Chapter 1

18 1 0
                                    

***

"Ready na ba ang lahat?"

"Yes po kuya Brix." Sagot sakin ni Lea. Isa sa crew ng Sugar Rush.

"Good. She'll be here anytime soon. Isa pa, malapit na din tayong magbukas."

Today is a special day. Aside from this is the grand opening ng shop namen, ngayon ko din naisipan na magpropose na sa girlfriend ko.

At ayan na nga siya...

"Hey babe!" bati nya agad sakin pagkatapos niyang humalik sa pisngi ko.

"Gorgeous as ever. Are you ready for later?" tanong ko sa kanya after I kissed her on the lips. "In a few minutes magbubukas na tong shop. Siguradong madaming tao mamaya"

"Yes ofcourse. Ako pa ba ang kakabahan?" with confidence nyang sabi saka tumawa.

"That's my girl."

***

"...Salamat po sa lahat ng dumalo sa araw na ito. Lalo na syempre sa pamilya at mga kaibigan namin na nandito ngayon na walang sawang sumusuporta sa amin. Maraming salamat po. Hope you enjoy this sweets party."

Pagkatapos ng maikling speech nya ay sinenyasan ko na yung isang crew at pumunta na din ako sa harap.

Tumingin muna ako sa parents nya bago tumungo sa harap. Tumango sakin yung daddy nya habang yung mommy nya naman ay nakangiti. Pagtingin ko sa mga kaibigan namen, nakangiti na silang lahat.

Actually halos lahat ng bisita ngayon dito ay alam na yung plano ko. Tumingin muna ako sa pamilya ko. Nakita ko pang tinatawanan ako ng kapatid kong si Brianna dahil siguro nahalata nyang kinakabahan ako. Tumingin ako kay mama at ngumiti sya saken na parang sinasabi nyang ipagpatuloy ko na. Huminga muna ako ng malalim bago tumingin kay Trix at nagsalita.

"Alam naman nating lahat kung gaano kamahal ni Trix ang pagbe-bake. At ito ngang Sugar Rush ang katuparan ng pangarap nya. Ngayon, pwede bang pangarap ko naman ang tuparin mo?"

Habang papalapit ako sa kanya, nakita kong kumunot ang noo nya na parang naguguluhan. Tumigil ako sa harap nya at ngumiti saka ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"I love you. Matagal ko ng naplano ang pagdating ng araw na to."

Kasabay ng pagtugtog ng music ay ang pagluhod ko sa harap nya. Kinuha ko sa bulsa ko ang singsing na matagal ko na din nabili.

"Trix, would you love to spend your forever with me and be my wife?"

Nakita kong inabutan na sya ng tissue ng mommy nya. Maging ako ay nangingilid na rin ang luha sa sobrang kaligayahan.

She pulled me up para tumayo saka nya ako niyakap at sumagot ng...

"YES."

Yes. Isang salita lang pero napakalaking bagay para sa akin. Sa amin. Isang salita na nagdudulot ngayon ng naguumapaw na kaligayahan.

Iniabot sa akin nung crew yung bouquet ng red and pink roses at binigay ko sa kanya. Lahat ng tao sa paligid namin ay nagpalakpakan. Nakangiti silang lahat pero mababakas ang pangingilid ng kanilang luha. Tears of joy. That's what it's for. Masaya ang lahat para sa aming dalawa.

Nilapitan agad kami ng pamilya namen para yumakap. Sumunod ang mga kaibigan namin at iba pang nandon para batiin at i-congratulate kaming dalawa.

***

Natapos ang araw at naging matagumpay naman ang grand opening slash engagement party naming dalawa ni Trix.

Sakay na kame sa sasakyan ko ngayon para ihatid sya sa bahay nila.

"Masaya ka ba?" tanong ko sa kanya pambasag sa katahimikan sa loob ng sasakyan

Tumingin sya sakin at itinuro ang labi nya. "Hindi mo ba napapansin? Kanina pa ako nakangiti. Hindi ko nga alam kung bakit hindi nangangalay ang panga ko e. Kung ganito ang tawag mo sa malungkot, ewan ko na! Hahaha."

"Ako din. Sobrang saya ko. Kung pwede nga lang pakasalan na kita kanina e ginawa ko na. Pero alam kong hindi ganong klase ng kasal ang nararapat para sayo. Hindi kasal na minamadali kundi kasal na pinaghahandaan. I want to give you a kind of wedding you deserve."

"I love you." she said smiling.

"I love you more." I replied before starting the engine and drove home.


My One True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon