Mr. Kupido -six-

182 5 0
                                    

COMMENT naman! I don't bite! ((((((=

--------------------------

Matagal bago sya sumagot. Matagal na katahimikan. Ewan ko, para kasing hindi ko rin maisip na mahiwalay ako dito kay Quen. Kahit naman hindi halata, mahal ko yan. Kahit pasilpot-sulpot yan, alam ko namang hindi amo pinapabayaan nyan eh,

Anong silbi ng FB? Twitter? Skype? Pati pwede pa kitang i-stalk sa tumblr mo.  Sagot ni Quen. Pero parang hindi ako nakuntento. Siguro tatanggapin ko na muna yung sagot nyang yun sa ngayon.

Wag ka ngang umemote dyan. Hindi pa naman sigurado yung pag-alis nyo ah. Pati sabi naman ni Tito pwede kang magstay, ikaw lang naman dyan yung gustong iwan ako eh.  Wow. Nakarinig ba ko ng tonong nagtatampo? Eh ayoko naman kasing maiwan dito sa Pinas habang yung magulang ko nasa ibang bansa.

Bebs naman eh.  Sasagot palang sana ako ng bigla na lang nya kong hinatak sa inakbayan habang nakatingala siya sa langit.

Alam mo bebs, kahit naman nasan ka, kasama mo ko eh. Malay mo, bigla nalang akong sumulpot dun. Expertise ko naman yun diba? Pero di nga, wag mo nang masyadong isipin. Kung aalis ka edi hihintayin kitang bumalik. Kung hindi edi sasamahan parin kita.  Muntik na kong maiyak sa speech nitong si Quen, joke. Kasi itong taong to, seryoso pero pilosopo din. Natutuwa tuloy akong narinig mula sa kanya yun.

Kung may tao man siguro ako hinding-hindi hahayaang mawala sa akin, siya na yun. Si Quen na yun.

Alam mo bebs, hindi ko alam kung bakit ba kita ginawang bestfriend.  Sa totoo lang kasi, iniisip ko, ang swerte ng magiging girlfriend nitong si Quen. Hindi man halata pero sobrang sweet nyan. Pati bonus na yung kagwapuhan nya na sa akin lang pinagyayabang.

Aba't nagsisisi ka pa. Buti nga hinayaan kitang gawin mo kong bestfriend eh.  Hinilamos naman nya sa  pagmumukha ko yung kamay nya. Loko to, para namang papel na kinrumple ang mukha ko.

Naisip ko lang kasi, dapat pala ginawa nalang kitang boyfriend ko. Papasa ka naman sa requirements ko eh, medyo bawas-bawasan mo nga lang ang pagiging kabute mo.  Natatawa kong asar sa kanya. Ang pinagtataka ko naman, hindi sya sumasagot. Baka nakatulog na to nakasandal kasi ulo namin eh.

Bebs. Kapag ikaw ba, niligawan ko..  Teka, ano daw? Hindi ako mapakali. Namumula na yata ako. Pano sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Tipong kakainin nya ko sa sobrang titig nya habang nasasalita.

Nangangako ka bang kahit magkalayo tayo hinding-hindi ka na magkaka-crush sa iba?  Ha? Ano daw? Ligaw? Girlfriend?

-----

Medyo NAKAKAKILIG! xD

Mr. Kupido - JulQuen FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon