Flashback

21 0 0
                                    

2 years ago...

Third Person PoV

"Class Dismissed!" Pagkasabing pagkasabi ng mga salitang iyon ng kanilang guro ay biglang nagsigawan ang mga estudyanteng nasa baitang pito seksyong Earth.

Ngunit sa mga nagmamadaling iyon, hindi dun kasama ang Terror Cousins.

"Why are they nagtatakbuhan ba?" Takang tanong ni Italy sa kaniyang mga pinsan. Naiinis din kasi siya dahil ang iingay ng mga ito.

"Uulan kaya!" Sagot naman sa kaniya ni Fin.

"So? Would they mamatay ba if they are naulanan? Duh, so OA huh!"

"Hiya naman kami sa'yo. Ikaw na hindi O.A! Pero grabe nga yung mga kaklase natin, akala mo may mga booking. Jusko!" Puna rin ni Cam.

Napansin naman nila atang tahimik si Twayn kaya nagtataka nilang tinanong ito.

"Hoy anung trip 'yan?"

"H-Ha? Wala. Uwi na tayo?" Pag-aaya ni Twayn na ikinagulat ng tatlo. Nagtataka sila kung bakit ang aga aga pa pero nagaakit ng umuwi itong si Twayn. E, samantalang dati sa school na ata niya gustong tumira.

"Duh, It's so aga pa kaya. And, our driver isn't there pa. How can we uwi, right?" Tumango tango naman yung dalawa sa sinabi ni Italy. Pero itong si Twayn, gusto na talaga niyang umuwi.

"O'sige. Mauna na ako, ha?"

"Eh bakit ba?" Hindi makasagot si Twayn sa tanong ni Cam. Wala naman kasi siyang maisasagot. Kasi siya mismo, hindi niya alam kung bakit. Basta gusto niya lang umuwi.

"Basta." Umalis na agad si Twayn nun bago pa makapagtanong ang mga pinsan. Agad din niyang binuksan ang kaniyang payong.

Sobrang lakas ng ulan. Kumukulog at kumikidlat pero walang pakialam si Twayn. Ang gusto niya lang ay makauwi.

Hindi niya matawagan ang driver niya dahil lowbat siya.

Biglang humangin ng malakas. Sobrang lakas nun kaya tinangay ng hangin ng payong na dala dala ni Twayn.

Para ng basang sisiw ang hitsura niya ngayon.

Agad siyang tumakbo at naghanap ng maaaring masilungan.

Hanggang sa makakita siya ng abandonadong building. Nakakatakot ang hitsura nito pero hindi na muna inisip ni Twayn ang bagay na yon. Dahil wala naman na siyang choice.

Nang makarating si Twayn sa building, nakaririnig siya ng iba't-ibang tunog. Parang nagkakaroon ng hazing. Dahil naririnig niya ang bawat palo. Hindi niya alam kung saan ipinapalo, basta naririnig niya lang.

Sa sobrang kuryosidad na nararamdaman niya, hinanap niya kung saan nangyayari iyon.

At nakita niya iyon sa third floor. Open na open ang buong palapag. Kaya kitang kita ang lalaking pinahihirapan. Punong puno siya ng pasa. Duguan rin ang buong katawan nito.

Ngunit tinitignan lamang siya nung mga lalaki. Nasa anim na lalaki ang tingin niyang nambugbog sa lalaking duguan. Malalaki ang katawan ng mga ito. Animo'y mga bouncer sa bar.

Samantala, may anim din naman na lalaki na may mala Adonis na kaguwapohan ang nakaupo lamang duon na tila tuwang tuwa pa sa nakikita.

Marahil sila ang nagutos noon.

Hindi malabong tama ang iniisip ni Twayn.

"Patay na po ito boss!" Sabi ng isang parang bouncer sa bar. Nagulat si Twayn sa narinig.

P-Patay?

"Dapat makasirado tayo..." naglabas ng baril ang isa sa mga lalaking gwapo at pinaputukan ng tatlong beses ang duguang lalaki.

*Bang*

*Bang*

*Bang*

Nagulat si Twayn. Pero buti na lang hindi siya sumisigaw kapag nagulat. Kahit papano, nakaligtas siya... nakaligtas nga ba?

Hindi nga siya sumigaw, pero lumingon ang isang lalaki sa pwesto niya. At doon, nakita na siya.

"Sino ka?" Agad ng tumakbo si Twayn ng akma siyang hahabulin nung mga lalaki. Bahagya siyang nagpasalamat dahil mabilis siyang tumakbo... ngunit napawi din iyon.

Naabutan siya ng isa sa mga lalaking may Adonis na mukha. May kulay ang buhok nito. Siya rin ang lalaking bumaril sa taong duguan kanina.

Kinaladkad siya nito pabalik sa third floor. Ng makarating sila doon ay basta na lamang siyang ibinagsak ng lalaki sa sahig.

"Sino ka? Anung ginagawa mo dito?" Tanong sa'kaniya ng lalaking may chubby cheeks.

"B-Bakit ko sasabihin ang pangalan ko? Isa pa, kayo dapat ang tanungin ko niyan! Sino kayo at bakit niyo pinatay ang lalaking yun? Mga wala kayong puso!" Bagama't takot na takot si Twayn. Itinago niya yun sa kunwaring mataray at matapang niyang pananalita.

"Matabil ang dila mo binibini. Sayang maganda ka pa naman, tsk " sabi nung lalaking matangkad.

"Kami ang pinakamalakas na team sa Devonshire's mafia. Pinatay namin ang lalaking iyan ay da-" bago niya masabi ang dahilan ay biglang sumingit ang lalaking pinakakalmado sa'kanila. Mabait rin ang mukha nito.

"Sandali Tyler. Hayaan mong si Hale na ang magsabi. Tutal kapatid niya naman iyon," wala naman ng nagawa si Tyler kundi sundin ang utos ni Kevin.

Tumingin ang lahat kay Hale. Ang lalaking may singkit na mata pero malamig... At nakakatakot.

"Kaya namin pinatay ang lalaking yan ay dahil tinangka niyang patayin at gahasain ang kapatid ko. Ngayon babae, sino ka at anung ginagawa mo dito?" Nasa tamang tono lang ang pagkakasabi ni Hale nun pero pakiramdam ni Twayn ay maiihi na siya sa salawal niya dahil sa takot.

Parang kahit mahinahon ay may kasamang mga punyal ang bawat salita nito.

Nakamamatay.

"T-Twayn. Twayn ang pangalan ko." At parang nanguutos na wala kang magagawa kundi sundin ito.

"Anong gagawin natin sa kaniya, Hale?" Tanong ni Aeros kay Hale.

"Wala na tayong magagawa pa kundi patayin ang babaeng 'yan! Nakita niya lahat!" Suhestisyon ni Thunder. Nanginig si Twayn.

"S-Sandali! Ayoko pang mamatay. Hindi ako magsasalita, pangako!"

Ngumisi si Hale dahil sa sinabi ni Twayn. Tumingin ito sa kaniya at itinutok ang baril kay Twayn.

"Maawa kayo. Sandali lang. Ayoko pang mamatay!" Humihikbing pagmamakaawa ni Twayn kay Hale.

Narinig ni Twayn si Hale nang ikinasa nito ang baril. Lalong lumakas ang panaghoy ni Twayn. Napapikit na lamang rin siya at napayuko.

Lumipas ang ilang minuto ngunit walang pumuputok na baril.

Nagtaka naman itong si Twayn. Kaya iniangat niya ang kaniyang ulo at tinignan ang anim na lalaki.

"Pagbibigyan kita babae. Ngunit, siguraduhin mo na hindi ka magsasalita at hinding-hindi ka rin magpapakita sa'min ulit. Dahil kapag nangyari iyon, magdasal ka man sa kaninong santong kilala mo pero katapusan na ng buhay mo." Mariin at nagbaantang saad ni Hale. Walang nagawa si Twayn kundi tumango.

"Magpakilala kayo sa kaniya ng malaman niya kung sino ang dapat niyang katakutan."

At isa-isa ngang nagpakilala ang Uno. Minabuti ni Twayn na pakinggan ang mga pangalan ng mga ito.

Pagkatapos noon ay pinakawalan na siya nila Twayn. Nagpasalamat siya at mabilis na tumakbo palabas ng gusali.

Nagkakandadapa na siya pero wala siyang pakialam. Dahil ang gusto niya lamang ay makaalis sa lugar na iyon.

Ang lugar kung saan niya nakilala ang anim na lalaki na hindi niya alam na magiging sanhi ng pagkawala ng dating sirkulasyon ng kaniyang buhay at kailanman hinding hindi na maibabalik pa sa dati.

×××

The Devonshire Heir Wife. [TG #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon