Chapter III: Tempest

7.9K 282 15
                                    


Nakalipas ang sampung taon...

"Ang gwapo talaga ni Sere!" Narinig ni Tempest ang impit na tili ng apat na babae na nakaupo sa kanyang harapan.

Kasalukuyan silang nasa loob ng isang malaki ngunit ordinaryong silid. Maliban sa isang di kalakahing lamesa at upuan sa likod niyon na nasa isang gilid ay wala ng gamit sa loob. Maraming batang nakatayo sa gitna ng silid at kabilang na doon si Tempest.

Itinaas ni Tempest ang mukha mula sa librong binabasa saka napatingin sa tinutukoy ng mga babae sa harapan. Naroon at nakatayo sa bungad ng pintuan na parang may hinahanap ang lalaking pinag-uusapan ng mga babae na walang iba kindi si Seregon Narmolanya Anvamanwe o Sere. Hindi nakapagtatakang maraming babaeng magkakagusto dito dahil gwapo nga ito. Natural lang naman dahil direct descendant ito ni Empress Erythrina Maranwé Narmolanya, Reyna ng Elveden at Imperatris ng Quoria dangan nga lang at nilisan nito ang pwesto at namuhay sa Elveden kung saan nakatira ang mga Elfo.

Hugis puso ang gwapong mukha nito na may kasing itim ng gabing mga mata na binagayan naman ng maliit ngunit matangos na ilong.Maiitim ang unat at malambot na buhok nito na umaabot sa ibabang tainga. Makinis ang malakremang kulay ng balat nito. Matangkad ito kumpara sa ibang batang kaedad nito.

Nang makita nito ang hinahanap ay naglakad ito patungo sa gitna ng silid.

Pinagmasdang mabuti ni Tempest si Seregon habang naglalakad ito. Magkakilala na sila simula't sapul palang dahil ang kanyang lola ay Commander General ng ama ni Seregon na siyang hari ng Quoria. Tahimik na bata, matalino ngunit bihirang ngumiti ito.

Napakaseryosong nilalang. Napailing si Tempest.

Marahil, dahil sa pagiging seryoso lagi ay nagmukhang mysteryoso ito sa paningin ng iba. Kaya naman ang mga kababaihan na kaedad nila ay parang may sakit na epilepsy sa tuwing nakikita ito. Pero sa tingin niya, isa sa mga dahlan kaya siguro ito laging seryoso ay dahil sa responsibilidad na nakaatang sa mga balikat nito. Ito ang tagapagmana ng truno ng Quoria at hindi birong responsibilidad iyon.

Huminto si Seregon sa harapan ni Tempest at kumunot ang noo, sabay pitik sa noo ni Tempest.

"Aw!" Mahinang daing ni Tempest sabay hawak sa noo.

"Stop looking." Seryosong utos ni Seregon.

"Tsk!" Sabay irap nito kay Seregon at saka muling ibinalik ang pansin sa hawak na libro.

Maingay ang silid nang naramdaman si Tempest na may pumasok sa silid, nag- angat ito ng tingin at nakita ang isang lalaking naka gray na roba. Hindi ito katangkaran at payat ang katawan ngunit may hitsura ito. Mukha itong kagigising lang dahil magulo ang buhok nito. Lumakad ito sa kinaroroonan ng lamesa saka umupo. Inilibot nito ang mata sa loob ng silid. Mayroong dalawamput-limang bata na nasa pagitan ng sampu at labing-anim na taong gulang ang sasailalim sa Selection para maging isang mage.

Biglang tumahimik ang lahat nang makita ang lalaki.

Ang Selection ay ginaganap taon-taon sa iba't-ibang kaharian ng Elvedom. Ang unang pagsusulit na gagawin ay tinitingnan kung kaano kabilis matutong kontrolin ng mga bata ang kanilang kapangyarihan. Pangalawa, alamin kung anong klaseng element ang kapangyarihan ng mga ito. At pangatlo, ang klase ng paaralan na mapupuntahan nito. Bawat Selection ay may mga representative sa iba't ibang paaralan sa iba't-ibang panig ng Elvedom. Ang pangunahing paaralan ay ang Quorian University of Mages, ito rin ang kauna-unahang paaralan sa buong Elvedom para sa mga mages. Kaya naman lahat nang mga naroroong bata ay nangangarap na makapasok sa QUM.

"Ako si Professor Rylon Stillblow. Nandito tayo ngayon para sa Selection! Alam ko na excited na kayo, kaya tanong ko ngayon, ano ang pinakaimportanteng bagay na matutunan tungkol sa mahika?" Halos lahat ng mga bata na naroon ay nagtaas ng kamay maliban sa tatlo.

Elemental Mage Book 2 (Tempest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon