Mr. Kupido -nine-

239 10 9
                                    

Tahimik lang kaming dalawa ni Quen habang naglalakad pauwi sa bahay namin. Normal naman na tahimik si Quen. Pero yung ganitong tahimik na wala talagang nagsasalita sa amin kahit ako na sobrang daldal, hindi normal.

Naiilang ka ba?  Biglang tanong ni Quen sabay akbay.

Ha? May dapat bang ikailang?  Painosente kong sagot. Sa totoo lang kasi, hindi ko naman alam kung pano ako marereact sa pinaggagawa nitong si Quen eh.

Alam mo, hindi mo naman kailangang mailang. Wala namang nagbago ah, bebs parin tayo.  Sabi ni Quen habang iniipit na sa kilikili nya yung leeg ko.

Wag mo kasing masyadong isiping may magbabago.  Balik kulitan lang din kami nitong si unggoy na to pagkatapos nya akong iwerstling. Sweet nya no? Ganyan yan maglambing eh, burtal kung brutal.

Pagdating sa bahay sakto namang andun sa labas ng bahay si daddy at mukhang hinihintay kaming dumating.

Nak, may sasabihin ako.  Medyo kinabahan ako sa news nitong daddy ko, baka kasi may masamang nangyari.

Kelangan talaga dad, dito tayo sa gate mag-usap? Hindi pwedeng sa loob ng bahay? Tara na nga. Oi bebs, tara dito ka na mag-dinner. PAg tumanggi ka..  Papasok na ko ng bahay ng mapansin kong wala namang sumusunod sa akin. Tinignan ko si daddy at Quen at pareho lang silang nakatingin na parang may hinihintay.

Pag tumanggki ako, ano?  Tanong ni Quen.

Basted ka na, HAHAHA! Bleeh.  Sabay takbo papasok ng bahay. Wala naman na akong ibang narinig kundi ang tawa ng daddy ko. Kamusta naman yun, tinawanan pa kami.

Seryosong usapan naman din ang naganap pagpasok nila daddy. Kala ko kung ano. Yun pala, dahil daw hindi na nga ako sasama sa kanila, mas mapapaaga yung pag-alis nila. Tapos si lola na daw ang magbabantay sa akin. Hay nako naman.

Nang pauwi na si Quen sa kanila, at hinatid ko sya sa may gate. Hindi muna sya agad umalis, syempre medyo nag-aasaran pa kami ng konti.

Sabi mo kanina pag tumanggi ako, basted ako.  Sabi ni Quen.

Eh so? Ano naman ngayon?  Barahan kung barahan talaga kami eh.

Hmm. Hindi naman ako tumanggi. Ibig sabihin tayo na?  Tanong nya sabay taas, baba ng kilay.

---

Oh ayan na! Malapit na sila maging sila. ------___________------

Silent talga. Comment naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 18, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. Kupido - JulQuen FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon