Hi first time ko po gumawa ng one shot. Hope ya like it ^____^
~~~*ting*
Gosh! Online siya, online si Crush.
"Be! Online si Jharyll! Online siya!" Sigaw ko habang pinaghahampas ang bespren ko.
"Oo na, oo na. Stop it. Fishtea ka! Mamaya may pasa nanaman ako sayo" -Jarra
Sheeeeeet! Online siya. Teka, chat ko nga siya.
hello!
Teka delete.. pangit, masyadong fc.
Yo!
Parang rapper naman.
Hey.
Ang conyo yata
Eow pho.
Potek ang jeje.
Hi.
"I-send mo na" -Jarra, sabay pindot sa enter button.
"Waaaaah! Bakit mo sinend?!"
"Tagal mo eh. Bura ka ng bura"
"Humaygad! Baka i-seen niya ko" sabi ko habang nakatitig sa monitor.
Hello!
"Kyaaaaah! Nagreply siya!!"
Teka anong sasabihin ko? Magcoconfess na kaya ako... Ah bahala na!
Ahm... may sasabihin sana ako eh.
Pikit mata ko pang pinindot ang enter button. Hahaha.
Ano yun? -siya
Ah.. ano kasi ahm... -potek di ko masabi!
Ano po yun? -hala ayoko na yata magconfess. Pano to. Aish! Carmela sabihin mo na.
NAKAKAINIS KA! BAKIT KA KASI GANYAN?! YAN TULOY CRUSH KITA! *enter*
Shetness! Bakit ko ni-type yun? Log-out na ko.
-------
"Jarra dali itago mo ako" -ako na parang tangang nagtatago sa likod ni Jarra."Kundi ka ba naman kasi sira ulo Carmela! bakit ganun yung pag-coconfess mo sa kanya"
"Ihh kasi di ko alam kung paano ko sasabihin eh"
Phew! Nakarating kami sa classroom nang hindi ko nakikita si Jharyll.
-------
*kriiiiiiing*"Okay class. You're dismissed"
Yehes! Dismissal na. Kaso di ko pa nakikita si Jharyll. Ayy.. may atraso pala ako sa kanya, dapat lang na hindi ko pa siya nakikita.
Umuwi na kami si Jarra sa apartment na tinutuluyan namin. Oo, naka-apartment lang kami. Malayo kasi yung bahay namin sa school. Atleast dito walking distance lang... pag sinipag kami maglakad.
"Buti na lang best hindi tayo nakita ni Jharyll" -ako na nagi-internet.
"Tsk. Baka absent siya. Eh bukas hindi ka pa kaya niya makita, parehas lang kayo ng school na pinapasukan, ng recess time pati uwian" Ang nega talaga niya kahit kelan.
"Edi itago mo ulit ako. Di ako magrerecess para di kami magkita sa canteen, at mauuna tayo lagi sa pag-uwi"
Pagkabukas ko sa fb ko may message, so binuksan ko.
Jharyll(yesterday 9:45pm): ow kasalanan ko pang naging ganito ako. Tsaka sino bang nagsabi sayong maging crush mo ako.
Oo nga pala nag-log-out na ko kaya di ko na nakita yung message niya.