Chapter 4: Payback.

7 0 0
                                    

Twayn

"Ate Twayn gising na po kayo! Ate Twayn! Male-late na po kayo 'pag hindi ka pa po bumangon!"

Gising sa'kin ni Lilay, anak ng katulong namin. Siya lang may lakas ng loob na gumising sa'kin. Close kasi kami, e. 11 years old na siya at kasalukuyang Grade 5.

Bumangon ako at tumingin kay Lilay.

"Anung oras na ba Lilay?"

"Alas-sais na po."

Alas-sais na? Juicecolored! Putek, alas-siete y media ang time namin pero mabagal ako kumilos. Aish.

"Salamat sa pag gising Lilay, ah? Oh sige, maghanada ka na at baka ma-late ka rin."

"Okay po"

Pagkalabas ni Lilay sa kwarto ko, dali-dali naman akong pumasok sa banyo para maligo.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis na agad ako ng uniform.
Kinuha ko ang bag ko at dire-diretsong lumabas ng bahay. Walang kain-kain!

Kinuha ko ang red convertible ko sa garage at agad na pinaandar 'yon. Tinignan ko ang relo ko.

7:15.

15 minutes left. Not bad for usually 10 minutes travel from here to school and usual 5 minutes walk from the gate of the campus upto the classroom.

Binilisan ko ang pagpatakbo ko.  At habang nagdadrive  ako ay biglang tumunog ang tiyan ko.

*Groooak*

Naghanap ako ng fastfood chain na may drivethru ng makita ko ang Jollibee. Nice Timing!

Um-order ako ng shake, dalawang hamburger, extra large Fries tapos may free siyang coke.

" Is that all Ma'am? "

" Oh Yes Yes! "

Kinom-pute na nung babaeng crew yung inorder ko.

" ₱ 175.00 Ma'am. "

Inabot ko sa kaniya ang 500 peso bill.

" I receive ₱ 500.00. And your change would be ₱ 325.00. "

Inabot niya sa'kin yong change ko at order ko kaya naman mabilis ko nang pinaandar yung kotse ko. Buti na lang naibigay na agad nung babae yung pagkain ko kung hindi masisinghalan ko siya. Gutom na ko, e!

Kinain ko naman yung inorder ko habang nagda-drive. Ansarap! Kahit medyo nakakapanira ng pagkain moment yung pagdadrive pero keri na!

Makalipas ang ilang minuto, nakarating na rin ako sa school. Tinignan ko ang orasan ko at nakita kong 7:33 na! 3 mins na akong late. Shocks. Terror pa naman teacher namin! Ah, Terror na ugali hindi apelyido, Guys ah? XD

Patakbo kong tinungo ang classroom namin ng madapa ako.

" Putcha! Bakit ngayon pa? 'Pag minamalas ka nga naman Oh, Oh! "

Ang sakit! Tinignan ko yung sugat ko at nakita kong hindi naman ako masyadong nagalusan dahil doon sa palda ko. Madumi nga lang ang sleeves ng long sleeve ko dahil naituon ko yung siko ko sa pagkakadapa ko. Buti na lang bell na kaya walang masyadong nakakita!

Speaking of bell, Bell na nga pala! At late na ako!

Hindi ako nadala kaya tumakbo pa rin ako. Nakarating naman na ako sa classroom na hindi na ukit ako nadapa. Pero, muntik na! Natalisod ako e!

Tinignan ko yung relo ko bago ko buksan yung pinto. 7:55! 15 minutes late!

Binuksan ko yung pinto at nakita kong nakatingin sa'kin lahat ng kaklase ko pati si Ma'am Rose. Teacher namin sa Science " Ma'am, Sorry I'm Late. "

The Devonshire Heir Wife. [TG #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon