Love is weird but can love be weirder?
********************
Lunes na at ang ibig sabihin nun ay may pasok na. Pero ang mukha ko, daig pa sa nasabunotan ng kabayo at natalo sa lotto. Sa sobrang kakunutan na ginawa ko sa mga kilay ko syempre mag aakala na talaga ako pagkakitang pagkakita ko sa mukha ko sa salamin bandang alas-tres ng umaga na wala ng magawa kundi mapatulala nalang sa Kisame ng kwarto ko.
Ang bwisit naman kasi na si Jerome nang isturbo sa mahimbing na tulog ko kaya yung maganda kong panaginip, nabitin. Tinawagan niya ako, sinagot ko naman agad kasi baka importante dahil tumawag siya sa mga oras na yun. Pero ang sabi lang niya ay "Good Night.!" Kaya yung inis ko sa kaniya mas nadagdagan pa.
Kaya ang Lola niyo, 4 na oras nang hindi nakakatulog mula alas-tres ng umaga.
Yung mga magulang ko naman, may pinuntahan ulit pagkarating na pagkarating nila dito sa bahay. Hindi man lang sila nag abalang tignan ang anak nila bago man lang umalis.
"Mama Meh, alis na po ako. May pasok na po kami." tumango na lang siya bilang sagot.
Hindi ko rin maitanggi na sabihin na kahit papaano ay namiss ko talaga yung si Patot. Hindi rin naman sa nagtatampo ako sa kanya sa pagkawala niya ng tatlong taon pero syempre andun parin yung pagkagulat ko na lang noon na wow, hindi lang pala bakasyon yun?. Tas yung fact na nagtatampo siya dahil hindi ko nakilala boses niya, eh syempre sa tagal na ba naming hindi nag-uusap ng personalan e talagang hindi ko na talaga siya makilala, kahit na may komunikasyon parin kami sa isa't-isa kahit pa minsan minsan lang at nagpapaalam na agad ako sa kanya e hindi parin yun sapat para makilala ko na agad boses niya.
Lumabas na ako sa Pinto.
Ok na nga sana lahat yung tipong wala na yung galit ko sa kaniya dahil sa ginawa niya kahapon pero ang nakakainis lang, wala pang isang lingo na lumipas e may iba na naman siyang atraso sa akin. E hindi naman ata FAIR yun para sa akin. Kaya kahit ok na kami kahapon, mukhang babawi na naman siya ngayon. E kahit na m------
"hey..!"at kinaway pa niya yung kamay niya "You're out of your mind"
at doon na lang ako natauhan. Andito pala sa harapan ng gate namin yung rason kung bakit hindi na ako makatulog.
Kinapa ko yung bulsa ko para kunin yung susi ko habang tinitingnan siya ng masama pero sa sobrang pag-iisip ko, nakalimutan ko pala yun kaya inilipat ko na yung tingin ko sa bulsa ng palda ko.
"Sh*t" my bad. Nakalimutan ko yung susi ko. "OH, GODDD" ngayon ko lang kasi napagtanto na naka tsinelas lang pala ako. Kaya no choice akong bumalik sa bahay. Pagkabalik ko sa gate namin, doon ko nanaman na realize na hindi ko pala nakuha yung susi ko.
Kaya wala na naman akong choice kundi maglakad na lang, hindi bumalik. Nakakabwisit lang kasi yung pabalik balik.
"Hey, hindi mo ba ako papansinin? Ok na tayo kahapon diba?" Pansinin mo mukha mo.
"Hey.!"
"Lucky naman ehk. Kababalik ko na nga lang kahapon eh mag-aaway pa tayo??" Yun na nga ehk. Kababalik mo lang, kaaway lang natin kahapon, may kasalanan ka na naman sa akin ngayon.
"Lucky naman..." naglakad parin ako. "Isa..."
"Dalawa."bulong ko
"Ano sabi mo?" Hindi ko parin siya pinansin. "Dalawa..." lakad-lakad
"Wag mo akong pilitin lucky." Lakad parin, wala kasi akong naririnig. " two and one half..."
"Tatlo" matigas niyang sabi. Doon na lang ako kinabahan. Yung boses niyang yun, nakakamiss. Pero ako namang si tanga nagpatuloy parin sa paglalakad. "KYLIE SANTOS!" LAGOTTT!!!..
BINABASA MO ANG
LOVE is ...
FanfictionA girl na nahihirapan sa routine ng pag-ibig. Sa buhay niya, sa routine ng love, makakaya pa rin ba niyang magtiwala? magmahal? masaktan? ulit? ABANGAN... ____________________________________ Try to read my first story. Hindi ko masasabing maganda a...