Cleo's POV
Pasok sa bahay...
Kain...
Tulog...
*Ding.Dong.Ding.Dong*
"CLEO!! Andito na ang pinakamamahal mong ama,"sigaw ni dad ng pumasok siya sa mansyon. Hinayaan ko lang siyang pumasok sa bahay at kausapin si mom, tinatamad kasi akong kausapin siya. >_<
Ako si Cleo Margaret Dela Funte, 17 years old, at magfifirst year college na. Nakatira kami ni mom sa isang mansyon na pag-aari ni dad, pero, di namin kasama dito si dad. Nung 13 kasi ako, nagdivorce si mom and dad, pero di ko alam ang reason. Every weekends bumibisita si dad dito, dun siya nagsstay sa main mansion kasama si lolo. Mula pagkabata, di ko na nakita ang lolo, hindi din pumupunta si lolo dito para dumalaw.
Nakakapanibago, nandito si dad. Eh friday ngayon eh, hindi pa weekend. Nung pumunta ako sa sala, mukhang nagtatalo si mom at dad.
"Cleo,"tawag ni mom nung napansin niya na nasa harapan na nila ako. Dala-dala ko ang libro na binili ko kanina sa National Bookstore. Summer ngayon at month of April kaya, gala-gala lang ako.
"Hi mom and dad. Bakit nandito ka dad?"tanong ko.
"Bakit, hindi na ba pwedeng pumunta dito?"sabi ni dad na mukhang iiyak pa. Nakalimutan kong sabihin na si dad ay may topak sa ulo, feeling teenager din at OA kung makareact. Pinipigilan ko nga ang tawa dahil akalain mo nga naman...parang Kpop ang damit ni dad...BAGETS na BaGETS!!!
"Dad, may kailangan ka sa akin no?"
"Ah eh...meron nga."
"Sabi ko na nga ba...geh...garden tayo."
"Sa garden talaga anak?"
"Ay hindi...sa cr. sa cr."
Nauna na akong lumakad at nakasunod naman si dad. Mukhang seryoso tong pag-uusapan namin ah...hmmm...I smell something fishy.
Pagdating sa garden, umupo na kami sa bench.
"Anak, hindi na ko magpapaligoy-ligoy pa. Darating ang araw na kailangan may magmanage ng kompaniya dahil who knows, baka mawala kami ng lolo mo, at walang mag-aasikaso ng kompaniya. Ang kuya mo naman kasi, palayas-layas pa."
"Dad, mamamatay na kayo ni lolo? Dad, malaki ba ang mamanahin ko? Naisulat na ba ang mamanahin ko sa Last Will and Testament?"
"Cleo, naman!"
"Joke lang...so ano?"
*Clears throat* "Kailangan mong magpanggap bilang si Clyde, habang hinahanap pa namin siya. Hindi kasi mapakali ang papa kung walang magmamana ng kompaniya."
"Magpapanggap?"
"Oo, pero dapat, hindi ka mabuking ng lolo mo. Okay lang naman yan dahil fraternal twins kayo, atsaka, kailangan mo palang mag-aral sa Southdale University at matulog sa dorm ng kuya mo."
"Heh...ayoko nga. Wala naman akong mapapala diyan."
"Kung papayag ka, 50,000 a month ang baon mo plus 1 year supply of pretzels at bagong model ng Iphone."
"Hindi pa rin."
"Sige, bibilhan kita ng Ferrari, ang latest model."
"Geh...payag na ako. Basta, tuparin mo yan ha. It's a deal then?"
"Deal. Bukas, darating dito si Ben-tagaturo mo, Black-taga-ayos, at si Bella-para sa mga susuotin mo. YESSS!! Excited na ko."
"Parang kayo pa ang naexcite dad ha..."
"Ako pa."
"Dad, magma-malling pala ako kasama si Zen."
"Sige, basta 5 pm, andito ka na."
"Opo."
Hindi naman pala masama, may baon na, may kotse pa. Pero hindi lang naman para dun eh, para din eto kay dad at siyempre kay kuya Clyde. Mabilis lang naman eto eh...nasaan na kasi yung si Clyde, nakakamiss din pala ang kaengotan nun.
Si Clyde Miguel Dela Fuente ang aking brother, fraternal brother. Close kami nun, pero nung dumating ang pesteng Sheila na yun-gf ni Clyde, wala na siyang time para sa akin. Mahal na mahal talaga ni kuya ang babaeng yun na nakayanan niya kaming iwan. Haaayss....nakakaloka naman to. x....x
Gora na ako muna sa mall...
BOOM!! Nakita ko si Bakla!
Si Zen ang bff ko since grade one, Zayden Torre ang totoong pangalan ni Zen, pero bakla nga siya kaya Zenaia-in short, Zen ang gusto niyang itawag ko sa kaniya. Actually, hindi pa alam ng parents ni Zen na gay siya, paano nila malalaman eh puro business sa California ang inaatupag nila imbis ang anak nila. Gwapo sana, kaso beki.::|Saaayaaang...
AN: Yan lng po muna...di ko alam kung kailan pa ako makakapagupdate, siguro, next week. Haaay...pasukan na naman...:(
Abangan sa next update...
Ano kaya ang mangyayari kay Zen at Cleo sa mall?
Sino kaya ang Ultimate Enemy ni Cleo at paano sila naging enemies?
BINABASA MO ANG
She's the Campus Prince (ON-HOLD)
RomanceMeet our protagonist, Cleo, 17 years old, at mag-aaral sa Southdale High kasama ang kanyang gay bestfriend na si Zayden/Zenaia Torre, and, mag-aaral siya dun as a guy, habang hinahanap pa ang nawawala niyang fraternal twin na si Clyde. Ano kaya mang...