara ko sa kanya.
"Well, malapit na. We're already planning for our wedding."
"WHAT!?"
"Yup. And of course, you'll be there for us." He said with a crazy grin in his face.
"Why you're always hurting me." I said in a low voice. Niyakap naman niya ako.
"Zaren, sinabi ko na sa'yo 'to 'di ba?"
"But you told me that you're going to marry me. You promised me!!"
"We were too young when I told you that. Everything changed." I subconsciously fingered the pendant of my necklace. It was a plastic ring, James gave it to me when I was 9 years old. He told me that he will marry me, but now? I don't think that would never happen.
Tahimik kaming umalis sa school ni James. Paano ko siya kakausapin, kausap naman niya yung fiancee niya sa phone niya. Bakit kasi kailangang mainlove pa ang magbestfriend sa isa't isa eh. Well, one sided love lang pala.
"Susunduin kita tomorrow after lunch." Ngiting-ngiti niyang sabi.
"Okay?" Pumasok na ako sa bahay namin na nakabusangot ang mukha.
Next Day
"Hello, Mrs. Mellor." Bati ni James sa mama ko.
"Ang aga mo yata, hijo? Baka tulog pa ang dalaga ko."
"Okay lang po." Sa totoo lang, gusto ni mama si James para sa akin, pero ang mga kuya ko ayaw sa kanya, pero friends naman sila.
"Ma, Alis na kami." Paalam ko at hinalikan ko si mama sa pisngi.
"Ingat kayo. James, pakiingatan ang bunso ko, nag-iisang babae ko 'yan." Pahabol na sabi ni mama.
Mall.
"Zaren?" Tawag niya sa akin.
"Ano!"
"Masungit ka na naman? Ano bang problema mo?!!" siya pa ang may ganang magalit.
"Ikakasal ka na, hindi mo man lang sinabi sa akin. Anong klaseng bestfriend ka kung ganyan rin naman." Nag-iyak iyakan na lang ako para may effect.
"Kasi!!! Hahadlang ka!!" Tama naman siya, kaya kahit na anong mangyari hahadlangan ko 'yan.
"Kaya nga kita dinala dito para tulungan akong bumili ng wedding ring namin." OUCH!!
"Ang sadista mo noh?" sabi ko sa kanya at nauna ng maglakad.
"Ren..." paglalambing niya.
"Tatayo ka na lang ba dyan o maghahanap tayo ng singsing para dyan sa bwesit na mang-aagaw mong fiancee." Di naman ako masyadong mean noh? Sa totoo lang gusto ko yung dispatsahin.
"Pumayag ka nga, puro bad things naman ang sinabi mo sa fiancee ko."
"Tss."
Pumunta na kami sa isang jewelry store, marami ang bumibili. At puro lahat ng nandoon sa jewelry shop, magsyota. Nasa tapat ako ng isang white gold ring na may diamonds sa loob.
"Gusto niyo po ba 'yan ma'am?" sabi ng saleslady.
"Huh? Ah-eh?" gusto ko nga yun, para sa akin, hindi para kay Lariane.
"Oo, 'yan na ang pipiliin namin." Biglang sulpot ni James.
"Awww....kayo po ba ang magpapakasal. Ang swerte niyo naman, ma'am." Kunti na lang masasapak ko 'tong babaeng ito.
"Magkano 'yan?" tanong ni James.
"250,000 pesos po." Wow!!
"Sure ka?!!" sabi ko. Negosyante ako kaya mahalaga sa akin ang pera!!
"Opo, ma'am."
"Sige, bibilhin ko 'yan." Sabi agad nitong lalaking 'to. Bwesit ang mahal!!
Pagkatapos naming bumili ng singsing, biglang sumulpot ang babaeng bwesit sa buhay ko. Sino pa ba? O di 'yung pakakasalan ng shunga kong bestfriend.
"Hi, Babe!!" biglang halik nitong babaeng ito. Nakatalikod sa akin si James, pinandilatan niya ako kaya pinandilatan ko rin siya. Lumapit si James sa akin at bumulong.
"Ikaw mo na magtago niyang singsing." OUCH NA TALAGA!!
"Babe....kain tayo, please. Napagod kasi akong mag-shopping eh." Sarap ng buhay!!
"Okay sure." UmmmDUH? Kasama niya kaya ako!!
"Zaren, alis na kami ah. Pasensya ka na hindi na kita maihahatid." Bwesit naman!!
"K. Sana masira ang tyan niyang kasama mo." I mumbled.
"Anong sabi mo!!"
"Akalain mo yun? Narinig mo ako?!" sarkastikong sabi ko sa kanya.
"Girls tama na 'yan." Awat naman ni James.
***
Pumunta na lang ako sa isang coffee shop sa loob ng mall. Biglang may lumapit sa aking isang babae, at siya yung babae sa jewelry shop.
"Hi." Bati niya sa akin.
"What?" Mataray kong sabi sa kanya.
"Wala lang. Nasaan na ang boyfriend mo?" tanong pa niya.
"Shut up. Hindi ko siya boyfriend. At pwede ba hindi tayo close." FC MUCH!!
"Ito naman. Nakikipagkaibigan lang naman ako sa iyo eh."
"Pwede ba may trabaho ka? Bakit ka nandito?"
"Break time ko naman eh."
"Tss. Makaalis na nga lang." Iniwan ko na lang yung babaeng yun. Nakakairita, pandagdag lang ng kulo ng dugo.
***
"Oh Zaren? Andito ka na pala?" sabi ni Mama.
"Hello, Ma." Bati ko sa kanya at umakyat na sa kwarto ko.
�����