Another Bang And Ara Story :)
Nakita kitang nakasakay sa Pink na kalesa sa may Baywalk . Hindi ko din naman inaasahan na dun na pala magsisimula ang nararamdaman ko sayo .. naalala ko pa yung gabing iyon . Di ko alam kung bakit doon ako dinala ng paa ko .
Nakaupo lang ako sa bench at pinapanood ang mga batang nagtatakbuhan ang mag jowang naglalampungan at mga babaeng nagtatawanan .
Nakita kitang tuwang tuwa sa pagsakay mo sa kalesang iyon nasa isip ko nun
"Praning ata tong babaeng ito ? Haha ngayon lang sya nakasakay ata sa ganyan ."
Pero nakalipas ang ilang araw ay namalagi ako sa lugar na iyon at inintay na makita kang muli . Nakakatawa kasi nag iisa lang pala ang pink na kalesang iyon .
" ma'am sasakay po ba kayo ?" Tanong nung kutsera ng pink na kalesa .
" ahh Magkano ba ?" Tanong ko sakanya ngumiti sya at malayo ang tingin
" ahh Ma'am 30 po ang isang ikot . " sabi nito " Ms.Sheila Nandito na pala kayo "
" nalate lang ako . Oh may pasahero ka pala " sabi ni Sheila .. so Sheila ang pangalan ng babaeng matagal ko ng iniintay
" Oo nga po . Makakapag hintay po ba kayo ?" Tanong ng kutsera
" Yup di naman ako nagmamadali Gie " sabi nitong magandang dilag
" ahmm If You want Join Me ? Wala naman akong kasama " alok ko at sana effective ?
" sure ka ?" Tanong ni Sheila at tumango ako . Inilalayan ko sya sa pagakyat at ang lambot ng kamay nya . At ang bango nya . " salamat"
Umakyat na ako at tumabi sa kanya nagsimula na naman paandarin ni Gi yung Kalesa at ako tahimik lang . Nakaka inis natatameme ako ?
" ahm Sheila nga pala .. and You are ?" Alok nya sakin ang nya at agad ko naman itong hinawakan
" I'm Ara .. " sabi ko at ngumiti sya ..
"Alam mo parang nakikita kita lagi dito . Hmm pero di ko lang sure ah " kinabahan naman ako sa sinabi nya " ahh Oo tanda ko na ! Ikaw yung laging nakaupo dun sa Blue na bench malapit sa sakayan ng Kalesa haha ! Ikaw yung laging may hinihintay "
Natawa maman ako ? Haha di ba nya alam na sya ang ininntay ko ? Hahaha Okay Hindi nga pala kami magkakilala ngayon lang
"Ahh Wala naman akong iniintay gusto ko lang Tumambay dun kasi lahat kita mo . At saka fresh air eh "
" hahaha " napatawa sya weird " akala ko kasi . You know lagi kang maporma . Ampogi mo kaya . Kaya akala ko may hinihintay ka "
" ahmm sa totoo lang meron talaga "napakamot ako sa ulo ko " gusto ko kasi lagi syang nakikita "
" hmm oh bakit di mo sya kasama ngayon ?" Natawa naman ako sa sinabi nya
" siguro may kasamang iba ?"Napailing na lang sya at napatawa din .
" Oy Gigi may Kwento ka ?" Tanong nya
" wala po ma'am kayo po ba ?" Balik na tanong ni Gigi dito
" ayun na nga i Lost Her na Sumama na sya sa Bestfriend ko hays nakaka lungkot pero okay na din yun kasi alam kong may dadating na para talaga sakin " sabi nya habang nakangiti
" nako Ms.Sheila Okay lang yun malay nyo asa tabihan nyo na pala yung tamang tao para sa inyo " gusto ko man kiligin pero dapat iwasan . Alam kong nakatingin sya sakin mabilis ang tibok ng aking puso .
" ang tahimik mo ata Ara ? Hm Wag ka na mahiya :)" sabi ni Shiela Habang patuloy ang pamamasyal namin dito . " nga pala pasensya na kung FC ako ah "