Love is weird.,??!?
********************
Andito ako ngayon sa... ooopsss scratch that (ang arte).. kami pala nitong lalaking to.
Sa NBS, bumibili ng gamit, expected.
"ampangit niyan"
"mas lalo yan"
"iba na lang"
"alam mo, mas maganda pa yung na una kaysa dyan"
"mas panget"
"ang badoy"
"napaka girlish naman niyan"
"opposite naman niyan sa girlishh"
"eto na lang"
"ay eto na lang pala"
"wag yan, mas maganda to oh"
para siyang bakla noh? pero nagkakamali ka. Hindi kaya yan bakla, mukha lang bakla kasi sa kilos nyang yan...pero oyyy, m--------
"ayunnn na lang oh!" sabay turo sa isang simple pero enough na Notebook. Hinayaan ko na lang siya at naglakad na lang at pumunta sa counter para bayadan lahat ng kinuha ko, at hindi na ako nagdalawang isip na bumili rin ng mga libro.
Hindi pa ako tuluyang nakakalabas, nahabol na niya ako pero nagpatuloy parin ako sa paglalakad at hindi siya pinansin. At total nagutom ako sa pagbili namin ng gamit namin dahil nga hindi ako nakakain ng breakfast dumiretso na lang ako sa McDonald para kumain.
At dahil pagod rin ako, naghanap muna ako ng mauupuan ko at syempre sa pang dalawa lang kasi wala namang pang-isa, sa pagkakaalam ko. At nang makaupo na ako ng maluwag ay hinanap ko agad yung sumusunod sa akin na bestfriend ko. Nakaramdam ako ng tampo? at saya?, pero lumalamang na lag siguro yung saya dahil sa wakas wala nang sumusunod sa akin. kinuha ko na yung wallet ko at aakma na sang oorder ng pagkain ko nang may bigla na lang lumapag na isang tray sa lamesa ko at ang dami daming order.
"Excuse me,"sabi ko sa nagtratrabaho dito "may nakaupo upo po dito, at ako po iyon. pakisabi sa nagmamay-ari ng napakaraming pagkain na yan na humanap ng ibang mauupuan dahil may naka-upo na dito" at lumakad na ako. Pero napahinto ulit ako nung may sinabi ulit yung lalaki.
"Ma'am, sainyo po ito sabi nung lalaking kasama niyo daw po na nag-cr lang po saglit. sige po." and he left me na nakanganga. Umuppo ulit ako saglit at tinignan ulit yung isang tray na nasa harapan ko. Fries-2, hamburger-2, cokefloat-2, rice and friedchicken-2,icecream-2, spaghetti-2 at mamamatay ata ako sa dami at sa laki ng mga ito.
Nagtatampo lang naman kasi ako sa mokog na yun dahil sa ang babaw ng dahilan niya para magtampo rin siya. Naiintindihan ko naman siya pero intindihin naman din niya ako na hindi ko na talaga makilala yung boses na lalo na't matagal na rin kaming hindi nagkita at syempre CALL lang yun, minsan dahil sa CALL, nagiiba rin yug boses ng tao kaya siguro hindi ko nakilala yung boses niya. May umupo sa harapan ko pero hindi ako nag abalang tingnan siya. Pero inaamin ko rin sa sarili ko na na-miss ko rin yung lalaking yun kahit papano. Tatlong taon din na hindi kami nagkita at syempre parang taon ang isang katumbas na buwan nun, hindi araw kasi nakakabadoy yun lalo na't matalik na kaibigan ko LANG yun. As his bestfriend, sa sobrang tagal nun dapat nga yakap agad kong bungad sa kanya pero sadyang matampuhin siya kaya nagtampo agad na ikina-guilty ko naman, basta mahirap intindihin parehong may mali at tama kaming dalawa.
"Hindi ka na lang ba kikibo dyan,? sorry na. Syempre na miss lang kita. sa tagal ba nun, tas yun na lang yung sagot mo sa telepono? pero syempre dahil mahal kita...bilang kaibigan hindi na ako magtatampo." At dahil sa mahal ko din siya..dahil mahal niya rin ako BILANG kaibigan magpapangap muna ako.
"Sino ba naman kasi yung umalis na hindi man lang nagpaalam, ay oo nga pala ako yun. Sige naiintindihan na kita kung bakit ka nagtatampo." sarcastic kong sabi
"Sarcastic ba yan?" tanong niya
"Ay hindi, hindi, hindi."
"so bati na tayo? Yes! sige order ka na. Props ko lang ito, kakainin ko na lang lahat. Bilis marami ng nakapila oh"sabay turo nito."ARAY!"binatukan ko na lang siya.
"Sira ulo, nakisakay ka naman sa biro ko. Magpapanggap na sana ako na ok na tayo pero binawi mo naman yung pagkain kaya bahala ka dyan" at umalis na lang ako.
Pero nahawak niya na yung braso ko"Eto naman di mabiro, sige panggap ka na lang ulit na ok tayo tas kunwari hindi ko na binawi yung pagkain. Okay na ba yun?" sabi pa niya
"Madali naman akong kausap, sige na, order ka na. Ok na sa akin to. Ingat!" balik ko. hahahaha, ansarap niya asarin, gusto ko na ngang tumawa ng malakas pero kaya ko pa naman pigilan. "oh bakit andyan ka pa? huwag ka na ngang mahiya dyan Patot kung nagdadalawang isip ka pa na bilhan ako. Ok na to, makulangan man ako atleast busog na ako. Sige na bili kana nang sa'yo, sabi mo nga, marami na ngang nakapila, INGAT!" at umalis na lang siya na parang wala siya sa sariling mundo niya at nakakakunot pa yung noo niya. Pero syempre dahil mabuti rin naman(kahit papaano) na kaibigan, tumayo na ako at nagback hug sa kanya.
"Ako naman ngayon yung nagbibiro. Syempre Patot hindi ko naman yun mauubos sa dami." Tinignan niya ako na parang hindi siya naniniwala sa huli kong sabi "ok ok..Sige sabihin natin na mauubos ko nga yun pero syempre dahil may mabuti naman akong puso bilang KAIBIGAN mo ay syempre, magtitiis na lang ako, kahit kulang na kulang pa to." Hinarap ko na siya "Ok na? Halika na. Pinagtitinginan na tayo dito ohh." Sabay tingin ko sa kanila.
"Osige na nga magkukunwari na lang rin ako na parang ok na tayo. Nagutom ako bigla, halika na."
"WHAT?!!? halik-ka-na??, Utot mo PATOT.!"
"Siraulo, ang sabi ko... halika na para makakain na tayo, hahahaha" tinignan niya ako HEAD to TOE, at inulit pa niya dalawang beses. Hanggang sa mukha ko na. Anyare dito? "Cute mo mag blush LucKY. Halika na nga" at kinaladkad niya na ako paupo.
Nasa bahay na kami pero parang wala parin dahil sa sinabi niyang ANG CUTE KO DAW MAG BLUSH, nakakahiya yun. Siya pa talaga nakatuklas nung pag blush ko kanina? Urghhhh.. nakalimutan ko, katabi ko nga pala si Jerome-Patot.
"Lucky, may itatanong ako" pagsisimula niya.
"Ano yun Patot?" Tanong ko.
"Bakit ka nag blush? Paano ba mag blush?"....
**********
Hi to my friend JHEN jhen na laging andyan para suportahan ako. I owe you my life, jk. hahahaha. I dedicated this chapter to her. I love you bhes, atwe and everything. Always be INSPIRIT.
Vote-Comment-Share
##SreadLove
BINABASA MO ANG
LOVE is ...
FanfictionA girl na nahihirapan sa routine ng pag-ibig. Sa buhay niya, sa routine ng love, makakaya pa rin ba niyang magtiwala? magmahal? masaktan? ulit? ABANGAN... ____________________________________ Try to read my first story. Hindi ko masasabing maganda a...