Si Athea Ramirez

8 0 0
                                    


Ako si Athea Ramirez 16 nako, college na sana ako sa susunod na taon pero nagkataong napunta ako sa first batch ng k to 12. Grade 10 student. Simpleng babae, malakas kumain,madaldal,palakaibigan pero pag hindi ko nagustuhan ang isang tao, hindi ako makikipagplastikan dahil hindi ko siya papansinin di bale na lang kung may kailangan sya sakin. Haha hindi nman ako ganun kasama eh.

Kasama ko ngayon ang mga kaibigan ko "Zoo Invasion" ang tawag sa grupo namin.

Joy: Thea kamusta na kayo ni Michael?

ako: Okay lang nman kahit papano. Away bati eh

Si Michael Boyfriend ko, pero barkada rin namin kasali nga sya sa zoo invasion eh. Matangkad, Varsity ng Basketball, Gwapo , Matalino. Swerte ko haha

Joy: Mabuti nman kung ganun at natutuwa ako dahil hindi ko na kayo naririnig na nag aaway. Naks naman haha

Ako: "tigilan moko", sumbat ko.

Joy: Hoy kayong dalawa alam nyo namang may quiz tayo ngayong hapon pero puro celpphone inaatupag nyo.

Yan ang mga kaibigan ko, magugulo haha pero lahat MATALINO haha ayan caps lock yan :P nga pala asan kaya si Michael? mukang may practice nanaman sila.

Naglalakad ako papuntang canteen, naks naman yung tyan ko dami ata bituka nito laging gutom haha. Biglang may umakbay sakin infairness mabango kahit pawis, haha sino pa ba edi yung boyfriend ko <3


ako: tapos na practice nyo?

siya: oo babe, kapagod nga eh haha.

ako: Pagod tapos tumatawa okay ka lang? halika ka na nga samahan moko bumili ng pagkain libre kita.

siya: Good idea!

talagang swerte ako sa lalaking to.. hay kapag talaga in love ka.


Pagkatapos namin bumili ng pagkain ay sinamahan ko siyang pumunta sa locker nya para makapag palit na damit, may klase kasi kami nagyon 10 am at 9:45 palang naman, saglit lang syang natapos kaya nakarating kaagad kami room bago magsimula ang klase.


Sa wakas natapos yung mga klase namin ngayong araw ng masaya, at syempre kami ng barkada ko pasado nanaman sa pasulit sa filipino. Tumunog ang cellphone ko at alam ko na kung sino ang nag text dahil iba ang message tone nya dito.


Siya: Babe san ka? Hatid na kita?

ako: Aga pa nga eh mamaya na by.

Siya: Masama pakiramdam ko baby.

ako: Nasaan ka? pupuntahan kita.

Siya: Nasa parking lot, sa loob nako ng sasakyan.

ako: sige hintayin moko.

Pagpasok ko sa sasakyan nya ay nakayuko lang sya sa may manubela, sinalat ko at laking gulat ko na sobrang taas ng lagnat nya. Ginising ko siya dahil nakatulog sya, nag away pa kami kasi sabi ko ako na ang magmamaneho at ihahatid ko siya sa kanila pero yaw nya kaso wala syang magawa kaya ayan, salamat at nakinig sakin.


Pagdating sa kanila ay agad ko syang dinala sa kwarto nya, wala pa dito sila tito at tita dahil nasa trabaho pa, okay lang kasi legal naman ang relasyon namin ni Michael. Kumuha ako ng malamig na tubig at pinunas punasan sya, tinulungan ko rin sya mag palit ng damit pero hoy sa short sya na,wa kayo DM :P


Nang makatulog sya ay napatitig ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang hugis nga mata nya na singkit, ang ilong nyang matangos at ang labi nyang mas maganda pa ata sa kaysa sa labi ko dahil mas mapula pa iyon kaysa sa sakin. Hahahaha habang tumatagal ay naaalala ko ang lahat ng mga bagay na pinagdaaanan namin. Lahat ng masasaya at malulungkot na araw na dumating sa buhay namin. Ang mga iyak, mga sakit na naranasan namin.



It was all just a dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon