He'll Never Love Me Back!

25 2 0
                                    

"good morning, hon" nginitian ko s'ya. Syempre nginitian n'ya rin ako.

"pasok na ako ah?" pagpapaalam ko sa kanya. Nginitian n'ya ulit ako.

Lumabas na ako ng bahay at nagsimula nang maglakad papunta sa University.

Naisipan kong magsoundtrip. Kinuha ko ang phone ko.

"ang gwapo n'ya talaga" tanging nasambit ko nang makita ang larawan n'ya na lockscreen wallpaper ko.

"Enter pin to unlock the screen"

Tinype ko ang birthday n'ya. At agad namang nag-unlock ang phone ko.

Pagka-unlock nito ay mukha n'ya pa rin ang bumungad sapagkat siya rin ang aking wallpaper.

Diretso agad ako sa music. Nagsimula na akong magplay ng mga recording nang pagkanta n'ya.

Medyo kinikilig ako habang naglalakad. Shemay ang ganda ng boses >////<

*time skip*

"oi uwi ka na?" tanong sa'kin nung kaklase ko.

"oo eh. Baka magalit asawa ko"

"tsk, tama na nga 'yang kahibangan mo. Whatever bye!" umalis na s'ya.

Napangiti nalang ako.

"eto na nga lang nagpapasaya sa'kin" bulong ko.

Naglakad din ako pag-uwi.

Pagkadating na pagkarating ko sa bahay ay diretso agad ako sa kwarto ko.

At doon ay bumungad ang mukha n'yang nakangiti sa'kin.

"nandito na ako" nginitian ko rin s'ya at hinalikan.

"magpapalit lang ako ng damit ah? 'wag ka maninilip!" tinakpan ko ng towel ang mga mata n'ya.

Nang matapos ako magbihis ay tinanggal ko na ang towel na nakaharang sa mata n'ya.

Nakipagtitigan ako sa kanya.

Nakakailang kurap na ako pero s'ya kahit isang beses ay hindi.

Napangiti ako nang pilit.

Kahit anong gawin ko.

Hanggang poster lang talaga ako </3 :'(

**

Hi co-fangirls na feeling asawa ang mga idol nila huhu! Tara bigti na po tayo *cries*

I love you asawa ko, Shinichi Kudo kahit 'di ka nage-exist :'(

He'll Never Love Me Back!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon