Ano pa ba ang mas masakit sa pagkakafriendzoned ko sa bestfriend ko. Akala niya ba hindi masakit ang mabusted every year? Grabe ka talaga James, kapag ikaw talaga na-inlove sa akin lagot ka.
Maaga akong gumising, ay mali, hindi pala ako nakatulog. Ikaw ba naman na malaman mo na malapit na palang ikasal ang taong mahal mo!! Syempre hindi ka makakatulog kakaisip kung paano mo sisirain ang wedding nila 'di ba?
Naligo na lang ako para naman marefresh ang utak ko kakaisip sa walang hiyang Lariane na 'yun. Tumingin ako sa side table ko at 8 o'clock na pala. Nakatwalya lang ako ng may kumatok at bago pa ako makasagot sa katok na 'yun bumukas na iyon. Si James.
"So-sorry, Zaren." Namumula niyang sabi at tumalikod. An evil smile formed in my lips. I hugged him from behind. I could feel his muscle tensed.
"Za-zaren, let me go....please..." mahina niyang sabi.
"Kung bibitawan ba kita, hindi mo na pakakasalan si Lariane?" I said.
"No." he said weakly. Iniharap ko siya sa akin.
"Talaga? Even if I will do this to you." I said it seductively and I kissed his neck. I felt his hands wrapped around me. That's it, maaagaw ko siya sa'yo Lariane Wahahahaha....
"Hindi, ka ikakasal sa impaktang yun, James." I whispered to his ear. After kong sabihin 'yun bigla na lang niya akong itinulak kaya napahiga ako sa kama ko. Nakita kong naiinis na naman siya sa akin. I gaved him a lopsided smile.
"Hindi ka magiging faithful sa babaeng 'yun." Sabi ko sa kanya.
"Zaren naman. Tama na please, mahal ko si Lariane, kahit na anong mangyari siya lang ang pakakasalan ko. Kahit na ilang beses mo pa akong akitin!!" Nakikita kong seryoso siya sa lahat ng mga sinabi niya.
"Bakit kasi hindi na lang ako ang mahalin mo!!" sigaw ko sa kanya.
"Zaren hindi tayo para sa isa't isa." Kalmadong sabi niya.
"Bakit hindi!!" pagmamaktol ko.
"Kaibigan lang ang turing ko sa'yo." Sabi niya. Umupo siya sa tabi ko.
"Bakit hanggang doon lang kasi.....bakit hindi na lang maging tayo, oh di happily ever after na tayo." Alam ko para akong batang nanghihingi lang ng barbie doll sa asal ko ngayon, but I don't care.
"If you love me, you need to set me free." Sabi niya habang hawak ang magkabilang pisngi ko.
"Pwede sana kung martyr ako, pero hindi..." mahinang sabi ko.
"Please, Zaren." Pagmamakaawa niya.
"I'll try." Sagot ko na lang. Ngumiti siya na parang nakaramdam siya ng kaluwagan.
"Teka? Bakit ka pala andito? Ang aga pa ah?" pag-iiba ko ng topic.
"Ah! Oo nga pala, next month na ang kasal ko. At may rehearsal mamaya, ikaw ang napili naming bride's maid." Binigyan ko siya ng masamang tingin.
"Sana pinatay mo na lang ako, kaysa sinabi mo yan." Seryosong sabi ko.
"Please?"sabi niya with puppy eyes.
"Pasalamat 'yang Lariane na 'yan dahil mahal kita, kung hindi pinaglalamayan na siya ngayon pa lang." Pinisil naman niya ang pisngi ko.
"Thank you, Ren-ren." Sabi niya.
"Labas ka muna, magbibihis ako. O mas gusto mong panuorin akong magbihis." Sabi ko at nagwink pa ako sa kanya. Halos lumipad naman siyang lumabas ng kwarto ko.
After an hour, natapos na rin akong mag-ayos. Napansin ko naman ang pagka-inip ni James, ganti ko lang 'yan sa ginagawa mong carino brutal sa akin.