Chapter 11: Stuck with you...

31 4 0
                                    

*THUNDERRRRRRRRRRRRRRRRR!!*

(tunog yan ng kulog haha mahina sound effects eh)

Bigla akong nagising dahil sa lakas ng ulan at lakas ng kidlat. Nassan na nga ba kami bakit hindi umaandar ang sasakyan. Agad kong hinanap si Dylan kasi wala siya sa Driver's seat. Lumabas ako at nakita ko siyang inaayos ang makina sa harap ng sasakyan. Nabasa na din ako dahil sa lumabas nga ako. Magulat ka pag naging water proof ako. Plastic lang? Di ako plastic no totoo ako. >___<

"bakit ka pa lumabas? Malakas ang ulan pumasok ka na sa loob ng sasakyan"

*THUNDERRRRRRRRR!*

" Nababasa ka Dylan pumasok ka na sa loob" I said habang nakatayo pa din sa may gilid ng pintuan ng kotse at basang basa na.

"Stupid! pumasok ka na sa loob ng sasakyan gusto mong magkasakit?!!!" Agad agad akong pumasok sa sasakyan katakot si Dylan nabad trip ata dahil sa akin >____<

Ilang minuto pa ang lumipas hinihintay ko siya na pumasok sa loob ng kotse. Mga ilang minuto lang ay pumasok na ito.

" Shit!!! Nasira yung sasakyan" sabay palo niya sa manibela. Anong gagawin namin ngayon na stuck kami sa isang madilim na lugar at ang worst pa niyan eh ang lakas ng ulan at ng kidlat.

"We should find a place kung saan makakapag stay tayo hanggang tumila ang ulan hindi pwedeng dito lang tayo mamatay tayo sa lamig"

"Saan naman tayo hahanap? Walang katao tao dito sa lugar na to" I said.

"Basta maghanap tayo tutal basa naman na tayo. Halika na labas na tayo. Iwan ko na lang muna yung sasakyan ko dito"

After that nauna na siyang lumabas at pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang lakas pa rin talaga ng ulan. Naglakad lakad pa kami ni Dylan mga ilang minuto na ang nakalipas hindi ko na kaya lamig na lamig na ako.

"Dy-laan hi-nd-i kooo naa ka-yya ang l-amigg"  Nanginginig na ang boses ko habang nagsasalita. Agad niya akong hinila at ipinalupot ang kanyang bisig sa aking katawan na nanginginig. Nagpatuloy kami muli sa paglalakad habang ako ay yakap yakap niya. Matapos ang ilang minuto ay may nahanap na rin kami ng bahay. Hindi pa din tumitila ang ulan.

"TAO PO?? *knock knock* tao po??" sabi ni Dylan.

"May tao po ba dito?!? *knock knock knock*" sabat ko. Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto at may aleng papalapit sa amin.

"Mga hijo at hija anong ginagawa niyo? Basang basa kayo ng ulan pumarito kayo't pumasok" Sabi ni Manang matanda na siya siguro nasa mga edad 70+ na siya.

"Pwede ho ba kaming makituloy sa inyo ng asawa ko? Nasiraan po kami sa daan. Isang araw lang po at babayaran din naman po namin" Nagulat ako sa sinabi niya. 'ASAWA'?? di pa nga kame kinakasal at mas lalong hindi pa kami magkasintahan. Binigyan ko siya ng WHAT-THE-HELL-LOOK. Binigyan naman niya ako ng SUMANGAYON-KA-NA-LANG-LOOK.

"Ahhh ehhhh opo basng basa na po kasi kami dahil sa ulan *smile*" sabay hapit niya sa akin sa bewang. Nananamantala to ah masasapok ko to mamaya.

"Oh sige mga anak kahit wag niyo na kong bayaran okay lang naman sa aming mag asawa" tapos pumasok na kami medyo malaki naman itong bahay gawa siya sa pawid so bahay kubo siya.. malamang aysst. -__-

"Mga hijo at hija ito ang kwarto niyo maligo muna kayo pagkatapos ay humigop kayo ng mainit na sabaw ng mainitan naman ang mga katawan niyo"

" Maraming Salamat po manang" pagkatapos noon ay pumasok na kami sa kwarto mayroon doong t.v at isang kama?? buti may kahoy na upuan yung papag ba yun?? dun na lang siya matulog alangan naman magkatabi kami nakoo hindi pwede no >__<

Love Again [Process of Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon