Chapter XXVIII: Tempest

4.4K 161 4
                                    

                  

Nang mabasag ang pinto nakita ni Tempest na pumunta sa harapan si Master Cadwallader.

            "Ready!" Sigaw nito.

            Pumasok ang isang nakaitim na roba kasama ang lima na higante. Ang tanging nagregister sa utak ni Tempest ay ang mga higante.  Her nightmare! Namutla si Tempest.  Hindi siya makahinga.  She panicked.  Hindi niya kayang labanan ang mga giants.  Napaatras si Tempest.  Magagaya siya sa batang---.

            "Hey, Ty?  Okey ka lang?" Napansin ni Tarieth na humakbang paatras si Tempest at grabeng takot na rumihistro sa mukha ng kaibigan.  "Tempest..." Umalis sa formation si Tarieth at lumapit dito.  Ngunit bago pa malapitan ang kaibigan ay napahinto  ito at napalingon sa pinto ng may magsalita.

            "Well, well, well.  Warrior children!" Galing iyon sa lalaking naka itim na roba, natatakpan ng hood ang kalahati ng mukha nito kaya ang tanging nakikita lang ay ang kalahati ng ilong nito at bibig.  Kapansin pansin din ang pulang X na nakasulat sa hood nito.  "Bris Cadwallader.  Kung alam ko lang na ikaw pala ang hahanapin ko para makita ang mga bata.  Di sanay hindi na ako nag aksaya ng panahon.  Ngayon, ibigay mo sa akin ang mga bata!  Kung ayaw mong may masasaktan sa mga studyante mo!"

            "Sino ka? Sino ang nag-utos sa inyong lusubin ang paaralan?" Kalmadong tanong ni Master Bris Cadwallader.

            "You don't expect me to answer that do you? Now hand me all the children or you all die."

            "Handa ang mga maliliit na warriors ko na ibuwis ang kanilang buhay para sa Quoria.  Through blood and pain.  Defeat and triumph.  We will stand as one.  We will stand united! Hail the King!"  Isinigaw nito ang huling sinabi sabay labas ng blade at sumugod ito.  Bago pa man nakalapit si Master Cadwallder ay may sinalubong ito ng apat na malalaking tao.

            Natigilan si Tarieth. Hindi mga ordinaryong nilalang ang mga Were.  Ito ay isang lahi ng mga tao na kayang mag iba ng anyo na kagaya ng hayop.  Ngunit ang alam niya tanging kabilugan lang iyon ng buwan.

            Pwet ng aninipot! Bilog pala ang buwan!Napamura si Tarieth.  "Ty." Nang hindi pa rin tuminag si Tempest ay niyugyog niya ito ng malakas para matauhan ito.

            Pakiramdam ni Tempest at na dislocate ang spinal cord niya, bali ang leeg niya at tumilapon ang ulo niya sa lakas ng yugyog sa kanya.  Napatitig siya sa nag alalang mukha ni Tarieth.  Malamang ito ang may kagagawan.  "Tara?"  Nalilitong tanong ni Tempest.  Hindi ito sumagot bugkos ay hinila siya nito na kulang nalang ay tumilapon siya. Then she felt the heat.  Ang kaninang kinatatayuan niya ay may bakas na kulay itim.   Kung nahuli ng kahit isang segundo ay nasisiguro siya she will end up like a black stain on the floor. Kinikilabutan si Tempest.

            "Ty, makinig ka. Ang mga kalaban natin ay mga Were. Malalakas sila Ty kagaya ng isang Kapre. But not invencible. Ang tanging weakness nila ay ang kanilang leeg. Wag na wag kang pahuhuli o mahawakan man lang. Naintindihan mo ba ako?" Tango lang ang naisagot ni Tempest. Habang ang mga mata ay nakatitig pa rin sa mga giants---Were.

            Noon lang napansin ni Tempest na nawala na ang formation nila.  At kanya kanya ng laban ang mga kasama. Maliban sa mga first year. They have order not to engage hanggang sa huli. It's a stupid order pero naintindihan niya Si Master Cadwallader. They are first year, untrained sa standards nito. Iniisip siguro nito na instead na makatulong maging balakid pa ang mga kagaya niyag baguhan. They need concentration while fighting.

            Parang dinaganan ng mabigat na bagay ang dibdib ni Tempest ng makitang may mga kasama siyang nakitang naka higa sa sahig at sugatan. Mas marami silang studyante kaysa kalaban. Mayroong limang Were na kalaban at ang isang black robe mage na patuloy pa rin ang pakikipaglaban ni Master Cadwallader dito. Si Tara ay nakatayo sa kanyang harapan at hindi lumalaban habang siya ay nakatulalang nakaupo sa sahig.

Elemental Mage Book 2 (Tempest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon