Dinner Date

11 0 0
                                    

Iniisip ko kung anong mangyayari sa dinner namin ngayong gabi. Dalawa lang kami so parang date na rin yun. Hahay move on ka na Thea so friends nalang kayo. Wag ka mag isip ng kung ano-ano hahaha baliw kana ata eh. Pumunta anlang ako sa harap ng aparador ko para pumili kung ano susuotin ko para mamayang gabi kaso para naman akong baliw dito na sa sobrang dami ng damit ko ni hindi ko alam kung ano susuotin ko -___-

"Ano bayan thea dinner lang yan hindi naman yan DATE kaya bakit kailangan mong mag pa bongga :3" sa hili ay napagdesisyunan ko na mag dress nalang simple lang naman eh tsaka mag do'doll shoes nalang ako.

Wala rin naman akong masyadong ginawa ngayong gabi kaya naman nagkulong lang ako sa kwarto at naki pag movie marathon sa mga kapatid ko yung Inside Out haha namiss ko yung mga ganitong pagkakataon na nagkakaisa kami yung walang away :D

Pag ka 6 pm ay nagbihis nako at nag ayos. Kinulot ko yung buhok at yung simpleng damit at doll shoes lang suot ko.

New Message

From: 09*********

Thea susunduin nalang kita on my way nako.


To: 09********

Okay bilisan mo alam mong ayaw kong pinaghihintay ako. Ingat :)

naks naman thea haha :D pag tingin ko sa orasan ko ay 6:30 na at 6:45 siya eksaktong dumating sa bahay. Paglabas ko ay nandun sya nakatayo sa harap ng sasakyan niya, at siya mismo ang nagbukas ng pinto nito para sakin. Front seat infairness haha ^_^ At aaminin ko ang gwapo niya sobra. At may nagbago sa kanya kasi dati payatot ito eh haha pero ngayon may muscles na siya at halata yung hmmm 6 packs niya ^_^ Hahaha baliw ka thea.

Nang makarating na kami sa France Restaurant ay nag order na kaagad kami ng pagkain namin. Habang hinihintay namin ang mga pagkain namin yeah MGA "MATAKAW KAMI" hahaha XD nag usap muna kami.

Siya: You're still Beautiful thea :)

Ako: O.O ?_?

Siya: Haha correction you're gorgeous mas lalo kang gumanda ngayon.

Ako: Ah eh hehe thanks michael. 

Siya: You're welcome. Kamusta ka naman?

Ako: Okay lang naman ako eh ikaw?

Siya: Ako din.. 

Panandaliang katahimikan  ang namagitan sa amin.

Siya: "I missed you" ang mga salitang lumabas sa bibig nya.


Parang akong baliw may biglang nabuhay sa kaloob looban ko.

Ako: "Namiss din kita" whaaaaaat?!bat ko nasabi yun? Hala hala.. "Haha syempre naman michael noh matagal rin yung napagsamahan natin DATI kaya naman na miss rin kita. Kulit mo kasi eh"

Yung ngiting nakita ko sa bibig nya ay bigla agad napalitan ng lungkot.

Siya: Past na yun thea diba?

Ako: Oo naman past na yun :) Kaya wag ka mag alala okay nako.

Siya: Pinagsisihan ko yun ng sobra thea at nung nawala ka halos mabaliw ako. 

Ako: Mabuti naman na nagpagsisihan mo yun michael, pero ano kaba hindi naman ata kasalanan yung magmahal ka ng dalawa. Tsaka itago mo dun sa isa, itago mo ng 2 taon.

Michael's Pov


Para may biglang tumusok sakin. Nagagalit ako sa sarili ko dahil sakin naging ganyan ang pagtrato niya sakin, oo alam kong kasalanan ko to. Pero simula nung nawala siya mas narealize ko kung gaano ko siya kamahal. Muntikan na nga akong maaksidente nung hinahabol ko siya sa airport. Kailangan kong gawin ang lahat para maibalik siya sakin. Hindi ko kayang mawala siya sakin. At iniwan ko si Zabrina para kay Thea.

Kay thea lang ako nagkaganito,  Iba si Thea sa lahat ng mga babaeng nakilala ko. Yung mga ibang ex ko kasi iiwanan ako tas biglang babalikan, mukang tanga kasi nakakabakla dahil ako yung iniiwan pero ganun sila. Sila yung may mga problema hindi ako, haha kapal din nila para balikan pako. Pero si Thea umabot ng isang taon bago ko nakuha yung "Oo" niya. Iba yung klase ng ngiti na meron siya, iba siya kung tumawa, iba yung pagkilos niya.Unang beses palang na nagkakilala kami naramdaman ko na kaagad kung gaano ako kakumportable kapag kasama siya. Wala lahat sa kanya ang mga gusto ko sa isang babae, dahil siya yung babaeng hindi mahihiya dumighay na malakas sa harap mo, yung hindi mahihiya magsabi na masakit tiyan niya at gusto niya mag banyo, siya yung babaeng hindi mahinhin, dahil napakalakas ng boses niya at madaldal rin. Pero masasabi kong napaka simpleng babae niya hindi katulad ng mga babaeng nakilala ko. Siya yung isang babaeng kapag nagkatampuhan kayo,hindi siya titigil na patawanin ka kahit inis na inis ka sa kanya. Siya si Athea Ramirez na hindi ko inakalang mamahalin ko ng ganito. Yung hindi makumpleto ang araw ko kapag wala siya sa tabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya minahal. Basta ang alam ko mahal ko siya. Oo wala talaga sa kanya lahat ng mga gusto ko sa isang babae, but i fell inlove with her.

Ako: Thea please give me one more chance. Hayaan mong ipakita ko sayo kung gaano kita kamahal. 

Thea: "Haha nagpapatawa kaba Michael? Sinaktan mo nako paano mo pa maipapakita?'' ang sagot niya sakin.


Magsasalita sana ako kaso dumating na yung mga inorder namin.


Thea: Kumain na tayo michael gutom nako eh tsaka uuwi narin ako pagkatapos nito. 


Tapos kumain na siya ano pa nga ba magagawa ko? Kumain na lang din ako at hindi na muling nagsalita. Ayoko munang sirain yung pagkakataon na magkasama kami ngayon dahil hindi ko lam kung mauulit pa ba ito.  Pero pinangakoko na sa sariliko na hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nabablik sa buhay ko, talagang mahal ko si Athea at gagawin ko ang lahat para sa kanya.


Ako: Masarap ba babe?

Thea: don't call me babe -_- 

Ako: Haha joke lang! hindi ka naman mabiro.

Thea: Nagbibiro ka pala haha akala ko hindi, di naman kasi halata eh -_-

Ako: Haha kumain ka nalang diyan.

Pagkatapos namin kumain ay inalok ko siya para ihatid sa kanila,pero bago nun ay idinaan ko muna siya sa pinaka memorable na lugar para samin. Sa circle of fun. At nakita ko naman yung ngiti na naporma sa muka niya. Sumakay kami ng mga rides at alam kong sobrang napasaya ko siya. Mga 10 narin ng maiuwi ko siya kanila.


Thea: Thank you Michael, nag enjoy ako. :) Ingat ka sa pag biyahe mo.

Ako: It's my pleasure to make you happy thea.  Thank you din dahil pinayagan mo ako paragawin iyon.

Thea: :) Sige mauna nako. 


At hinayaan ko na siyang pumasok sa kanila. Sobrang saya ko ngayon. Biglang tumunog ang cellphone ko.


New Message

From: Thea <3


 Goodnight! 


Naks naman haha parang mas lalo akong nagkakaroon ng self confidence para maibalik siya sakin. I love you somuch Athea Ramirez.














It was all just a dreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon