Chapter 1 - Unexpected Visit

329 12 6
                                    

Ten years later...

Naalimpungatan si Ellie nang maramdamang may tao sa kanyang silid. Hindi pwedeng si Marissa ang nasa loob. Hindi siya nito inaabala sa pagtulog hanggang ikaapat ng hapon.

Naikunsidera ni Ellie ang Kuya Lowell at Ate Lenny niya. Imposible! Sa Canada na pumirmi ang pinakapanganay nila nang makapag-asawa roon. Si Lenny naman na pumapangalwa ay kasalukuyang nasa mahalagang meeting. Hindi rin siya nito sasadyain sa mga oras na iyon. Kasasabon pa lang nito sa kanya nang nagdaang gabi. Siguradong ayaw pa siyang makita ni Lenny.

Tumalikod ng higa mula sa pinto si Ellie. Sumagi sa isipan niya ang kanyang mommy at daddy. Pero kauuwi lang ng mga ito last month. Nasa Cebu na uli ang mga magulang. Abala na sa mga computer store nila sa Kabisayaan.

Narinig ni Ellie na tumikhim ang intruder. Hindi pa rin siya nagmulat. Puyat siya. Alas nuebe ng umaga natapos ang laro niya. Kulang pa siya sa tulog.

Biglang sumabog ang liwanag sa pagbubukas ng sinumang walang-puso sa venetian blinds ng kanyang kuwarto.

"Naman?!"

Mumukat-mukat na napatayo si Ellie. Tumakbo sa bintana para bawasan ang liwanag na naglagos sa pagitan ng mga horizontal slat ng venetian blinds. Napasulyap siya sa alarm clock, sa side table ng kama. Ikatlo pa lamang ng hapon!

Bumaling si Ellie sa taong responsible para angalan ito. She woke up, instead. Alert na alert!

Inside her room was a handsome devil in a business suit - white long sleeves and black slacks. He stood confidently, tough-looking despite of his mestizo complexion. He was looking at her fiercely.

Mukhang hindi naligaw ng opisina si Ash.

"Damn it, El," anito. Hindi makapaniwala sa kanya. "Nang sinabi ng katulong mo na tulog ka, ang akala ko ay nagsisiyesta ka lang -!"

Si Ash nga ang dumating. Ito lamang ang tumatawag sa kanya ng 'El'!

"Okay lang na ginising mo ako, Kuya," pangungonsensya ni Ellie.

Tinaasan lang siya ng kilay ni Ash.

"I really need to go back to the office." Iritado ang mukha ni Ash pero bakas din ng pagkapahiya. "Ang sabi ng maid n'yo tatawagin ka niya. Pero sa halip na akyatin ka, dumiretso siya ng kusina. Igagawa pa yata ako ng meryenda. I was in the receiving room for five minutes, nainip na ako. Masyadong mahalaga ang oras ko para maghintay."

Ikaw na ang importante! Medyo nainis na si Ellie binata. Ito nga pala ang big-shot at masungit na si Asher John Castillo - ex-crush niya!

Katabi lamang nila ang mansyon ng mga Castillo. Nasa iisang subdibisyon sila, sa Camilla Villa, Manila. Kababata nila ang Castillo siblings. Sanay silang magtawiran ng mga bakuran. Labas-masok lang din sina Ash at Alyssa sa malaking bahay nila. Pamilyar pa rin si Ash sa buong kabahayan. Alam pa rin nito kung nasaan ang kuwarto niya.

So, inakyat pala siya ni Ash para gisingin siya? For what -?

Masama ang kutob ni Ellie. Feeling niya 'bad news' na dinalaw siya ni Ash. It was a long time since they last spoke. Iyon ang panahong nagmakaawa sila ni Alyssa na pabayaan uli sila nitong maging magkaibigan. Ellie promised never to get Alyssa in trouble again. Now this? May ginawa na naman ba siyang mali?

"I'll wait for you downstairs," Ash declared. You better come down as well – fast! Kulang na lang ay sabihin nito.

Ewan ni Ellie kung na-imagine lang niya. Pero parang pinagmasdan pa siya ni Ash bago lumabas. Okay lang ang suot na maluwang na T-shirt niya. Pero wala nga pala siyang suot na bra underneath at naka-boxer shorts lamang siya. She felt conscious but she ignored the feeling.

Dealing with Mr. Sungit (Published by Bookware)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon