Happily Ever After or The End?

2 0 0
                                    

Athea's Pov


Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung nagkita at nagkasama kami muli ni Michael,na kaming dalawa lang. Marami ng gumugulo sa isip ko. 


Joy: "Talaga bang naka move on ka na thea?" tanong niya sakin, nandito siya sa kwarto ko pinapunta ko siya dahil sobrang gulo nako.

 Ako: "Akala ko oo eh, simula kasi ng magkasama kami ni Michael bigla nalang gumaan ang loob ko sa kanya. Napapasaya nya ko ng sobra kahit na mag text lang siya sakin. Napapsaya niya ko kapag pinupuntahan niya ko dito sa bahay."

Joy: Mukang mahal mo pa nga rin pala talaga siya thea kung talagang hindi na kasi, hindi naman ganyan kadali bumalik feelings mo sa kanya.

Ako: Hindi ko nga ba alam Joy. Pero alam kong mali ito kailangan ko makipagkita sa kanya kailangan ko nang tapusin ito. Ayoko na masaktan. 

Joy: Pero mahal mo pa rin siya?

Ako: "OO JOY MAHAL KO PA RIN SIYA !!" hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko. "Pero hindi ko na siya ahhayan para saktan pa ulit ako."


Tinext ko si Michael para makipagkita sa kanya. Kailangan ko na itong tapusin eh.


To: Michael


Mich. Magkita tayo ngayon sa park 6:00 pm.


From: Michael

Okay :) See you.


4:30  naman na eh. May 1 hour pa para mawala tong pamamaga ng mata ko kakaiyak ko. 5:30 na at wala pang 6 ng makarating ako doon, umupo muna ako sa duyan at nagpaduyan duyan. 6: 10 na pero wala parin siya hinintay ko na lang muna dahil bka na traffic lang. pagka 6:15 ay nakita ko na agadang sasakyan niya, bumaba siya rito at bitbit niya ang isang bouquet of roses. Yung paboritong color ko ang kulay nito.


Siya: Hi thea sorry na late ako, dumaan na muna ako sa flower shop para bilhan ka. Diba favorite moto? :)

Ako: Michael hindi nako magpapaligoy ligoy pa, tapusin na natin to.

Siya: Ha? Anong ibig mong sabihin thea?

Ako: Michael ayoko na, sinaktan mo na ako noon at ayoko nang maulit yung ginawa mo sakin.

Siya: naguumpisa pa nga langa ako Thea eh, bigyan moko ng chance please.

Ako: "Yun na nga eh naguumpisa na, at parang napapatunayan ko tuloy ngayon na mahal pa rin kita!" hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko, maging siya ay napaiyak na rin.

Siya: "Thea please" lumuhod siya sa harapan ko, nabitawan niya rin ang bulaklak na dapat ay ibibigay niya sakin.

Ako: "mahal kita mich, pero ayoko na masaktan. I'm sorry"


Iniwan ko siya doon at mabilis na pinaandar ang kotse ko. Masakit pero kailangan ko ito gawin.


Michael's POV


Hindi ko na alam ang gagawin ko ko kapag nawala siya sakin kaya sinundan ko siya at mabilis din na ipninaandar ang kotse ko. Tanaw na tanaw ko ang sasakyan niya kailangan ko siyang habulin. Nagulat nalang ako ng bigla siya nabangga sa may puno.


Ako: "ATHEA!!!!" dali dali akong bumaba sa kotse ko at pinuntahan siya nakita ko siyang walang malay at duguan. Kaya agadakong tumawag ng ambulansya.


Pagdating sa ospital ay agad siyang ipinasok sa emergency room. Agad akong napasapo sa muka ko.Thea, please lumaban ka mahal na mahal kita. Tinawagan ko na ang mga magulang niya kaya naman agad din itong nakadating.


Emmanuel: Anong nangyari kay thea michael?

Ako: Naaksidente po siya tito nabangga siya sa may puno.


Iyak naman ng iyak ang mama ni thea, si tita Rachelle. 

Rachelle: Bakit mo siya pinabayaan michael? dahil sayo naaksidente anak ko.

Emmanuel: Shh tama na walang kasalanan si Michael, aksidente ang nangyari. hintayin nalang natina ng resulta.


Bigla nalang lumabas ang doktor.

"Kritikal ang lagay ni thea ngayon, kailangan muna natin siyang obserbahan pang samantala,don't worry Mr. and Ms. Ramirez we will do everything to save your daughter.


Emmanuel: Thank you doc.


2 araw na ang nakalipas simula ng maaksidente si Thea, wala ngayon ang parents niya kaya naman ako na muna ang nag bantay sa kanya.


Ako: Thea please lumaban ka ha? hindi ko alam kung anong mangyayari sakin kapag  tuluyan kang mawawala sakin. Mahal na mahal kita.


Tumuluho nalang ang luha ko ng hindi ko namamalayan. Hinawakan ko lang ang kamay niya at hindi ko napansing nakatulog ako.


Athea's POV


Nagising ako at puro puti ang nakikita ko "Nasaan ako?" ang mga salitang nabigkas ko. Tumingin ako sa paligid at dun ko lang napagtanto na nasa ospital ako, nakita ko si Michael na mahimbing na natutulog habang hawak ang kamay ko. Napangiti naman ako. Napakaswerte ko sa lalaking ito dahil pinatunayan niyang mahal niya ako. Kung dati hirap ako magdesisyon kung ano gagawin ko, ngayon hindi na. Hindi ko na siya pakakawalan, inangat ko ang isa kong kamay para hawakan siya kaso nagtaka ako na hindi ko mahawakan ang kamay niya kaya naman tumayo ako, at laging gulat ko ng makita ko ang sarili ko na nakahiga sa kama. Biglang nagising si Michael at sumigaw mabilis na pumasok ang mga doktor, at nakita ko si Michael na uimiiyak at parang may tinatawagan.


Siya: Tito bilisan niyo po si thea!! 


At binaba niya na ang telepeno,hindi nagtagal ay may biglang pumasok at nakita ko sila mama at papa kasama ang mga kapatid ko. Nag iiyakan na sila pero pinalabas sila ng mga nurse. 


"Sorry, we did everything to save her, pero hindi na siya lumaban" sabi ng doktor.


Hindi,hindi pako patay. Michael please please hawakan mo kamay ko igising ako para sayo. Nakita ko siya na lumabas ng kwarto, sinundan ko siya at galit na galit siya. Umiiyak siya? Michael don't cry baby please, alam mong ayaw kong nakikita kang umiiyak ka dahil yan yung weakness ko.

Hindi pako patay baby andito pako oh. Hindi kita iiwan baby.







It was all just a dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon