"Magandang umaga sa ating lahat. Nandito tayo ngayon para sa Selection ng ating mga bagong mages." Panimula ni Professor Stillblow na seryoso ang mukha. Gwapo sana ito kung marunong lang itong ngumiti at mag ayos at hindi mukhang hindi nagsusuklay. Ang tanging nasa maayos ay ang roba nito."Kasama din natin ngayon ang tatlong MasterMage na sina MasterMage Welrien ng Terra Temple, MasterMage Quintin ng Ignis Temple, MasterMage Wanda ng Aqua Temple at ang ating Aer Temple HighMage, HighLord Firen Strongbow."
Yumuko ang lahat bilang pagpakitang galang sa mga Temple Masters. Nakikita ni Tempest sa mukha ng mga taong naroroon ang magkasamang paghanga at takot nang ipakilala ang kanyang Lolo Firen.
Sa apat na mga temple masters tanging ang Lolo Firen niya lang ang tinaguriang HighLord o HighMage. Pero ayon sa kanyang lolo, si Master Welrien ay malapit nang maging HighMage.
Makabasag pinggan ang katahimikan sa buong silid. Maraming takot sa kanyang Lolo, di biro ang kapangyarihan nito. Bibihira ang HighMage sa buong Quoria, tanging ang mahal na hari na s'yang Ignis HighMage at ang Aqua HighMage sa Brun na hindi niya kilala, iyon lang ang alam niya. Yumukod muna si Professor Stillblow bago nagpatuloy sa pagsasalita. Halatang kinabahan ito. "Ngayon ay magsisimula na ang Selection! Goodluck sa mga bagong mages. May the elements guide you in your chosen path."
Pagkatapos magsalita ni Professor Stillblow ay suminyas ito sa unang batang nakapila. Nagkalad ang bata palapit sa unang entablado. Sa entablado isang metro ang layo sa mesa ay mayroong isang may malaking pentagram symbol na nakaukit sa granite na sahig, doon huminto sa gitna ang batang lalaki at umupo na naka lutos posisyon at pumikit. Maya-maya pa ay lumakas ang apoy sa pulang kandila, nagpalakpakan ang mga naroroon kaya tumayo na ang bata at umalis na ito pagkatapos yumukod bilang respeto sa apat na naroroon sa harapan.
Hindi namalayan ni Tempest ang oras, masyado siyang kinabahan kaya nagulat pa siya ng lumingon si Seregon sa kanya at tinapik ang kanyang balikat bago lumakad patungo sa mesa, ito na pala ang susunod. Pag-apak palang ni Seregon sa pentagon symbol ay lumakas na ang apoy sa kadila sa pagkamangha ng mga naroroon!
Ginaya ni Seregon ang ginawa ng mga nauna dito. Umupo ito at ipinikit ang mga mata, unti-unting lumiit ang apoy sa kandila sa pagtataka ng lahat. May maririnig na ingay sa paligid nang ang inuupuang pentagram symbol ni Seregon ay biglang nagkulay pula iyon at ilang saglit pa ay makitang unti-unting lumakas ang apoy sa kandila at unti-unti din iyong nagbago ng kulay. Napa atras ang mga taong unti-unti na sanang lumapit kanina para makitang mabuti ang pentagram dahil tumaas ang temperature sa paligid.
Sa lahat ng naroroon ay tanging si Tempest lang ang kalmado dahil noon pa man ay nakita na ang kulay ng apoy na gamit ni Seregon. Kulay bughaw na apoy! Karamihan sa mga FireMages sa Quoria ay kulay dilaw o pula, bibihira lang makikita ang kulay bughaw na apoy kaya naman hindi maiwasang mamangha ang mga taong naroroon. Nagpalakpakan ang mga tao kaya iminulat ni Seregon ang mga mata saka tumayo at umalis. Sa pag- alis ni Seregon ay unti-unti ding bumaba ang temperatura sa paligid.
Now it's her turn.
Lumapit si Tempest sa mesa, hindi pa nito napangalahati ang distansya nang lumipad ang dahon mula sa lamesa patungo kay Tempest. Sinalo ng kanang kamay nito ang dahon saka umupo sa gitna ng pentgram at ipinikit ang mga mata. Noon magsimulang umikot ang tubig sa bowl. Nagmulat ng mga mata si Tempest nang marinig ang pamilyar na boses ng Lolo Firen nito.
"Hija, that's enough."
Tumingala si Tempest sa kanyang Lolo nagtatanong ang mga mata ngunit ngumiti at tumango lang ang kanyang Lolo kaya tumayo si Tempest. Muntik pa niyang malimutang yumukod bilang paggalang sa mga Masters na naroroon mabuti nalang at naalala niya.
Tatalikod na sana si Tempest nang muli ay may tumawag sa kanya. Nakita niyang lumapit sa kanya si Professor Stillblow. Nagtatanong ang mga matang nakatingin si Tempest dito.
"Ang dahoon, kailangan mong isauli." Natatawang sabi nito ngunit makikitang nagniningning ang mga mata nitong nakatingin kay Tempest.
Noon lang naalala ni Tempest na nasa kamay pa rin niya ang dahon. Namumula ang mga matang iniabot niya ito kay Professor Stillblow. Nagtawanan ang mga magulang na naroroon. Ngunit saglit lang iyon dahil nagsimulang mag ingay ang lahat at nakatingin sa mga MasterMages. Ang tatlong MasterMages ay magkasabay na nagtatanong kay HighLord Firen.
"So, totoo ang balita HighLord na isang elemental mage ang apo mo?" narinig ni Tempest na tanong ni MasterMage Welrien Alamanda sa kanyang lolo kaya naudlot ang paglapit ni Tempest sa mga magulang. Nalingunan ni Tempest na nakatingin sa kanya ang kanyang lolo at hindi sinagot ang tanong bugkos ay suminyas ito at agad na naramdaman ni Tempest ang pag-akbay ng kanyang ama. Kasabay nito ang kanyang ina na puno ng pag-alala ang mukha at pilit na hinila siya sa tabi.
"Ano ang ibig sabihin nito HighLord?" si Master Wanda iyon. Itinaas ni HighLord Firen isang kamay at agad na tumahimik ang lahat na naroroon. Ganun kalaki ang respeto ng mga tao sa kanyang Lolo. Tumayo ito at inilibot ang paningin sa mga naroroon. Matangkad at matikas ang tindig nito, sa gwapong mukha nito ay hindi maipagkakaila na may halong ibang lahi ang dugong nanalaytay sa katawan nito bagaman normal naman ang hugis ng tainga at hindi kagaya ng isang Elfo.
"Gusto kong pasalamatan kayong lahat sa pagdalo, at sa mga bagong mages congratulations! Alam kong marami sa inyo ang may katanungan, ako man ay gayundin. Sa ngayon ay wala akong maisasagot sa mga tanong ninyo pero totoo ang inyong nasaksihan na kapangyarihan. Sa loob ng ilang libong taon na nakalipas sa unang pagkakataon nakikita nating muli ang Blue Flame at isang Elemental Mage. Hanggang doon lang ang tangi kong maisasagot sa inyo ngayon. Salamat sa mga magulang na naririto. Sa mga susunod na mga araw ay may mga imbitasyong matatanggap ang inyong mga anak sa iba't-ibang paaralan. Sana ay pag-isipan ninyong mabuti bago kayo magdesisyon." Pagkatapos sabihin iyon ay tumalikod na ito at humarap sa tatlong kasama at nag-uusap ang mga ito.
Isa-isang nag-alisan ang mga taong naroroon, pinakahuling lumabas ay ang pamilya ni Tempest. Ang tanging naiwan sa loob ay ang tatlong MasterMages at ang kanyang Lolo Firen. Bago tuluyang lumabas ay nakita ni Tempest na itinaas ng kanyang lolo ang kamay sabay niyon ang pagsarado ng pintuan na para bang may taong nagtulak nito pasara.
~~~*~~~
Sa loob ng Selection Temple...
"HighLord," panimula ni MasterMage Wanda ang tanging babaeng naroroon.
"Hindi mapagkaila ang kapangyarihan ng apo mo at ng prinsipe. Sa pagkakaalam ko isang libong taon na ang nakalipas mula ng may elemental mage. At ang prinsipe, ngayon lang ako nakakita ng kulay bughaw na apoy, sino ang magtuturo sa mga ito?" may pag-alala ang mukhang tanong nito.
"Alam ba ng mga bata kung gaano sila kalakas at ka espesyal?" tanong ni MasterMage Quirin.
"Alam kong nakakapangilabot ang ating nasaksihan, ako man ay ganun din nang unang ko itong makita. Malakas ang mga kapangyarihan nila. Hindi birong pagsasanay at kontrol ang itinuro namin ng hari sa dalawang bata. Alalahanin ninyo sanggol pa lang ang dalawa nang lumabas na ang kanilang kapangyarihan. Akala ko noon ikamamatay iyon ng apo ko. Ngunit nakayanan ng apo ko lahat iyon. At MasterMage Quirin," tumingin si Firen dito. "Nasisiguro ko na alam ng mga bata kung gaano sila ka espesyal."
"Ang alam ni Seregon o ni Tempest na ang lahat na naroroon sa lamesa ay pawang hindi ordinaryong bagay ngunit ang hindi alam ng mga ito ay kung gaano kalakas ang mahikang inilagay sa bawat bagay na naroroon. Batid nating lahat kung gaano kabigat ng dahon. Walang sinuman ang nakakapalipad niyon na parang isang tuyong dahon na kagaya ng nangyari kanina, gagalaw lang ito sa mga katulad kung AirMage. Ganun din ang tubig, ang bonsai at ng apoy. At gaya ng nasaksihan natin napakatagal na mula noong huling nakita natin ang ibang kulay na apoy. Ang tanging magagawa natin ngayon ay turuan ang mga bata at alamin kung hanggang saan ang kanilang kakayahan." ani ni Firen. "Maaasahan ko ba ang inyong tulong?"
Sabay na tumango ang tatlong MasterMages na makikitaan ang excitement sa mga mukha.
Matagal na panahon na rin ang lumipas mula nang may nagpakita ng ganitong kalakas nakapangyarihan.
BINABASA MO ANG
Elemental Mage Book 2 (Tempest)
FantasySa loob ng matagal na panahon inilihim ng angkan ni Tempest ang kanyang kapangyarihan. Isa siyang elemental mage, may kapangyarihan siya sa hangin at tubig. A kind of power that was lost, a long, long time ago. Pero sa pagsapit niya sa edad na sa...